BRIDE 33

15.2K 305 15
                                    

"I can hold you like this in public na?" She innocently asked as she clung her arms on mine.

Palagi naman siyang nakaangkla sa akin kahit nasaan kami. Kahit noong hindi pa kaming dalawa. Basta natipuhan niya.

"You can also kiss me in public na din?" She excitedly asked.

I'm not used to this side of her. I've always known her for being playful, stoic and very liberated woman.

Nonetheless, she still appeals me. Her flaws are what attract me the most.

Kinuha ko ang plato niya na may lamang steak at hinati-hati iyon bago muling ibinalik sa kanya.

"We will do everything you please."I told her.

Kaming dalawa lamang ang nananghalian ngayon dahil tanghali na kami pareho nagising.

"I'm gonna meet your parents as well?"

Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil una sa lahat, nasisiguro kong nakadaupang palad na niya ang ama ko. Pangalawa, hindi niya alam ang tunay na estado ko sa buhay.

I don't want to take the risk. Uunti-untiin kong sabihin sa kanya ang lahat.

Umuwi ako sa bahay namin para kuhanin na dadalhin ko sa kompanya. Naabutan ko ang mga kasambahay namin na nagkekwentuhan sa sala.

"Iisa nga lang yung pinapasukan namin ni Miss Sera. Magkaiba lang kami ng seksyon!" Si Pamela iyon.

Nasa labas pa lang ako ng bahay ay naririnig ko na siya.

"Oo na alam na namin, Pamela. Tumahimik ka na dahil baka marinig tayo ni Nanay Sabel. Andyan lang pati ang don." Suway sa kanya ni Semi.

Saktong pagkapasok ko ng sala ay siyang pagdating din ni Nanay Sabel na mukhang galing palengke. May mga bitbit siyang pinamili kaya tinulungan ko siyang dalhin iyon sa may kusina.

"Salamat, hijo. Mabuti na lang nandito ka. Hindi ko maasahan yung si Semi at Pamela. Panay ang tsismisan ng dalawang iyon." Napapailang na saad nito.

"You're welcome po Nanay Sabel. Just let them be. You can ask for my help instead." I offered.

Muli siyang napatingin sa akin at magiliw na pinagmasdan ang mukha ko.

"Iba ang ora mo ngayon, hijo. Ngayon lang kita nakitang ganitong kasaya kahit pa nandyan lang ang ama mo sa opisina niya." Puna niya sa akin.

Ngumiti ako. Nagpatuloy na ulit si Nanay Sabel sa pag-aayos ng kanyang pinamili.

"Nga pala. Kamusta si Aimee?" Mayamaya ay tanong niya.

Muli akong tumingin sa kanya. "We already broke up. It's a long story po Nanay Sabel."

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya nang sabihin ko iyon ngunit unti-unti ding napangiti habang pinagmamasdan ako.

"Kung anumang desisyon mo sa buhay, hijo, susuportahan kita."

Batid kong nahulaan na agad niya ang nangyare kahit hindi ko pa sabihin ang buong kwento.

"Thank you."

Mahinang tumawa ito.

"May mga bagay talaga sa buhay natin na akala na natin ay makakasama ngunit may magandang maidudulot pala sa atin sa dulo."

Ngumiti ulit ako at inalala kung ano ang mga naging impresyon ko kay Savannah noong hindi pa kami nagkikitang dalawa. All I could hear about her was her heartless attitude towards other people. She's a heartbreaker.

But then, gradually, I discovered the other side of her that everyone didn't know.

"She's really nice when you get to know her, Nay."

Hinaplos niya ang mukha ko at binigyan ako ng magaang ngiti.

"Sa nakikita kong magandang pagbabago sayo, alam kong magugustuhan ko siya."

Dumiretso ako sa aking kwarto para kuhanin ang mga papeles na dadalhin ko sa kompanya. Saglit akong napatigil sa tapat ng opisina ng ama ko. Naka-lock iyon pero alam kong nasa loob lamang siya.

Umalis na din ako papuntang CVLI. Habang nasa byahe ay tinawagan ko si Savannah. I miss her.

"Hey sweetie...." She greeted after she answered the call.

My heart danced to its unnatural rhythm. It felt new and great at the same time.

"I miss you...." I replied after a long pause.

"You miss me talaga?" She innocently asked.

I imagined her face turning red.

Nagkaroon na siya ng ibang karelasyon pero napakainosente pa din niya sa ganitong bagay.

"Let's have sex later then?" She giggled.

"Or we can go on a date." I suggested.

"Hmmm.....okay......"

I arrived at the company on time. Hindi muna ako lumabas ng sasakyan.

"I love you, my Savannah."

Kinabahan ako nang hindi agad siya nakasagot. Tahimik lang ang kabilang linya.

"I love you back, my butler slash boyfriend for real!"

I couldn't help but laugh at how she addressed me.

Nang matapos ang tawag ay lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa kompanya. Naging abala ako buong araw sa opisina dahil sa kaliwa't kanang responsibilidad.

Where are you now? I texted her.

Siguro ay pang sampung beses ko na itong tanong habang nasa meeting ako.

I want her to update me where she goes from time to time. I'm too paranoid when she's not around.

Hindi naman ako ganito dati nung kami pa ni Aimee.

Ang sabi niya sa akin ay may pupuntahan lamang daw siyang kaibigan.

Nang itanong niya kung nasaan ako, ang sabi ko'y kasama ko ang mga magulang niya sa meeting. Totoo naman iyon.

Yun nga lang, bilang isang business partner at hindi bodyguard.

Maya't maya ang tingin sa akin ni Tita Marinela kaya tinatago ko ang cellphone ko sa ilalim ng lamesa.

Nang matapos ang meeting ay agad akong lumapit sa kanila.

"Can I have a word with you po?"

————

Please support me by tapping the star icon. Love you!

My Mysterious BrideWhere stories live. Discover now