LAM (09)

19 1 0
                                    

***

2 day na ang lumipas at ngayon ko lang magagawa ang balak ko nung isang araw pa. At yun ay ang ipaggrocery ang EXO at ang ipagluto sila ng secret dish ko. Yiieeee. Sana kahit bago sa panlasa nila.. magustuhan nila yun. Naeexcite tuloy ako.

"Ericka are you sure you can?" Nako itong si Suho Oppa. Kanina ko pa sinabi na okay lang. Kaya ko. Keribels ko naman kahit ano ee. Ako pa ba?! Haha
"Yes Oppa. Don't worry about me."
"Fine. But please.. be safe, okay?"- Suho Oppa
"Yes Oppa."
"Ericka.. just a reminder.. if you're not here after 2 hours.. we'll follow you, Okay?"- Chen Oppa
"Yes Oppa. Noted. So.. gotta go. Bye Oppa. Bye EXO." Nagwave muna ako sa kanila bago ako lumabas ng unit at dumiretso sa ground floor para puntahan yung driver nila na kanina pang naghihintay sa akin.

Sa totoo lang.. kaya lang naman ako natagalan ay dahil nagpupumilit ang EXO na sumama sa akin sa paggogrocery. Kung pwede lang sana, hindi naman ako tatanggi kaya lang.. baka may makakilala sa kanila at makakita na kasama nila ako. Pagnagkataon.. baka magkameron pa sila ng eskandalo dahil lang dun. Naku.. hindi yun pwe-pwede. Lagot talaga ako kay Madam Manager.

Pagkadating ko sa Super Market.. agad akong pumunta sa Vegetable & Fruit Station. Kinuwa ko na yung mga kailangan ko na gulay. Mabuti na lang talaga at meron silang ibinebenta na ganun kundi.. ewan ko na lang sa lasa na kalalabasan ng lulutuin ko mamaya. Kumuwa na rin ako ng mga prutas na pwedeng ii-stock sa REF nila para hindi puro can goods ang nakikita ko dun. Nagpakilo na rin ako ng baboy na higit sa tatlong kilo since madami rin naman kami na kakain mamaya.

Pagkatapos ko sa V & F Station.. hinanap at kinuwa ko na rin yung iba pang kailangan ko like seasonings at kung ano-ano pa. Kumuwa na rin ako ng konting can goods na kailangan nila. At yung mga pinabili nila.. hinanap at kinuwa ko na rin.

After kong makompleto lahat ng kailangan ko at pinabibili nila.. pumila na ako agad sa cashier para magbayad. Inabot na rin kasi ako ng lampas isang oras sa pamimili. Sabi ko pa naman sa kanila.. mabilis lang ako.

---

Nung nasa may labas ako ng unit ng EXO.. nakailang doorbell muna ako bago ako pinagbuksan ni Baekyun Oppa. Nakalimutan kasi nilang ibigay sa akin yung passcode. Nakalimutan ko rin kasing hingin haha

Kinuwa ni Baekyun Oppa yung ilan sa mga dala ko at nung makita naman kami ni D.O Oppa.. agad siyang lumapit para tulungan din ako na bitbitin yung mga dala ko. Medyo madami rin kasi ito at mabigat. Mabuti na nga lang.. nakaya ko itong dalhin hanggang dito. Akala ko nga mangangalas ako habang nasa daan xD

Nagpaalam muna ako na magpapalit lang ng damit at ng magawa ko naman.. pumunta na rin agad ako sa kusina para umpisahan ang pagluluto. Inayos ko muna yung mga pinamili ko at inilagay ko na sa REF yung can goods kasama nung mga prutas. After nun.. hinugasan ko na ang mga gulay na kailangan ko at nagsimula na sa paggagayat.

Akala ko nung una.. walang pakelam ang EXO sa ginagawa ko pero isa-isa silang lumapit sa may kitchen at pinanuod ako.

"What will you cook Ericka?" Curious na tanong ni Chen Oppa.
"Another Filipino dish."
"Really?" Tuwang-tuwang tanong naman ni Lay Oppa sa akin.
"Yes Oppa."
"Great. I'm excited Ericka. I really want to eat another filipino food." Pumapalakpak na sabi ni Baekyun Oppa.

Bukod kay Xiumin Oppa na may sariling mundo.. lahat sila pinapanuod ako na maghiwa ng mga gulay na isasahog ko. Sa totoo lang.. nakakatuwa silang tingnan. Makikita mo kasi sa kanila yung amusement habang pinapanuod ako.

Nung matapos na ako sa paghihiwa.. sinimulan ko na ang pagluluto. Madali lang namang lutuin itong filipino dish na ito ee. Ang kailangan mo lang talaga ee patience kasi hihintayin mo pa na lumambot yung baboy at syempre.. yung paglalagay ng pinaka importanteng seasoning.

Life After MagicWhere stories live. Discover now