Tahimik, magulo at nakakatakot ang silid na iyon, rinig ko na rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba nang mga oras na iyon. Nilibot ko yong paningin ko sa loob at iisa lang ang masasabi ko, baliw ang nakatira roon.
Hindi maaaring makita niya ako dito, paniguradong malamig na bangkay akong aabutin kung sakali, dahil kilala ko na kung sino ang pumapatay sa mga kaklase ko at bukas na bukas din ilalantad ko sa unahan ng klase sa mga matitira kung sino siya, ang nagpapabagabag nalang sa aking isipan ay kung paano ako makakalabas sa silid na iyon, nang buhay.
Tok! Tok! Tok!
Agad akong napalingon sa pintuan ng makarinig ako ng mga pagkatok, kaya naman dali-dali akong nagtungo sa isang cabinet at doon nagtago.
Bakit kailangan pa nitong kumatok kung kanya naman itong bahay? Hindi kaya...
May iba pa siyang kasama sa pagpatay sa mga kaklase namin? Kung ganoon hindi pala siya nag-iisa.
"Nakakapagtaka? Kaninong pabango itong naaamoy ko? Hindi naman ganito ang amoy niya" rinig kong sambit ng isang pigura na kilalang-kilala ko na sinabayan pa ng pagsinghot nito sa ere. "Sabi na eh, may isang asong nakapasok sa loob ng tahanan ko," ngising sambit pa nito at nilapitan ang mga sira-sirang gamit at pinagsisinghot ito hanggang sa mapadako ito sa cabinet na kinaroroonan ko. "Aha!"
Agad kong tinakpan ang aking upang hindi lumabas ang pinipigilan kong mga sigaw dahil sa patuloy nitong pag-alog sa cabinet. "Kim? Kim? Ikaw yan noh? Ahahahaha sabi ko naman sayo, hindi pa ito tapos at hindi ito matatapos hangga't buhay pa kayo dahil ito'y hindi magiging makakatohanan, dahil ang nakasulat ay dapat na mangyari..," pagkatapos nitong sambitin ang mga katagang iyon ay nakarinig ako nang paghampas ng martilyo sa kinaroroonan ko.
YOU ARE READING
Missing: Section Mortem
Mystery / ThrillerMay mga pangyayaring hindi natin inaasahan kadalasa'y iniisip natin na nakasulat na iyon at wala nang makakapagbago roon dahil ang dapat na nakasulat ay kailangang mangyari. Tulad ng mga nangyayari sa Section Mortem, isang pangyayaring hindi nila i...
