Chapter 13: THE END

4.7K 140 30
                                    

Pagkalabas ni Zef ay sakto namang tumawag si Arlou.

“Sira-ulo nito.” alternative way ng pagbati niya ng Good morning. “Tumawag sa’kin si Tito.” Tukoy niya kay Dad. “Pinapatanong kung sa bahay ka ba talaga namin nag-stay kagabi. Buti na lang nabanggit niya ang tungkol kay Zeff. Kundi nabulilyaso ka na.” Natawa na lang ako sa problemadong tono ni Arlou.

“Thanks, dude.” nang-aasar na sabi ko.

“Gago. Nasaan ka na ba?”

“Pauwi na ng bahay. Hinatid ko lang si Zef sa school.” narinig ko ang pagsipol niya.

“Papunta na kami ni Matt sa bahay niyo. Kitakits.”

“Teka. Ano’ng meron? Bakit kayo pupunta?”

“Tinatanong pa ba ‘yon? Siyempre aalamin namin kung ano nangyari sa inyo kagabi.”

“Bakla ba kayo? Babae lang gumagawa niyan.” Iritable kong sabi.

“We know. Inutusan lang ako ni Ynah. Inutusan din si Matt ni Onycha. Alanganang hindi namin sundin ‘no.” Naiinis na paliwanag ni Arlou. Ganito ba talaga kapag true love? Lahat ng kayang gawin nilang pabor mula sa kasintahan nila ay gagawin nila? Ang labo naman.

“Fine.” Ibinaba ko na ang tawag. Pinaandar ko na ang kotse. Bago tuluyang umalis ay sumilip ako sa pinaglakaran ni Zef. I love you. Nag-echo sa utak ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.

           

Mas masarap siguro sa pakiramdam kung totohanan na lang.

                                                                                ♥ ♥ ♥ ♥

Kalahating oras ang lumipas at nandito na sila Arlou at Matt. Nagkakalat ng cornick at potato chips sa sahig ng kwarto ko. Hinayaan ko na lang sila. Hindi ko hahayaang masira lang ng dalawang ‘to ang good mood ko.

“It seems that someone got laid last night.” Natatawang puna ni Arlou ngunit agad ding naging seryoso ang mukha. “Gago lang pare, don’t tell me si…” Hindi na niya ituloy pa kung sino ang nasa isip niya. Mas lalo akong napangiti ng malawak.

           

Damn, I can’t help it.

           

“See. His smile means something. Like he is so fucking in love.” Tumawa ng malakas si Matt na sinamahan ni Arlou at malakas na nag-high five.

           

Am I really in love?

           

“I don’t know…” sabi ko na parang sinagot lang kung ano ang nasa isip ko.

“You have this sparkling eyes, dude.” Nagkunwaring nasuka si Arlou. “Nahawa na ko kay Ynah.” natatawang puna niya sa sarili.

“You don’t have to deny it, Blaze. It is obvious in your flushing face.” Binato ko si Matt ng unan. Nasa kwarto ko kasi sila ngayon.

“Piece of advice lang, pare.” Tinapik ako ni Arlou sa balikat. “Kung mahal mo na si Zef sabihin mo na sa kanya agad ang totoo. Kapag pinatagal mo pa, masasaktan lang ‘yon.” Bumuntong-hininga ako ng malalim.

“I don’t know how…how to say it.” pag-amin ko.

“Sira-ulo ka naman pala eh.” Dismayadong sabi ni Matt. “Kung iiwanan mo naman pala siya. Bakit mo pa ginalaw?” Pinukulan ko ng masamang tingin si Matt.

Call Me, "I Love You"Where stories live. Discover now