Missing 3: SEAT NUMBER

8 0 0
                                        

KIMBERLY'S POV

Kasalukuyan nang nag aattendance si Miss Aila ng umagang iyon para daw makilala niya ang bawat isa samin.

"Kate Castro?"

"Present ma'am."

"Joshua Cruz?" Tawag niya habang nakamasid sa buong klase.

Walang Joshua na nagtaas ng kamay o nagtaas ng boses para ipakita ang kabastusan sa guro na kadalasan nitong ginagawa sa kahit na sinong guro.

"Bakit wala pa si Joshua? May nakakaalam ba kung bakit liban siya ngayon?" Tanong niya ulit sa klase ngunit walang sumasagot niisa samin dahil wala naman kaming pakielam kung bakit lumiban siya, mas pabor pa nga kami roon dahil wala yung isa sa mga bully.

"Ah...Miss?"

Napatingin kami sa kaklase naming si Philip Angeles, isa sa tropa ni Joshua na bukod tanging  masipag at mabait sa kanila yun nga lang tahimik at hindi nakikisama samin.

"Ano yun Angeles?"

"Hindi daw po makakapasok si Joshua, nagtext siya sakin kani-kanina lang." sambit nito kasabay ng pagpapakita ng isang text message sa cellphone nito.

Napatango nalang si Miss Aila at tinuloy na yong pag-aatendance

Mabilis na natapos ang araw ngayon dahil uwian na naman, paalis na sana yong iba kong kaklase ng magsalita si Miss Aila mula sa kanyang lamesa habang may tinutuping maliliit na papel.

"Sandali lang Section Mortem, may ginagawa lang ako pero patapos na," nakangiting sambit nito habang nakatuon pa rin yung paningin sa ginagawa. "Ayan tapos na."

"Para saan po iyang mga papel Miss?" Tanong ni Jerome dito dahil isa rin siya sa naguguluhan kung para saan ba yung mga papel na yun sa pagkakaalam ko matagal pa yong Christmas party at maaga pa para magbunutan.

Inalog-alog muna ni Miss Aila yung garapon bago nilapag sa harapan namin. "Yung mabubunot nyong papel na may kalakip na number bale seat number nyo yan, pero hindi ko pa alam kung para saan ito, hindi ko pa kasi masyadong nakakausap yung nagpakiusap na gawin ko yan sa inyo pero gawin nyo nalang din baka importante," nakangiting saad nito.

Napatango nalang kami at nag-umpisa nang bumunot isa-isa pero hindi pa rin maiwasan na mapilitan yung iba, kaya medyo lumayo kami para di madamay kung sakaling magkaroon ng tulakan.

"Uy Kim anong nakuha mong number?" Tanong ni Chloe habang papalapit samin.

"35, ikaw ba?"

"32, sayang hindi kita katabi."

Napatango nalang ako at binaling ko na yong paningin ko sa iba pa. "Kayo anong number nakuha nyo?"

"20 yung akin," sagot ni Mitch

"pang 31 ako, naks katabi kita Chloe," nangingiting sambit ni Jerome dito.

Tinignan ko si Neil na kasalukuyang nagkakamot ng ulo. "Ikaw Neil? Anong seat number mo?"

"Ahh, malayo sa inyo pang13 ako," kamot ulong sagot nito.

"Medyo magkakalapit lang pala tayo, Pang26 ako eh, eto nalang gawin mo tol Neil makipagpalit ka nalang sa iba, dalian mo na," nangingiting sabi ni Migo habang tinutulak si Neil sa iba pa naming kaklase.

"Meron na ba lahat? Kung meron na sulatan nyo ng pangalan nyo yung likod ng papel pagkatapos Ipasok nyo ulit dito sa loob ng garapon," utos ni Miss Aila sa harapan na agad naman naming sinunod.

"Maaari nang umuwi yung mga tapos na," nakangiting sambit nito samin kumaway nalang kami sa kanya.

"Una na po kami Miss Aila," nakangiti kong saad na tinanguan naman niya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 25, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Missing: Section Mortem Donde viven las historias. Descúbrelo ahora