CHAPTER 4

493 18 2
                                    

“Thrence, that was years ago, malay natin, sumexy na pala si Alex? At kung ayaw mo talaga, siguraduhin mo lang na may ihaharap kang matinong babae sa’kin. Sinasabi ko sa’yo.” Pagbabanta ng ina.

“Pa’no kung ayaw ko nga ‘My?”

“Edi, wala kang mamanahin.” Ngumiti ang ina, alam nitong wala siyang kawala.

I hate to say this pero parang kontrabida ngayon si Mommy.
“ ‘My naman.”  Nanghihinang saad niya.

SHIT.

Sa dinami-dami ng babae, talagang si Alex pa ang naisip ni Mommy? Is my Mom for real? Eh alam ni Mommy kung ga’no ko inaayawan ang babae’ng ‘yon noon pa man.

Para naman siyang nag-alaga ng balyena sa bahay nila kung ganoon. Pero hindi siya papatalo sa Mommy niya. Makakahanap din ako.

At hinding-hindi ako babagsak sa Alex na ‘yon.

Dahil sa pagiging hibang nito sa kanya, lahat ng mga karelasyon niya noong college, puro disaster ang kinalabasan ng dahil sa balyenang ‘yon!

Hindi niya maiwasang alalahanin ang  mga sumbong ng mga past girlfriends niya tungkol sa mga kabulastugang ginawa ni Alex sa kanila.

FLASHBACK

“Audrey.” Pagtawag ni Alex dito.

“Yes Alex? Oh my! Look at your fats, so gross.” Maarteng ani nito, sabay OA na napatakip sa bibig.

“Mas gross ang mukha mong hitad ka. Oh.” Sabay abot ng flowers.

“What is this?”

“Pagkain ‘yan, tanga. Lechugas ka, kita mo ng bulaklak nagtatanong pa.”

“Your so! Ugh! Kanino galing? Sa’yo ba? Are you lesbian?”

“Kapiling mo, kung maging lesbian man ako, pipiliin ko ang mga hindi hitad na katulad mo. Sige na, tanggapin mo na, galing ‘to sa boylet mo. Nautusan lang ako.”

Sa sinabing boylet, aligagang tinanggap agad ang bigay na bulaklak.

Girlfriend ito ni Thrence.

Bago pa man makalayo si Alex, narinig niya na ang pagtitili at pagmumura ng babae.

Aba’y sino ang hindi? Nilagyan lang naman niya ng maraming langgam iyon at hindi niya tinanggalan ng tinik ang rose na binili.

Nalaman na lang ni Alex na hiwalay na ang dalawa nang sugudin siya ni Thrence sa madalas nilang tambayan.

“You! You taba! Bakit mo ginawa ‘yon kay Audrey?! Ha?!” Gigil na gigil si Thrence kay Alex, kulang na lang ay ibato niya ‘to pero aminado naman siyang hindi niya ito kakayanin.

'Anong tingin niya sa timbang ni Alex? Treinta?'

Hindi man lang nagulat si Alex sa akusasyong iyon ni Thrence. “Ah, ‘yong hitad ang pagmumukha? Bakit, break na  ba kayo babe?”

“ Hoy hoy! Mangilabot ka nga balyena! Hindi kita gusto kaya wag mo akong matawag-tawag na babe! Sa gwapo kong ‘to?” Turo nito sarili, “tapos ikaw? Mahiya ka naman sa balat mo.” Gan’to palagi ang eksena nila tuwing may gagawing kabulastugan si Alex kay Thrence.

“Don’t worry babe, sooner or late, magiging akin ka din. Don’t worry magpapayat ako for you.” Kinindatan niya pa ito na siyang ikinatayo ng mga balahibo ni Thrence.

“Fuck this! Can you please? Just..” Hirap na hirap na si Thrence sa sobrang pagtitimpi sa babae. Sa takot niyang makapanakit, ay umalis na lang siya.

My Sexy Girl (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora