Chapter 6

76 35 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Mga wala kayong kwenta! Bakit dadalawa lang kayong nakabalik?!" galit kong sabi sa dalawang nasa harapan ko.

"Hindi ba't sinabi ko na kunin niyo lang iyong babaeng iyon?! At anong sabi niyo? May dumating para iligtas siya?!" napayuko lang sila sa sinabi ko. Nanginginig pa sila dahil ayaw nilang nagagalit ako. Alam kasi nila na kaya ko silang patayin anumang oras. Sa loob ng sampung taon, ngayon na lang ulit nangyari ito. Ngayon lang. Napahampas ako sa side ng kamay na inuupuan ko. Huwag mong sabihing..

Napatingin ako sa dalawang nasa harapan ko. "Sino ang mga nakalaban niyo?" pinilit kong maging kalma. Sana ay nagkakamali lang ako ng iniisip.

"H-hindi po n-namin sila kilala, m-mahal na r-reyna. Pero d-dito kami s-sigurado, may k-kapangyarihan din sila!" sabi ng isa sa kanila kaya napakuyom ang kamao ko. Sa sobrang inis ko ay ginawa ko silang bato.

May kapangyarihan?!

"Ano na naman kinakagalit mo riyan?" napalingon ako kay Soraya na nakangisi pa saakin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakabalik na pala siya rito sa palasyo. "Miss me?" mapang-asar pang sabi niya.

"Anong balita sa sinasabi mong babae noon?" tanong ko nalang sa kanya. Mukhang may impormasyon siyang sasabihin kaya bumalik siya rito sa palasyo.

"Ahh, yung babaeng pinaglaruan ko ang panaginip?" nakangising balik tanong niya. Kung hindi lang 'to napapakinabangan, baka isa na siyang bato ngayon.

Tumikhim siya bago magsalita. "Tama ang nasa isip niyo, mahal na reyna. Mukhang sila pa nga ang nakakuha non." nawala ang kanyang ngisi at bigla siyang nagseryoso.

"Anong ibig mong sabihin?" pinipilit ko talagang maging kalmado kahit na hindi dapat. Alam ko na ang sinasabi niya pero parang hindi ko gustong tanggapin iyon. Hindi maaring may makakuha 'non! Hinding hindi ako makakapayag!

"Huwag kang magmaang-maangan, mahal na reyna. Alam kong alam mo na ang ibig kong sabihin. Kaya nga pinapakuha mo ang isa sakanila para makasigurado." muli siyang napangisi saakin. Tama siya, pinapakuha ko ang isa sa kanila para makasigurado. Kung sila nga ang nakakuha 'non, ibig sabihin buhay na ulit si Khlourisse?

Hindi maaari!

Tiningnan ko ulit si Soraya, ang Dream Manipulator. "Ipatawag mo ang 'ating alas." seryosong utos ko sa kanya at mas lalo siyang napangisi.

"Hmmm, takot na takot ang aming reyna." tinignan ko lang siya ng masama pero binalewala niya lang iyon.

Hindi ko balak manahimik lang dito. Pag hinayaan ko lang sila, kukuhanin nila ang dapat na akin lang! Kailangan muna nila akong patayin bago mangyari 'yon. Pero hindi ako makakapayag dahil uunahan ko sila. 

MEXA'S POV

"Shunga ka talaga, ayusin mo 'yang laro mo! Bantayan mo yung kalaban!"

Minulat ko ang mata ko dahil sa ingay na narinig ko. Ginala ko ang paningin ko at nasa hideout na pala kami ni Dyosa G. Sinubukan kong gumalaw at laking pasasalamat ko na wala akong naramdamang sakit. Mukhang magaling na ako. Para ngang hindi ako tinamaan ng air spike, eh.

Napalingon ako kay Mina na naka-upo sa sofa habang nagge-game sa cellphone niya. "Tanga ka ba?! Wag ako bantayan mo, yung kalaban dapat!" Napangiwi ako. Mukhang okay na okay na 'ata siya.

"Ilang oras akong tulog?" tanong ko at halos mapasigaw siya sa gulat dahil bigla akong nagsalita.

"Gising kana pala, tombs!" masayang sabi niya. Tinignan niya lang ako saglit tsaka niya binalik ang tingin sa phone niya.

Flower Rangers Where stories live. Discover now