⚠️ Epilogue⚠️

7.4K 103 5
                                    

Epilogue

4 years later.................

Sa apat na taong nagdaan ay hindi pa rin nagbabago ang pagsasama namin ni Magnus. Masasabi kong siya na talaga ang forever ko. Hindi man siya ang una kong minahal sigurado naman akong siya na ang huli. Mahal na mahal ko siya kahit na minsan ay may hindi kami pagkakaintindihan, agad naman naming inaayos.

Graduate na kami sa college. Nakapagtapos ako bilang isang ganap na Doctor, matagal ko na itong inasam makamit kahit hindi ito ang gusto ni mama. Si Magnus naman, pagkatapos grumaduate ay pinagtuonan na niya ng pansin ang pagiging CEO ng company ng daddy niya at ang napundar niyang sariling kompanya na pinagsikapan at pinaghirapan niya.

Ngunit di kalaunan ay ipinasa na niya sa nakababatang kapatid ang company ng kanilang ama para daw mas mapagtuonan at mabigyan niya kami ng anak namin ng sapat na oras.


Oo. May anak na kami si Zsanus na mag-tatatlong taon na sa paparating na oktubre.

Hindi namin inaasahan ang pangyayaring iyon dahil pagkatapos naming grumaduate at lumipas ang ilang linggo ng makaramdam ako ng pagsusuka at pagkahilo.

Sa condo ni Magnus ako nakatira ng mga panahon na iyon.

Nagpumilit si Magnus na pumunta raw kami sa hospital dahil baka kung ano na raw ang nangyayari sa akin, na baka daw may sakit aki.


Hindi ko mapigilang matawa dahil naaalala ko kung paano mataranta si Magnus habang naghihintay kami nang magiging resulta.


Para akong nabingi sa sinabi ng doctora, natulos ako at hindi na makagalaw pa ganon rin si Magnus sa tabi ko. Paulit ulit sa utak ko ang sinabi ng doctor.

"Congratulations. Your almost 3 months pregnant"

3 months pregnant

3 months pregnant

Pregnant...............

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!! "

Napatili pa ako ng ma-realized ko ang sinabi ni doktora.

Nahirapan pa silang pakalmahin ako pati na ni Magnus na saka lang bumalik sa realidad ng marinig ang aking sigaw.

Umuwi kaming sobrang nag-uumapaw ang saya. Si Magnus ay sobra akong iniingatan. Walang katapusan ang pagbibigay ng bilin niya bago pumasok sa trabaho. Gusto niya pa nga akong isama para daw mas mabantayan ako ng maayos pero pinilit ko siya.


Haaaaaaaay.............


Ang sarap balikan ng nakaraan.









*Time Skip*





"Baby, na-miss kita" paglalambing ni Magnus habang nakayakap sa likuran ko at hinahalik-halikan ang batok ko.



"I miss you too. Tulog na pala si Zsanus, napagod kakalaro kanina habang hinihintay ang pagdating mo. Your so tagal daw." natatawang sabi ko bago humarap sa kaniya.



"Sorry baby, I just finished all my works just to have time with you both this coming week. How was your duty this morning, lumalapit parin ba sayo yung doctor na si Hans gago? Hmmm?" hindi ko mapigilang mapangiti sa tanong niya.



Hinahalikan niya lahat ng parte ng mukha ko at daig pa ang anak namin sa pagpapalambing.



" Hans and I are just friend and co-worker, okay? You don't have to be jealous at all time kasi ikaw at ang baby boy lang natin ang lalaki sa buhay ko at sobrang mahal ko, tandaan mo yan." sabi ko at sinisigurong hindi na siya dapat maging jealous.



Fell With A Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon