Chapter 4

2.5K 99 10
                                    

Lumipas ang mahigit 2 oras at sa wakas natapos na rin ang klase. Mabilis na nagsialisan ang mga classmates ko dahil nag-overtime ang napakasipag naming propesor. 8:30pm na at gutom na gutom na ko. Ako na lang ang natitira sa classroom dahil may tinapos lang ako na notes sandali. Tumayo na ko at naglakad papuntang pintuan, isasara ko na sana iyon ngunit napansin ko si Blaze na nakadukdok ang ulo sa armchair.

"Dito pa talaga nakuhang matulog." bulong ko sa sarili. Umiling na lang ako at tuluyan ng lumabas ng classroom. Nakahawak pa rin ako sa doorknob ng muli kong buksan ‘yon. Tinignan ko siyang muli. "Hayttss bahala ka na nga diyan." Iritable na kong naglakad palayo sa classroom. Nakakalimang hakbang na ‘ata ako o mahigit ng huminto akong muli. Pinailaw ko ang cellphone ko at sinilip ang oras. 8:35pm na. Tapos na ang klase. Gabing-gabi na. Wala ng tao sa buong building bukod kay Blaze at ako. Tapos siya, nandoon lang at natutulog. Hinimas ko ang sentido ko. Konsensya ko pa ngayon kung iiwan ko siyang mag-isa.

Marahas akong bumuntong-hininga bago naglakad papunta sa kinauupuan niya. Kung ano ang posisyon niya ng iniwan ko siya, ganoon pa rin, walang pinagbago.

"Hey! Blaze, wake up.” Marahan kong niyugyog ang balikat niya. “Nag-dismiss na po ng klase!" pero hindi siya agad nagising kaya lumapit ako sa tainga niya at medyo nilakasan ang boses ko. "BLAZE RICAFORT! Gising na! Gabi na oh! Magsasara na ang school!" ngunit wala pa rin. Binaba ko na ang bag ko at niyugyog siya ng marahas. "Hoy! Gising na! Huwag ngang bingi-bingian! Nakaka-badtrip ka na ah!” Sinambunutan ko na siya para magising ngunit wala pa rin. Pumadyak na ako ng malakas sa sobrang pagkainis. Hindi pa ko nakontento kaya pinadyakan ko na rin ang tuhod niya. “Hindi ka ba nasasaktan?!” Singhal ko sa kanya at pinadyakan siyang muli. Wala pa rin. “Dapat iniwan na kita dito eh!”  Ginulo ko na ang buhok ko. “HOY! Kinakausap kita! Gumising ka nga! Bastusing bata ‘to."

Alam kong rinig na rinig na ang boses ko sa kabuuan ng classroom hanggang sa corridor. Akma ko na sana siyang sisigawan muli pero nagambala ako ng tunog ng cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ‘yon at nakitang tumatawag sa’kin si Onycha. 

“What?” I snap.

"Galit?” Bumuntong-hininga ako at mas pinili na lang na hindi siya sagutin. “Prepare for the blind date tomorrow ah! Wala tayong pasok bukas!" Tuwang-tuwa niyang pagpapaalala sa’kin. Muli akong napahawak sa sentido ko. Muntikan ko ng makalimutan.

“Oo na alam ko na yan.” Pagsisinungaling ko. Tinignan ko ang lalaking natutulog sa harapan ko. “Sige bye, nasa school pa ko.”

"Huh?! Pero kanina pa kayo nag-dismiss diba?" Puno ng pagtataka at pag-aalalang sabi ni Onycha.

"May inaasikaso lang ako, malapit na rin ako umuwi." Pagpapalusot ko.

“Sige, ingat ka diyan.” Ibinaba ko na ang tawag. Ayoko ng banggitin pa ang tungkol sa unos na kinahaharap ko ngayon dahil alam ko namang tutuksuhin lang ako.  

Balik sa gawain.

"BLAZE! GISING NA PLEEEEAAASSEEE!” tinapik-tapik ko na ang pisngi niya. Tama ako. Malambot nga ang pisngi ng lalaking ‘to. Bigla akong nanggigil kaya pinisil ko ng napakalakas ang pisngi niya. Warp na warp na ngayon ang pagmumukha niya kaya natawa ako. “Gumising ka na nga.” Pinisil ko naman ang tungki ng ilong niya, wala pa rin. "Napakatulog mantika naman nito.” bulong ko, nagngingitngit na naman sa inis. Nauubos lang lakas ko para lang sa paggising dito sa lalaking ‘to. Umupo ako sa tabi niya para magpahinga sandali.

Dito ko naalala ang sinabi niya sa’king deal kanina. “…you are gonna call me ‘I love you’, Zephaniah.” Kapag tinawag ko siyang ‘I love you’ eh di parang pumayag na ko sa kalokohang deal ng lalaking ‘to? Ayts. Ano bang gagawin ko? Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Ilang minuto na lang at alas-nuebe na.

“Magigising ka ba kapag tinawag kitang ano?” kausap ko sa natutulog na gwapong nilalang na katabi ko. Dalawang beses akong huminga ng malalim.

Wala namang mawawala kung sasabihan ko ang tatlong salitang ‘yon dahil kami lang naman dalawa ang makakarinig, ‘diba? ‘Diba? ‘Diba? Wahh! Sige, susubukan ko.

Pero bago ‘yan ay humugot muna ako ng self-confidence sa ilalim ng kinauupuan ko. Hindi ‘yon sapat kaya humugot pa ko ng isa pang kumpol ng self-confidence sa bag ko. Pero hindi pa rin sapat kaya isang batalyong self-confidence na ang hinugot ko sa likod ng white board namin. Bumuntong-hininga akong muli.

"Kaya ko 'to." Pagmo-motivate ko sa sarili. "BLAZE! GISING! MAY SUNOG!"

Teka? Ano bang sinabi ko! Diba ILY na nga sasabihin ko sa kanya?! Gusto ko ng sumigaw! Hindi ko talaga ‘ata makakaya!

“Gumising ka na kasi.” Bulong ko. Nawawalan na ko ng pag-asa dito. May blind date pa ko bukas. Ano’ng oras na! Inilapit ko lalo ang kinauupuan ko kay Blaze. Lumunok ako at lumapit sa tenga niya. “Wake up, I love you…” bulong ko.

Agad kong inilayo ang sarili sa kanya. There, finally…nasabi ko na. Hinawakan ko ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Ang seryoso ng tinig ko ng binanggit ko ‘yon. Pinilig ko ang ulo ko. Nakita ko si Blaze na ngumiti ng nakakaloko, nanatili lang siyang nakapikit.

Walang hiya.  

“Pinagti-tripan mo talaga ko eh ‘no!” Napipikon kong sabi. “BAHALA KA NA NGA DITO!” Agad ko ng kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas ng classroom. Naramdaman ko naman ang mabilis na pagsunod sa’kin ni Blaze matapos niyang isukbit sa likod ang bag niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot paharap sa kanya. Nakita ko na naman ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Bahagya pa kong napatili ng tinulak niya ko sa malamig na dingding ng corridor namin.

Sunod ko na lang namalayan na magkalapat na ang labi namin sa isa’t-isa.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon