Chapter XXVII

2K 45 0
                                    

Cielle's POV

"Oh! Bakit naman ganyan ang itsura mo?" Biglang bungad saakin ni Miria habang nakangisi pa itong inaayos ang kanyang bag saka naupo sa tabi ko rito sa bench. Kakatapos lang ng first period namin at nag-text siyang magkita kami rito.

Hay... Napakalaki kasi ng mga eye bags ko grabe. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos.

Nilingon ko naman siya na nanlalaki ang mga mata. Natawa naman siya at napapalo pa sa braso ko. Aray ah!

"Look at your face! Para kang zombie sa itsura mo ngayon! Promise ano bang nangyari sayo?" Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Inimagine ko naman yung pagmumukha ko at lalong napangiwi pa ako.

Bumuntong hininga nalang ako. Hindi rin pala alam ni Miria ang mga nangyari saakin dahil halatang 'di siya aware e. Kng alam man niya tiyak naman akong kukulitin niya ako. Hay, mabuti na ring hindi niya malaman.

Napaisip pa ako nang maalala ko rin yung sinabi kanina nung Prof. namin sa klase at sinabi ang nalalapit na Finals para sa 2nd Semester. Grabe malapit na pala iyon. Kailangan ko nang pagbutihin ang pagrereview, pero bakit ganito parang pre-occupied talaga ako.

....

Last period na at buong klase kami naging abala sa pakikinig lalo na sa pagta-take ng notes na nasa white board.

Nang mag-dismiss na ay saka naman kami nagkita ulit nitong si Miria dahil nga buong second sem ay hindi ko siya kaklase kaya sa tuwing vacant at uwian lang talaga kami nagkakasama.

Heto nanaman siya at ang hyper-hyper niya.  Pareho talaga sila ni Cheyenne. Pero minsan din napapansin ko ang pagiging seryoso niya. Parang iba ang aura niya. Ewan ko ba.

Pero napatitig bigla ako sa isang kamay niya. Ngayon ko lang pala napansin iyong benda doon sa kamay niya kaya't di ko naiwasang magtanong.

"Anyare diyan?" Tanong ko sakanya. Napatigil naman siya sa pagsasalita. Itinaas naman niya ang kamay na may benda at tumingin dito.

"Ito ba?" Tugon nito. " Napaso." Diretsong sagot nito saka ngumiti. Tumango na lang ako.

Hindi na ako muling nagtanong pa at itinuloy ko na lang ang paglalakad. Pero bigla nalang akong may naalala.

Napapikit tuloy ako saka tumingin naman ako sa tabi ko. Bakit biglang tumahimik ang isang 'to?

Minsan talaga nakakapagtaka si Miria. Minsan masaya siya, pero minsan tulala naman ito. Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali niya.

Nagpasya na lang kaming magtungo sa building kung nasaan si Che para sunduin siya. Nagtext kasi siya saakin at sinabing namimiss na raw niya ako at ang kapal talaga ng mukha niya dahil kami pa talaga yung lalapit sakanya e.

Napabuntong hininga na lang ako. Naglalakad na kami ngayon sa quadrangle nang may marinig kaming sumigaw.

"Yung BOLA!"

"Hala!"

"Miss, alis diyan!"

Rinig naming sigaw nila nang paglingon ko ay napatigil ako. Nakaharang si Miria saakin at yung may benda niyang kamay ay malapit na talaga sa mukha niya mga 1 inch nalang at nasalo niya yung hard ball na ginagamit sa baseball. Nagulat pa yung mga nakakita pati na rin yung mga lalaking mga player.

Ibinaba ni Miria iyong kamay niya at tinitigan pa ang hawak niyang bola.

"Miss, pasensya ka na. Mabuti na lang at magaling kang sumalo. Pakibato na lang." Natatawa pang sabi noong isang player. Yung iba naman ay parang nakahinga pa ng maayos.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now