Simula

238 1 0
                                    

Simula

My father used to say that you can get all things through hardwork but I actually don't really agree on it. I mean, almost every person are hardworking but still don't get what they want.

"Hay..." I yawned as I sat comfortably in an old swivel chair. I massaged my temples after finishing all the workloads today.

Finally! Makakapagrelax na rin ako!

I closed my eyes trying to visualize that I am the owner of this firm. Naputol lamang iyon nang may kumatok sa pintuan kahit bukas naman.

"Ma'am?" A woman in her early thirties called.

"Yes?" Inangat ko pa ang baba ko pagkasagot ko nang wala sa sarili.

Napakunot pa ang noo ng sekretarya dahil sa tono ko ngunit ngumiti rin. Napasobra na yata ako sa pag-i-imagine. Masyado akong nadala. Nakakahiya! I bit my lower lip.

"Ay sorry, bakit po?" I smiled awkwardly at her.

"Pinapatawag ka ni Atty. Alicia sa office niya."

"Ngayon na po?"

Tumango siya kaya sumunod naman ako sa kanya.

"Ako ang kakatok o ikaw na?" tanong pa ng sekretarya sa akin.

I smiled at her again. "Ako na lang po."

Kumatok ako at pumasok na sa loob ng opisina. Napatingin agad ako sa mga nakatambak na papeles sa lamesa. Dumiretso ako sa tanggapan ng kanyang opisina at umupo sa dulo ng itim na sofa na mismong nakaharap sa wooden table ni Auntie.

"Auntie?" tawag ko dahil hindi siya nag-angat ng tingin kaninang pumasok ako.

She turned her head to me. Her deep and tired set of eyes bored through me for a second. "Tapos mo na ba ang mga pinapagawa ko?"

"Ah, opo."

Deafening silence filled the room and that made me uneasy. It's been a while since I last entered this office. I always admire how spacious it is. I can't also help but stare at the blank walls that were painted with black and brown which screams boldness but old-fashioned. The large windows were accented with wooden vertical blinds. The mahogany colored wall shelves behind Auntie's table is full of law books, small frames and different collectibles.

If my father pursued law, would he have a life like them? Would he stay with us? Would we have an easy life like them? Not that I am saying that our life is hard but we do have a simple life where I have what I need and I can buy what I want.

Auntie cleared her throat snapping me out of my thoughts. Lumapit siya sa sofa na inuupuan ko kaya tumuwid ako ng upo. Pinagmasdan ko siyang umupo. Kahit nasa edad lagpas singkwenta na siya, hindi pa rin maikakaila na maganda siya noong kabataan pero maganda pa rin naman ngayon.

"Here's your sweldo," nilahad niya ang puting sobre sa akin at ngumiti ng bahagya.

Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat.

Simula nang mag-senior high school ako, tuwing summer, nagagawa ko nang magpart time dito sa firm nina Auntie bilang tiga-photocopy, nag-aasisst sa paralegal section o kaya taga-shred ng mga papel na may typo error. Paminsan-minsan rin akong sinasama ni Auntie sa bulwagan dahil gusto niyang ma-expose ako sa ganitong setting at para mas mapaghandaan ko ang pagpasok ko sa law school. Kapag naman may abogado silang magrerepresent sa korte, pinag-oobserve niya ako pero iyong mga kaso na hindi naman masyadong sensitibo.

"Dinagdagan ko na rin yan dahil malapit na ang pasukan at ibili mo ng kung anong gusto mo..."

"Thank you po ulit, Auntie."

Too Many Reasons WhyWhere stories live. Discover now