Chapter 5

2.5K 84 4
                                    

I know she is taken aback with my sudden movement but I am more beyond shock with my behavior. I don’t know what force that has got into me that urge me to kiss her. I just want to hold her hand, walk with her outside of this building but what the – I am now kissing her and this feels so fudgin’ right.

           

I want to kiss her until she’s catching for breath. I held her waist close against mine. I feel the heat of her body and I silenty groan. She opens her mouth because she was about to say something but I take advantage and oppress her with my intensifying kisses. I dip my tongue into her, teasing her, feeling her, devouring her.

I smile mischievously when I heard her moan.

           

Feeling her knees shaking, I slowly crawl my hands to her shoulders down to her palms. I hold her and silently guide her hands up to my shoulder to curl her gorgeous arms around my neck for support. Knowing that I can affect this girl like she can affect me…it aches me more to take her. I let go of her swollen lips and seductively brush my lips to the side of her lips, to her chin down to her neck

           

“Blaze…” She silently pants. I smile once again and playfully bite her earlobe. She grip my nape tightly.

“That’s not my name, baby.” I whispered naughtily.

“Let me go, please…” She pleads.

Even if I want more, I kiss her deeply once again before finally letting her go.

                                                                                ♥ ♥ ♥ ♥

Parang umiikot ang buong paligid ko dahil sa halik ng lalaking ‘to. Mabuti na lang at nakapagsalita pa ko. Higit sa lahat, mabuti na lang at napakawalan na niya ko. Gusto ko ng tumakbo palayo sa kanya ngunit hindi ko magawa. Nangiginig pa rin ang tuhod ko. Kahit humakbang nga lang siguro ako ng isa ay madarapa na ko.

           

“Why…why did you do that?” hinihingal kong tanong.

           

Umalis na siya sa harapan ko at tumabi sa’kin. Kapwa na kami nakasandal sa dingding ngayon, hinihingal.

           

“I told you, I want to kiss you, so…I did.” Bulong niya.

“I…I need…I need to go.” Paalam ko at nagsimula ng maglakad. Nanginginig pa rin ang tuhod ko ngunit pinipilit ko pa ring makapaglakad ng maayos.

“Zephaniah…” tawag niya sa’kin at sinabayan ako sa paglakad.

           

Gusto ko siyang sigawan, sapakin, sambunutan at tadyakan katulad ng ginagawa ko sa kanya kanina ngunit hindi ko magawa. Mali ang ginawa niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang…ayos lang. Parang tama lang nahalikan niya ko. Gutom lang siguro ‘to. Lipas na lipas na ko sa hapunan.

           

“Hey.” Marahan niya kong siniko sa braso. “I’m serious about our deal. Isusumbong talaga kita kapag hindi ka pumayag.” Nilingon ko siya.

“Ang isip-bata ng deal mo! Tingin mo papayag ako? Tsaka pamba-blackmail na ‘yang ginagawa mo ah.” Inungusan ko na siya sa paglakad. Sa wakas nakalabas na rin kami ng building. Malamig na ang simoy ng hangin. Sobrang tahimik na.

“Hindi lang naman ‘yon. Sinigawan mo pa ko.”

“Nilait mo kasi ako. Sinabihan mo kong pangit!”

“Sabi ko ‘perhaps’ siguro lang naman.”

           

Kumontra ako sa sinabi niya hangga’t sa napunta na sa pagtatalo ang usapan. Binibilisan ko ang bawat paghakbang para makaiwas na sa kanya ngunit mabilis niya kong nahahabol. Hingal na hingal na kami dahil sa paghalik niya dagdag pa ng paglakad namin. Nakakainis namang gabi ‘to. Mabilis kaming nakarating sa gate. Nakita ko agad si Kuya Eddie, hindi naman siya nabagot sa pag-iintay dahil masaya niyang kausap ang gwardiya ng University. Buti pa sila, samantalang kami ng lalaking katabi ko ngayon ay katalo ko pa rin tungkol sa nonsense niyang deal.

           

"Tama na nga!” Itinaas na niya ang kamay niya bilang pagsuko. “Give me your number." Inilahad niya ang kamay sa’kin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil gusto ko.” Nagkibit-balikat siya. “Bakit ba?" 

Hawak-hawak ko lang naman ang cellphone ko kaya mabilis niya itong nahablot sa’kin. Siya na mismo ang nag-save ng number niya sa cellphone ko.

"Bakit I Love You nakapangalan dito?" reaksyon ko pagkabalik niya ng cellphone sa’kin.

"Because that's what will you call me.” Ngiting-ngiti na sabi ni Blaze.

“Bahala ka na nga.” Nagngingitngit na sabi ko. Gusto ko ng sumigaw sa sobrang pagkainis. Inabot naman niya ang cellphone niya sa’kin.

“Ano ‘to?”

"Isang tumpok ng pagmamahal ko." Romantikong tugon niya. Inirolyo ko ang mata ko.

“Korni.” Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagngiti. “I mean, ano'ng gagawin ko dito?"

“I-save mo number mo diyan.” Hindi na ko tumutol at sinunod na lamang ang sinabi niya ng matapos na. Pagkabalik sa kanya ay sinilip ko kung ano ang ipinangalan niya sa contacts niya. 

"Violet eyes?" basa ko sa ipinangalan niya sa’kin sa phonebook niya.

“Yeah.” Ngiting-ngiti na sabi niya. Napailing na lang ako.

“Makaalis na nga. Goodbye.” Naglakad na ko papuntang kotse. Agad akong nakita ni Kuya Eddie at pinagbuksan ako ng kotse.

“Wait. May nakalimutan ka.” Sigaw ni Blaze.

“What? I love you?” Nakita ko ang paglaki ng mata ni Kuya Eddie. Ayts. Napollute agad ang utak nito. Si Blaze naman ay nginitian ako ng napakatamis. "ANG LANDI MO!" singhal ko sa kanya bago tuluyang pumasok ng kotse at pabalagbag na isinara ‘yon. Narinig ko pa ang paghalakhak niya bago kami tuluyang nakaalis.

Nasilip ko pa siya sa side view mirror. Nakaplaster pa rin ang malawak na ngiti sa labi niya at hindi ko mapigilang mahawaan. 

Call Me, "I Love You"Where stories live. Discover now