CHAPTER 6

456 13 6
                                    

KANINA pa ako paikot-ikot sa sala. Nandito ako ngayon sa bahay at hinihintay na lang namin ang pagdating ng kumare ni Mommy.

It’s been almost six years since pumuntang abroad ang kumare ni Mommy kasama ang anak nitong si Alex.

Malamang, dahil siguro sa lait na nakukuha nito sa amin lalo na sa akin ay nagpursige itong magpapapayat which is nakuha naman nito ang gusto.

Ngayon ko lang narealize na masyadong napakarami ng mga nakakahiyang ginawa ko sa kanya noon. Nakakahiya. At ngayon siya pa ang napili ni Mommy na maging asawa ko.

Lintik.

Hindi ko alam kung matatawag ko ba ‘tong swerte o ano.

Ang masasabi ko lang ay sobrang kinakabahan ako. Nakakakaba ang ganda ng lintik ng balyenang iyon!

Si Alex lang ‘yon! C’mon dude, ‘wag kang ganyan! Mapapahiya tayo niyan.

“Ano ba anak? Nahihilo na ako sa’yo, umupo ka nga ng maayos. Siya nga pala, I heard, nagkita na daw kayo ni Alex.” Ngumiti si Mommy ng nakakaasar. Kulang na lang isampal sa pagmumukha ko ang katotohanang dehadong-dehado ako dahil ang ganda na ng babae’ng pinipintasan ko noon.

DINGDONG

“Oh my, they’re here!” Aligagang sinalubong ni Mommy ang bagong dating na bisita.

At lintik nga naman sa kaba ‘tong dibdib ko. Sarap dukutin at itapon sa Bermuda triangle! Pinagpapawisan ako at nawawala ang angas ng porma ko leche!

“Hi tita, how are you?” Bati ng mabining boses.

Shit. Pati boses, nagbago na din. Ang hinhin at ang sarap pakinggan.

Ano ‘tong naiisip ko? Depungal!

“You’re so lovely hija, c’mon. Nandito pala ang anak ko.” Napataas ang kilay ko sa obvious na style ni Mommy.

“Oh my God, ang gwapo mo lalo Thrence hijo. Gosh.” Yumakap sa akin ang Mommy nito at bumeso.

Pinilit kong umasta ng normal alang-alang sa kahihiyan ko. “Hi tita, hi Alex.” Pakiramdam ko,nanginig bigla ang baba ko nang sambitin ko ang pangalan ng kaharap. Wala akong paki sa pangalan nito dati pero ngayon, pakiramdam ko, ewan.

“Hi Thrence, you look good.” Ngumiti ito na lalong ikinapanglambot ng tuhod ko. Pasimpleng akong humawak sa sandalan ng sofa.

Damn it dude!

This is torture, kelan pa ako naging gan’to sa baba’eng ‘to? Kelan pa?

‘Ngayon lang. Malamang,’ anang isip ko. Oo nga naman, tanga din.

Ngumiti na lang ako, tinapatan ko ng ngiti na kasingganda din ng pagkakangiti ng babae’ng ‘to.

“Ayos ka lang ba anak? Pinagpapawisan ka ah. Ang lamig na nga ng aircon.”

Aligaga akong napalingon sa gawi ni Mommy.“Ha? I’m fine Mom. Magbibihis lang ako.“  Nataranta ako, at gusto kong makalayo muna. Pakiramdam ko, salat sa oxygen ang katawan ko na ngayon ay kaharap ko si Alex.

Palagpas na ako sa gawi nila Alex nang mahagip ng kamay ko ang florera. Mabilis ang reflex ko pero nabunggo ko naman si Alex!

'Para-paraan dude.'

At sa hindi inaasahan posisyon at pagkakataon ay napayakap si Alex sa’kin.

Ang kamay ko ay nasa florera at ang isa ay nasa bewang ni Alex, pero matutumba kami pareho kung wala akong bibitawan sa dalawa.

Kaya naman, minabuti kong bitawan ang mamahaling florera ni Mommy kesa sa babae’ng nakayakap sa akin ngayon.

'Gago lang kung pipiliin ko ang lintik na florerang ito.'

Shit. Heaven.

Napapikit pa ako sa lambot ng katawan nito. Wala na ang mga fats.

“Oh my gosh son, hija. Ayos lang ba kayo?”

“Ah opo.”

Ayos na ayos nga eh.


MONYEN story

My Sexy Girl (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora