[ S Y N O P S I S ! ]

9.8K 185 8
                                    

S Y N O P S I S !

I was five-years-old when I meet Drake. My one and only cousin na lalaki sa side ni Mommy, he also has the most annoying face na palagi ko talagang ikinaiinis kapag ito'y aking nakikita, palagi kaseng naka busangot ang mukha nito at masamang kung makatingin kapag tinititigan ko sya. At dahil pinanganak akong mataray at maarte. Naging mag kasundo kami... sa pag bunoan at pag papalitan ng masasakit na salita.

Palagi rin kaming pinag kakasundo ni Tita na Mommy ni Drake at ng Mommy ko. Pero hindi sila nag wawage hanggang sa na pagod na sila at pinag lalayo na lang kami sa isat-isa. May minsan pa nga ay kapag bored ako, ako pa mismo ang pumupunta sa kwarto nya para tarayan at inisin sya at kapag nakita ko na nga syang mainis ay mas lalo ko pang iniinis hanggang sa habulin nya ako at tanging pagtakbo lang at mag tatago sa likod ni Tita ang aking nagagawa at sa huli sya rin ang napapagalitan dahil sa mala artistahin kong pag aarte. Kumbaga asar'talo lang sya na ikinangisi ko nalamang. Palaging ganon ang nangyayari, every time na pupunta ako upang bumwesita sa kaniya. Palagi pa syang hinahanap ng mga mata ko kapag kami ang pumupunta sa kanilang bahay para nga agad ko na itong masimulang asarin. Minsan pa nga ay naiiyak na sya at sinusumbong na ako kay Tita, napapagalitan, syempre pero parang baliwala lang iyon sa'kin. Kapag ginagamitan ko naman ng pag-arte sila Mommy at Tita syempre ako palagi ang nananalo at dahil nga marami akong napapanood na mga palabas sa TV na ang mga eksina na paborito ko ay iyong mga pagtataray nila sa bida, ang mga 'mean girls' pa nga ang palagi kong kinakampihan naiinis pa nga ako kase palagi lang silang talo sa mga bida. Kaya marami akong natutunan sa mga palabas na iyon na parang na aaddapt ko na nga at na-aapply sa mga pili kong tatarayan at isa na doon ang kukupad-kupad kong pinsan.

I was so shock nung makabalik na si Tito na galing sa US ang saya-saya naman ng mukong, pero hindi ko sya masisi kase kitang-kita sa mukha niya ang labis na kasiyahan, miss na miss na nya talaga ito. Pinag bigyan ko sya na hindi tarayan kase andon yung Daddy nya. Pero alam nyo ba kung ano ang sinabi nya pag ka-karga-karga sa kanya ng kanyang ama? "Daddy, Rue bullies me everytime he's here!" Dinuro pako ng pandak! Pandak kase ang liit-liit nya, kaya hindi nya ako matalo-talo sa bunoan. Pero ito ang unang beses na sinuplong nya ako sa ama nyang malaki pa sa mga basketbolista na napapanood ko sa TV. Kaya nakaramdam ako ng takot non ng tanongin na ako ni Tito ng "Is that true Rue?" Pero bago pako maka sagot nagawa ko muna itong tarayan at pina ikotan ng mata. Sinagot ko naman agad si Tito Drako ng. "Tito that's not true!" bakas ang takot at pagiging mataray sa boses ko. Pero tinignan lang ako nina Tita at Mommy na parang sinasabing aminin ko na raw kaya nag dahilan ako. "Kase ang annoying ng face nya!" inis ko pang sabi na pinamulahan.

Natawa naman sila and guest what pati si Drake napa bungis-ngis 'din ng mahina. Mas lalo pakong pinamulahan ng mag salita si Drake. "That's cute!" na i-usal na lamang nito. Nag katitigan pa kami ng  masiguro kong sinsero sya sa sinabi nyang iyon tumayo na ako at sininghalan sila na ikinatawa lang naman nila. Kaya padabog kong linayasan sila at pumunta na sa likod ng kanilang bahay kong saan matatagpuan ko doon ang kanilang pool.

Nakabusangot ang mukha ko ng mga oras na iyon. Nag nakaloblob ang paa ko non sa swimming pool ng maramdaman kong umupo si Drake sa tabi ko. Sininghalan ko lang ito at kasunod niyon ang nakaka bingeng katahimikan. Pero agad 'din nya itong binasag nang mag simula na syang mag salita. "Hey, Rue..." panimula nya pero inirapan ko na lamang sya. Tinawanan lang naman ako. Ulit ay tinawag nya ang pangalan ko.

Hindi ko sya pinansin. Naka nguso parin akong nakatingin sa paa kong nasa tubig. Iginiling-giling ko pa ito ng marahan at ilang sandali pa ay naramdaman kong ginaya ako nito. Kaya pinaikot-ikot ko nalang ito pero ganon rin ang ginawa ng pandak. Kaya tinignan ko sya ng masama.

"Are copying me!?" inis ko nang turan dito.

Nginisihan lang ako nito at tinitigan sa mga mata. "What! I think it's just a coincidence, I guess?" maang pa nyang sagot nang nakangisi. Kaya mas lalo pakong na inis.

Cousin's with Benefits [BXB] [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon