12. I Love You Because I Love You

3.5K 90 10
                                    

Georgina's POV

Andito na kami sa bahay.

Bakit ba parang sabik akong halikan si Lady? Bakit gusto ko siyang pasayahin ngayon.

Pumasok kami sa kwarto kaya nagbihis agad ako. Nakatingin lang siya sa'kin.

"Bili muna tayo ng pagkain." Sabi ko.

Favorite niya ang pizza kaya 'yun ang gusto kong kainin namin ngayon. Wala siyang kibo. Hindi katulad noon na nakayakap siya agad sa'kin tapos hihiga kami sa kama. Noon walang malisya sa'kin pero nagagalit ako minsan dahil may gagawin pa ako naglalambing na siya.

"George."

"Oh?"

"Wala."

"Samahan mo muna ako."

Lumabas kami ng bahay. Open siya sa bahay dahil ang alam ni Mommy--bestfriend ko siya. Pinag-suot ko siya ng shorts dahil this time naguiguilty ako. Baka mahalata ng tao na tomboy siya pag nakajogging pants parin siya. Ang iksi ng shorts niya at girl na girl siya. Palihim ko siyang pinagtatawanan. Kung hindi ko alam na tomboy siya malamang baka humanga pa ako sa kasexihan niya. Parang nakakaramdam na siya ng hiya sakin. Hindi na siya tulad ng dati na panay ang akbay sa'kin, ngayon parang malalim ang iniisip niya. Gusto ko nang umamin siya sa'kin. Ayoko na ako pa ang magsasabi na alam ko na. Malamang kanina pa gumugulo sa isip niya 'yun. Panay lang ang kwentuhan namin at mabuti naman at hindi namin topic si Joanna. Dala na namin ang pizza at nagbago man siya ng konte, hindi naman nagbago ang pagiging gentleman niya. Siya ang nagbitbit nang mas mabigat naming dala.

Noon gusto ko na ako ang mas mabigat ang bitbit dahil bisita ko siya pero ngayon hinayaan ko lang siya.

"Dito na lang tayo sa salas. We'll maybe watch a movie." Suggestion niya. Bakit kaya?

"Sa room na lang. 'Di ba dati ayaw mo sa salas? Mas gusto mo sa room para sweet tayo?"

Parang pinipigilan niya ang sarili niya. Hindi na niya dapat pang gawin 'yun dahil gusto ko naman. Malamang naguiguilty siya na baka makahalata ako na tibo siya. Hindi ba halata sa kilos ko last time na gusto ko siyang halikan? Hinila ko siya sa kwarto. Umupo kami sa kama then nagstart akong kumain.

"Do you not want me to protect our relationship?" Sabi ko sabay nabigla siya.

"What do you mean?"

"I-i mean, our friendship. Parang nagbago ka. Hindi mo ba gusto ang bagong patakaran natin?"

"Okay lang naman. What's wrong?" She answered camly. Gusto ko sana mag-open ng topic about sa relationship namin seriously.

Pero hindi siya makatingin sa'kin ng diretso gaya ng mga nakaraang araw na hindi siya naguiguilty.

I just held her chin and moved it to face me. Nagkatitigan lang kami then tinanggal ko ang pagiging guilty pero it's obvious na may tinatago siya. Kung hindi ko alam kung ano 'yun baka mag away na kami.

"What's the problem?" This time I whispered.

Tinanggal niya ang kamay ko. "George, hindi tayo dapat na ganito."

"Bakit?" Nagtaka ako. Ano kaya ang reason? Baka si Joanna.

"Basta, basta." Umiling iling siya.

"I know, iniisip mo 'yung nangyari sa'tin."

Sana lang ang iniisip niya 'yung sinabi ko noon na masama ang pumatol sa tomboy. Ano ba ang dapat na gawin ko? Sasabihin ko ba na mahal ko siya as a lover para matigil na siya. Para lang mawala na si Joanna sa landas namin. Gagawin ko ba 'yun dahil totoong mahal ko siya o ayaw ko lang mapunta sa iba ang atensyon niya?

Malamang iniisip niya na lalayuan ko siya if ever na totoong ako ang mahal niya at hindi si Joanna.

"George, I'm feeling guilty everytime I am touching you. You even don't know me yet."

Napatingin ako sa kaniya pero hindi siya makatingin sa'kin. Aamin na kaya siya? Mukhang dapat yata magtanga-tangahan muna ako.

"Ano ba ang dapat na gawin, Lady? Ayokong lang naman na mapunta ka sa iba. Ayokong iba ang hinahawakan mo. Bakit ba bigla kang nagbago? Pinapakita ko na nga sa'yo na okay na tayo 'di ba?"

"Wala akong sinasabing ayoko sa ginawa mo. Mas importante sa'kin na maging over protective ka. Ganun din ako sa'yo. Napatunayan ko na pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa."

Hindi kaya alam na niya na mahal ko siya? Hindi ko siya gets. Ano ibig niyang sabihin dun? Ayaw niya akong patulan?

"Ano ba kasi ang ibig mong sabihin? It's okay to me na maging over protective ka din. Kaya ganun din ako sa'yo. Patas na tayo."

"Hindi naman kasi 'yun ang dapat nating problemahin eh. Tapos na 'yun, George. Huwag mo nang iungkat ang nangyari last time."

"Bakit ka ba kasi nag--"

"DAHIL MAHAL KITA."

"A-alam ko naman eh." Oh my god aamin na siya. Totoong tomboy nga siya talaga but this time hindi pwedeng makahalata ako.

"Hindi mo ba dama sa tuwing hahalikan kita? Hahawakan kita at awayin ang mga manliligaw mo?"

Hindi ako manhid Lady. Alam ko kung bakit.

"Oo dahil sweet ka sa'kin at may usapan kayo ni Mommy na bawal ako mag boyfriend. Ano ba ang bago doon?"

"George! Tapusin na natin 'to. Nahihirapan na ako."

"Lady!"

"I love you, Georgina." She whispered. "Not just a bestfriend. I love you cos I love you." Nagkatitigan lang kami. "I'm jealous everytime you were courting by some other good looking guy. I interrupt them. Because I love you." Kinilabutan ang buo kong katawan na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

She's Into HerDär berättelser lever. Upptäck nu