Kabanata 1

126 0 0
                                    

Kabanata 1: File


Alam ko na maraming mahirap gawin sa mundo pero sa oras na ito, ang magpigil ng antok ang pinakamahirap gawin. Kaya ito ako ngayon, nakayukong hawak ang noo at hawak ang ballpen sa isang kamay. Kunwari'y binabasa ko ng maigi ang hand-outs pero matutulog na pala.

My eyes were slowly drooping until I heard a familiar clap causing me to jump on my seat and drop my pen on the floor. Siniko naman ako ng katabi ko na diretso lang ang tingin sa harap. Nagsimula akong kabahan kaya mariin akong napapikit nang makumpirmang nakatingin sa akin ang propesor.

My classmates reacted their chuckles and whistles at me. I don't know but since the class started, I am one of his favorite student to call for a recitation. That idea gave my classmates a crazy impression that he likes me so he often calls me for a recitation. Well, partly it's true but that was... before!

He eyed the class and raised a brow while stating his judgements at me.

"Okay, since Ms. Fonseca was caught sleeping, I bet she already read our topic for today..." He paused.

Alam ko na ang kasunod nito pero hindi yata nag-fu-function ang utak ko para sa susunod na gagawin.

His eyes returned at me. "...S0, kindly share us one fallacy and explain."

The first thing that came into my mind was to get my pen from the floor... slowly. A delaying tactic would really help my mind to function this time. I don't really know where will I get the answers!

Siniko ako ulit ng katabi ko at pasimple niyang tinuro ang example ng fallacy at meaning nito. I narrowed my eyes trying to read the small letters. I memorize it as fast as I could while unconsciously drumming my fingers on my table. Bahala na basta may maisagot ako!

A moment of silence passed as I continue to chant what I memorized. I straightened when I looked at the young professor infront of me. His height is not intimidating but his serious pair of chinito eyes shook me. He looks annoyed at me. Oh yeah, dahil nga natutulog ako sa klase niya.

He then cleared his throat. "Proceed."

Tumikhim din ako para itago ang kaba. "Uh, so... yes, one example is ad hominem which means against the man and it directly attacks..."

Tumango-tango ang propesor sa mga pinagsasabi ko. Ni hindi ko nga alam kung may sense dahil pinaikot-ikot ko lang. Limited lang kaya 'yung time para mabasa iyong nakasulat sa notebook ni Aiah!

"Okay, you may now sit down and listen."

"Uy, Aiah, thank you ha," bulong ko sa katabi ko nang maupo ako. Tumango naman siya bilang sagot.

Naglakad siya sa kabilang banda ng classroom at nanatili roon habang nagsasalita. "Class, if you want to sleep, just tell me. Bibigyan ko naman kayo ng permission na maglakad-lakad sa labas para magising o mas mabuti baka bigyan ko kayo ng short break."

"Woo, Sir! Naks! Yan ang gusto namin!"

Natawa si Sir. "Naiintidihan ko kayo, I was once a student like you."

"Dapat siguro Sir maaga kayong magdismiss ngayon, malapit na ang lunch!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa hirit na 'yon.

"Lunch na! Lunch na! Lunch na!" half of the class chanted.

"Okay, okay. Give me 10 minutes para maaga tayong matapos." Natuwa ang karamihan sa mga kaklase namin at nagpatuloy naman si Sir sa harap.

Nakatingin lang ako sa relo ko nang nagpaalam na si Sir. Nagsilabasan na ang ilan habang ako, hikab pa rin ng hikab. Ang ganda kasi noong movie na nakaschedule ipalabas ng dis oras ng gabi!

Too Many Reasons WhyWhere stories live. Discover now