4. I Won't Have A Boyfriend

4.4K 105 5
                                    

Dedicate ko 'to kay Nada. Isa sa kauna-unahan kong friends dito sa Wattpad.

Georgina's POV

Kung marami akong manliligaw, marami din gustongbmanliligaw kay Lady. Pero hindi naman ako inis sa mga manliligaw niya although she's against to all my suitors. Ayaw niya ba talagang mag boyfriend o napipilitan lang siyang tumanggi? Minsan naiisip ko na kausapin siya na magboyfriend na lang pero tingin ko talaga, nakakalamang ang bagay na ayaw niya talagang mag boyfriend eh. Tutal bata pa kami kaya may dahilan naman. Baka matinong anak lang talaga.

One time, niyaya kaming mag-inom ng mga kaklase namin.

"George, hindi ka pwedeng sumama. Mapapagalitan ka, ako na lang." Lady hardly said.

"Sigurado ka bang sasama ka?" Nag-aalala lang naman ako bilang kaibigan. Naglilihim ba siya sa'kin? Baka may gawin siyang kung ano. Baka may mangyari sa kaniya.

"Oo sasama ako."

"Mag-ingat ka ah." Nag-aalala talaga ako.

Pumayag akong sumama siya dahil kilala ko naman 'yung mga kasama niya. Alam ko naman na hindi siya mapapahamak. Kilala ko din siya bilang siya pero babae pa din siya kahit babae ang mga kasama niya.

"Basta text text tayo na lang."

"Okay!" Wala na akong nagawa.

Hindi naman siguro siya makakahanap ng bagong bestfriend dun. Ayoko naman kasi pigilan siya. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang mag enjoy. Suportado niya ako sa lahat, baka magalit siya sa'kin pag hindi ako pumayag na sumama siya. At isa pa, halata sa ugali niya na hindi siya basta basta kayang utuin ng mga lalake. Panatag ako kahit papaano sa kabila ng lahat.

Pag-uwi ko--gumawa ako ng assignment at nag-ayos ng gamit.

Nagcheck ako ng phone.

Lady: Andito na kami. Don't worry, sa loob lang kami ng bahay. Ano gawa mo?

Lady: Hey!

Lady: Bahala ka nga.

Ganiyan 'yan si Lady kapag hindi ako nakakareply agad.

Me: Ingat ka diyan ah. Pasensya na, may ginawa ako eh.

Lady: Lagi ka nalang busy. Siguro naman may time ka nang magtext ngayon?

Me: Sige, wala na akong gagawin.

Lady: Medyo hilo na ako.

Me: Wag kang iinom ng madami ah.

Lady: I love you George.

Me: I love you too. Wala ka na namang masabi ah.

Lady: I need you, makakapunta kaba dito?

Me: Alam mo naman na bawal diba?

-

Lady's POV

Lasing na yata ako. Kung ano ano na ang nasasabi ko kay George. Hindi na ako makatext ng ayos kaya hindi na ako nagreply. Kahit naman nakainom ako--nag-iisip parin ako.

Ayokong layuan ako ni George.

Pauwi na kami at katabi ko si Joanna na lasing na, kasama ko siya sa trycicle. Nakahiga siya sa balikat ko. Maganda si Joanna at sexy kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. Dahil sa kalasingan ko ay malakas ang loob kong gawin ang bagay na gusto ko.

Nilingon ko siya at hinawakan ko ang baba niya para ilapit sa labi ko. I gave her a smack. Pero wala parin siyang malay. Hinalikan ko uli siya at tinagalan ko ng konti. Biglang naisip ko agad si George. Feeling ko nagtataksil ako sa bestfriend ko even she treated me as only a bestfriend.

Inalis ko ang labi niya sa labi ko.

Biglang yumakap sa'kin si Joanna. Gising pala siya at naramdaman niya na hinalikan ko siya. Nilapit niya ang labi niya, buti na lang at nasa house na ako kaya bumaba na ako. May kasama pa naman kami sa likod ng driver kaya panatag ako na makakauwi ng ligtas si Joanna. Dala ng kalasingan, bago ako bumaba ay hinila pa ako ni Joanna para magbigay ng goodbye kiss. Nakaramdam ako ng kakaiba kay Joanna. Feeling ko gusto niya ako. Feeling ko in love siya sa'kin at feeling ko, isa siyang babae na okay lang kahit babae din ang karelasyon. Hindi na ako nagtext kay George dahil nawalan na ako ng gana. Kumain at natulog na lang ako.

-

George's POV

Ano kaya problema? Bakit hindi na siya nagtext? Nag-alala ako kaya tinawagan ko siya. Hindi ko talaga ugaling tawagan siya pero ginawa ko ngayon. Hindi dahil sa iniisip ko na baka may iba na siyang bestfriend. Baka napahamak na siya.

Sumagot siya. "Hmmm!"

"Nasan ka?"

"Sa house na."

"Buti naman, nag-alala ako eh."

"Talaga?"

"Oo naman no? Ayaw nga sana kitang payagan kaso ayoko naman na magalit ka sa'kin."

Ang lamya niya sumagot. Lasing siya siguro.

Nagsalita uli ako.

"Pano ka nakauwi?"

"Kasabay ko sila Joanna."

"Okay. Matulog ka na ah."

"Okay goodnight."

"I love you."

"Love you too."

First time na nangyari na ako ang unang nagsabi ng 'I love you.' Lasing lang siguro siya kaso hindi ako sanay ng walang 'I love you.' bago kami matapos mag usap. Nararamdaman ko ang saya sa pagitan namin at hindi ko na talaga kailangan pa ng boyfriend dahil may nag-aalaga na sa'kin, syempre ganun din ako sa bestfriend ko kaya din siguro hindi na rin niya kailangan ng boyfriend.

Sorry sa Mommy niya dahil may usapan kami na ihanap siya ng boyfriend. May mga magulang siguro na gustong may boyfriend ang mga anak taliwas sa iba na ayaw munang makipagrelasyon ang anak sa murang edad. Pero sorry na lang dahil ayaw ni Lady.

She's Into HerWhere stories live. Discover now