10. I Can't Lose You

3.5K 80 1
                                    

Lady's POV

Naiinis ako! Bakit hindi nagtetext si George? Bigla na lang siyang nagalit nang hindi ko alam. Kailangan naming magbati para walang maging problema bukas. May program pa naman at maaga ang uwian.

Tinawagan ko na siya, buti naman sinagot niya.

"Hello, George. Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi siya nagsasalita. "George?!" Ayaw parin magsalita. "Bakit ba bigla bigla ka na lang nagagalit nang hindi ko alam?!" Ayaw parin magsalita. "Nakikinig ka ba?" Ano ba 'yan? "Bakit ba ang mood niyong mga babae--pabago bago?" Shocks. Ano ba 'tong nasabi ko? "Babae din ako pero bakit hindi ako ganiyan?" Haay naku! Sana makalusot. "Hey! Magsalita ka naman."

Binaba niya.

Kakainis naman. Kailangan naming mag-ayos. Ano ang gagawin ko?

Joanna: Musta kayo ng bestfriend mo? O bestfriend mo nga ba?

Me: Please Joanna. Magkaaway kami ngayon kaya wag ka sanang mang-asar.

Joanna: Hahaha! Ganun ba? Sorry!

Me: I'm sorry Joanna. Baka mawalan ako ng time sayo kaya wag na nating ituloy to.

Joanna: Dahil ba kay George?

Me: Sabihin na nating Oo. Bestfriend ko siya eh. Mas matimbang siya sakin. Ayaw niyang may kasama akong ibang babae.

Joanna: Talaga bang bestfriend lang ang pagtitinginan niyo?

Me: I think nagseselos siya sa babae dahil iniisip niya baka magbestfriend ako ng iba.

Joanna: Ikaw, besfriend ba ang tingin mo sa kaniya?

Me: Walang issue dito ang nararamdaman ko.

Joanna: Bakit hindi mo alamin kung bakit galit sayo si George.

Me: Paano mo nalaman 'yan?

Joanna: Secret!!

Me: May ginawa ka ba? Wag na wag mong sasabihin sa kaniya ang tungkol sa atin dahil hinding hindi kita mapapatawad pag iniwasan niya ako.

Joanna: Wow! Lovely Lady. Iiwasan ka ba niya pag nalaman niya na lalake ka?

Me: Please Joanna. Let's finish this off. Mahal ko si George. Malaman ko lang na ikaw ang dahilan nito. Malalagot ka sakin.

Joanna: Natakot naman ako dun. Don't worry, hindi ka iiwasan ni George. Sure ako diyan.

Me: Pano ka nakakasiguro Joanna?

Joanna: Manhid ka ba? O nagtatanga tangahan ka lang?

Walang mangyayari sa usapan naming ito. Mapipikon lang ako lalo pero hindi mawala sa isip ko 'yang sinabi niya.

"Manhid kaba? O nagtatanga tangahan ka lang?"

Ano ba ang gusto niyang palabasin?

Ewan, ang slow ko dahil magulo ang utak ko. Hindi ako makapag-isip. Malaman ko lang na si Joanna ang may dahilan nito. Malalagot talaga siya sa'kin. Mahal ko si George at ayokong mawala siya. Hindi ako manhid kaya alam kong may something talaga.

Huh?

Itetext ko si George para malaman ko kung si Joanna nga ang dahilan.

Me: Kung ano man ang sinabi sayo ni Joanna, wag mong paniniwalaan dahil sinungaling siya.

George: Pano mo nasabi na si Joanna ang dahilan nito?

Sa wakas nagreply siya.

Me: Nasesense ko lang na siya ang nagtext sayo kanina.

George: May dapat ba akong malaman tungkol sa inyong dalawa?

Naku mukhang may sinabi nga si Joanna. Kailangan kong makalusot. Ayokong mawala ka sa'kin George.

Me: May tinatago si Joanna. Tomboy siya at gusto niya ako.

Sana makalusot, naku! After 10 minutes wala siyang reply.

Me: Mag-usap tayo George please!

George: Siguradong walang namamagitan sa inyo?

Anong klaseng tanong naman 'yan? Patay!

Me: Wala! As in nothing. Naiinggit lang siya sa atin. I mean, nagseselos siya.

Wala na naman siyang reply.

Me: Pupuntahan kita diyan pag hindi ka nakipag-ayos sa'kin.

George: Don't be so guilty! Bestfriend kita di ba? Ang magbestfriend hindi ganito mag-away. Bestfriend is still bestfriend at mag away man--alam nating hanggang tampuhan lang.

Ganun? Mukhang wala pa nga siyang alam sa'kin.

Me: Tama ka nga pero iba ang sitwasyon natin ngayon. Nagalit ka sa hindi ko alam na dahilan.

George: Why did you kiss Joanna?

Huh! Si Joanna nga ang dahilan. Lagot sa'kin 'yan.

Me: Sinabi niya sayo?

George: Wag mo nang itanggi Lady. Hindi dapat ako nagagalit sayo pero bakit mo ginagawa sa iba 'yung ginagawa mo sakin? We're besfriends and the girl sometime unruly but sana naman mamili ka ng taong hahalikan.

Me: Okay! Kasalanan ko. Nakainom ako. From now on ayoko na. Oo mali ako i'm very sorry.

George: Usapan 'yan ah. Mula ngayon hindi ka na iinom.

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Joanna.

"Manhid ka ba? O nagtatanga tangahan ka lang?"

Hindi naman lahat ng hinala tumatama. Parang isang sugal na lamang ang talo.

She's Into HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon