CHAPTER 3

522 17 6
                                    

“IS SHE your girl Thrence? Who is she?” ‘Yan ang unang tanong ang bumungad sa kanya pagpasok pa lang niya.

“No Mom.” Totoo, she’s just a random chic na dindala niya sa condo.

“Eh anong ginagawa no’n sa dito sa condo mo?”

“Masyado nang obvious ang tanong mo Mom.”

“Are you going to marry her?”Dagdag pa.

“Heck no!” Halos lumuwa ang mata niya sa sinabi ng ina.

Siya magpapasakal? Este magpapakasal dahil lang nakipag-anuhan siya? No way!

Napatayo ang mama niya sa kinauupuan at nagparoo’t-parito ng lakad.

Nagsalita ito na siyang ikinatawa niya. “Bakla ka ba anak?”

“What? No! ‘My naman. It’s just, I didn’t found her yet.” Ang walang kamatayang linya niya, pero kailan niya nga ba ito makikita? Baka nga hindi na.

“Kelan ka ba magpapakasal anak? Kahit apo na lang. Nahuhuli ka na sa karera. Gusto ko nang magpahinga sa bahay at mag-alaga na lang ng mga apo ko.” Naupo ito sa tabi ko, nalulungkot.

Siya rin naman, pero sino naman? Totoo nga ang kasabihan na kapag hinahanap mo ay mas lalong hindi magpapakita.

Para lang akong naghahanap sa wala.

Kahit hindi na ang babae’ng ‘yon, ang importante ay mahal ko.

“Paano ako magpapakasal ‘my kung wala naman akong girlfriend?” Nahihilo na ako sa gan’tong usapan, ulit-ulit na lang eh.

“ ‘Yon na nga anak, bakit wala pa? Bakit hindi ka maghanap? Ayokong tumandang binata ka, sayang ang lahi natin. Nag-iisang anak pa naman kita. It’s about time para isipin mo ang future mo, hindi pwedeng lagi na lang gan’to."

“Anong gagawin ko ‘my? Eh sa wala nga.” Naglakad siya papuntang kusina. Nagugutom siya sa usapan nila ng ina. Ramdam niyang sinundan siya nito.

“Okay, let’s have a deal. I’ll give you a month at kapag hindi ka pa din nakahanap ng matinong babae, ipapakasal kita sa anak ng kumare ko.” Sabi ng ina na halos mailuwa niya ang kinain sa sinabi ng ina.

Putsa, arrange marriage? Uso pa ba ang ganyan?

“At sino naman ang babae’ng ‘yun ‘My? Kung maganda at sexy, pwede na din.” Alam kong alam ni Mommy ang tipo kaya dapat lang hindi ako lugi diyan sa binabalak niya.

At talaga namang kurot sa singit ang nakuha ko. “Ang sakit ah.” Daing ko. Daig ko pa ang grade one sa ginagawa ni Mommy eh!

“Si Alexandra  Del Valle.” Aniya maya-maya.

Tuluyan na nga niyang nailuwa ang kinain.

Si Alex na balyena at maraming pimples na kaklasi niya no’ng college??

Ang stalker niya at ang kinaiinisan niyang babae??!!

Mamatay na ako, huwag lang ‘yon!!

Gustong magtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan niya kapag naalala niya ang mukha ng babae.

Para itong drum na dinamitan, dagdagan pa sa braces at kulot nitong buhok saka mapipintog na pimples.

Dear Lord, ikamamatay ko yata ang masakal-este makasal kay Alexandra!!
“Gusto mo bang honeymoon pa lang namin, eh, mamatay na ako?? My naman, sa gwapo kong ‘to?” Para siyang panawan ng ulirat sa ideyang iyon ng ina.


MONYEN story

My Sexy Girl (Completed)Where stories live. Discover now