End

24.2K 719 158
                                    

AN: Sorry for the late update :( Honestly, I didn't know how'd I end this story HAHAHAHA! Kasi nga biglaan lang itong pumasok sa isip ko. Sorry sa mga grammar lapses na din. Ciao!

--------------

Many things happened within three years.

Isang taon at kalahati naming nakasama si Mama bago ito pumanaw. Her last wish was to cremate her body. That's what our dad did.

Lahat kami ay nagluksa. Ganumpaman, nagpapasalamat kami na sa mga huling panahon ni Mama ay nasa piling namin siya.

My dad softened again and I'm glad he's finally back. Ngayon ay tanggap na niya na wala na si Mama.

Nang panahong iyon, sinusubukan kong patagong sundan si Savannah. Almost everyday, I contacted her mother to ask how she's going.

Fucking hell. I miss her.

Sinubukan kong utuon sa ibang bagay ang sarili ko pero hindi siya mawala sa utak ko. Ito ang parusa ko na kailangan kong tanggapin dahil sa kapabayaan ko.

Nang matapos sa kolehiyo, sinubukan ko ulit na kausapin sila Ace, Samuel, Levi at Vida. Nagkaroon muna ng bangayan at sumbatan bago tuluyang nagkabati-bati kaming lahat at tinawanan ang nangyare.

I'm glad Samuel has already moved on. Ang gago nauna pang ikasal sa akin. Tiga-Arthean ang napangasawa niya. Kaklase daw.

Marami na talaga akong hindi alam sa kanila. Nagulat pa ako nang malamang nobya na ni Levi si Vida.

Si Ace naman ay may nililigawan. Ang sabi nito ay isang guro daw.

"Mahal mo pa din 'noh?" Pang-aasar saken ni Samuel. Sinisiko pa ako ng mokong.

"Tangina dude. Hindi ako sanay na Hopeless Romantic ka."

Nagtawanan ang mga loko. Sa huli ay natawa na din ako.

Ang huli kong kita sa kanya sa personal ay nang pumunta siya sa isang pribadong isla sa Marinduque.

God knows how much I wanted to go near her. I just had to stop myself.

Binantaan ko ang lahat ng mga lalake na lumalapit sa kanya. Maging ang mga babae na hindi naman niya kaibigan.

Umalis sila ng Pilipinas para pumuntang Italya nang pumanaw ang lolo niya kung saan ito nakatira.

He's the old man I saw at Fontana's Party.

Patago din akong nakiramay nang panahong iyon.

Nang ako na ang namahala tuluyan ng kompanya ay nawalan na ako ng oras para sundan siya. Kaya kumausap ako ng tao na magbabantay sa kanya para sakin mula sa malayo. Nang sa ganon, maibsan ko ang pangungulilang nararamdaman ko sa pag-alis niya.

"Tell your father that I'm not interested. I already have a fiancée." I told Wendy.

Anak siya ng isa sa mga stockholders ng kompanya. Madalas din siyang bumisita dito sa opisina pero hindi siya pinapasok ng sekretarya ko.

Matagal na din siyang nagpapakita ng motibo sa akin ngunit wala akong kainte-interes.

Siya pa din. Si Savannah pa din.

"Liar. I never heard you dated since noong makilala kita. Wala ding bumibisita dito bukod sa akin."

I sighed and carried on with my supposed to be meeting with the clients, leaving her behind.

"Ano bang ayaw mo diyan kay Wendy? Maganda naman at mabait pa. Matalino din." Usisa sa akin ni Mr. Montreal, isa din sa mga stockholders ng CVLI.

Ngumiti na lamang ako at hindi na nag-abala pang sagutin ang tanong niya.

My Mysterious BrideWhere stories live. Discover now