LAM (11)

7 1 0
                                    

***

3 hours. 3 hours na akong nakatunganga. Nakakaaasar kasi si Xiumin Oppa. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun. Pero tama nga kaya ang iniisip ko na meaning ng lahat ng sinabi niya? Sana lang ay oo dahil ayokong umasa pero the heck naman oh...anong oras na?! Ayaw pa rin akong patulugin ng mga sinabi niya. Asar.

Out of nowhere bigla akong nakarinig ng pagkatok which is new dahil madaling araw na ngayon. Bumangon ako at hinintay na pumasok ang kung sino mang hindi rin makatulog kagaya ko.

"Ericka? Are you still up?" Ow...sino etetch? "May I come in?"

"Yes Oppa. Come in." Umayos ako ng pagkakaupo at sinuklay-suklay ang napakagulo kong buhok. Ikaw ba naman ang kanina pang magpagulong-gulong sa kama tingnan natin kung hindi magiging sabukot kagaya ko.

"Hey." Umaygulay. "Are you okay?"

"Y-Yes Oppa. Why?" Shems. Bigla akong kinabahan. Bakit gising pa siya? Argh.

"Minseok Hyung told us not to disturb you. Are you tired?" Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko habang may pag-aalala na mababakas sa mukha niya. Ericka, kumalma ka ha. Shems talaga. Kinakabahan ako. Wooo.

"A little Oppa. Maybe because I've used a lot of energy enjoying your show earlier."
"It was your first time, right?"

"Yes, Oppa and I will treasure that moment."

"Don't worry. You will be seeing us in our concert before you go back to the Philippines."

"Really Oppa?" Sana totoo. Sana totoo. Cross fingers.

"Yes. Trust me. I promise." Makikita mo yung pagiging sincere sa mga mata niya. So totoo nga. Waaaa. Oh ayan. Nangako siya. Ngayon, kalma na Ericka. Please lang.

"Wow. Great. Thank you Oppa." Ang saya nama. Makakapunta na rin ako sa wakas sa concert nila. Ilang taon ko ring pinangarap yun. Sa wakas talaga. Sana lang ay free dahil wala akong pambayad sa ticket nila. Ginto ee.

After ng magandang balitang yun...natahimik kaming bigla. Medyo awkward lang. Ang seryoso niya kasi masyado habang ako, heto bumalik yung kaba. Minsan talaga ang hirap kapain ng isang ito. Seryoso na misteryoso. Though, may pagkamakulit at maingay din naman minsan. Pero alam mo yun...silang dalawa ni Xiumin Oppa yung may pagka-snob type sa kanila. Si Sehun Oppa kasi kahit pa-serious effect siya in front of cameras, in reality makulit at napaka ingay niya. Pero etong si D.O Oppa...ganun siya on and off ca-...

"Ericka." Pffft. Kamuntik na akong atakahin dun aa. Wala man lang pasintabi. Kung ano ano pa man ding iniisip ko.

"Y-Yes?"

"Sorry." Ha?

"For what Oppa?"

"For trying to kiss you." Boom. Eto na nga ba ang sinasabi ko! Akala ko matatakasan ko itong topic na ito pero mukhang naba-bother siya.
"Ahhh. I-It's okay Oppa."
"You're not mad?"
"No Oppa. Why would I?"
"Because I tried to kiss you. It's a real big thing."
"You're right. It's a big thing but I will not be mad at you."
Totoo...sa katunayan, feeling ko nga siya dapat yung magalit sa akin dahil sa ginawa ko.

Dala na rin ng sobrang intense ng sitwasyon, nakaramdam ako na kailangan ko munang umexit at magbanyo. Ayan, pati pantog ko apektado. Aist.

"Ahm Oppa. I'll just go to the restroom. I'll be back." Agad akong tumayo at mabilis na naglakad palabas dahil feeling ko, anytime soon, magkaka-water falls ditto. Ewwww. Nung akma ko ng bubuksan ang pinto bigla na lang...

Life After MagicWhere stories live. Discover now