Nagulat ako sa sinabi nya.

"W-What do you mean?"

"Hindi mo alam? May cancer stage 4 ang Mama nya, napilitan syang mag-stop sa pag-aaral para lang mabantayan ang Mama nya ngayon sa hospital."

Hindi ako makapag-salita. Walang sinabing ganyan si George sa akin. Tsk.

________________________________

Pagkatapos ng trabaho napaunat-unat ako ng katawan, whoaaa. After that nagpalit narin ako ng damit. Napaisip naman ako, mabuti naman hindi pumunta dito si Raven? Tsh.

Bago ako lumabas mag-paalam muna ako kay Sir. Ravil na kanina pa busy sa mga ginagawa nya.

"Ahm Sir Ravil .."

"Oh Garnett?"- he smiled

"Mag-papaalam lang po sana ako Sir, uuwi na po ako."

"Sure Garnett, ingat ka."- he smiled, yieee gwapo talaga ni Sir tapos ang bait pa

"Sige po."- tumango nalang ako at ngumiti tapos lumabas na ako ng restaurant.

Pero napahinto ako bigla.

Nakatayo siya sa harap ko habang nakatingin lang sa akin ng seryoso. Umiwas ako ng tingin at huminga nalang ng malalim, agad akong naglakad palayo para makaiwas na.

Nung nalagpasan ko na siya, napapatiklop ako ng mga kamay sa sobrang galit. Hindi ko maiwasan maluha nang dahil sa mga kagaguhan na ginagawa nya, sobrang galit ako sa kanya. I hate him!


KINABUKASAN

"Garnett heto sa accounting subject natin, i-review mo na para yung iba konti nalang."- Hazel said

"Here naman sa Math."- Ami said

"History and Biology."- Elisha said

Napangiti naman ako.

"Thanks guys, oh sige na baka ma-late pa kayo nyan."- i said

Maya-maya umalis na sila, ako naman nag-ayos narin at hindi nag-tagal umalis na para pumunta sa restaurant.

Habang nasa jeep ako nirereview ko yung mga notes na binigay sa akin nung tatlo hanggang sa nag-tagal napansin ko na trapik, chineck ko yung time late na ako. Hays!

Tumingin ako sa labas ng bintana, tsk bakit na naman ba trapik? Kainis!

Napatigil naman ako bigla ..

Wait???

S-Si ... George???

Nakikita ko siya ngayon dito sa tapat, sa may groceries store. Nagbubuhat sya ng mga sako-sakong bigas habang pawis na pawis na.

Ewan ko pero bigla akong nalungkot ..

"M-Manong para po."- pagkasabi ko nun agad akong bumaba at tumingin sa kanya, nakakainis sya! Bakit hindi nya sinabi sa akin ang totoong dahilan kung bakit sya umalis sa school at umalis sa restaurant?!

Marahan akong nag-lakad palapit sa kanya, nung malapit na ako sa kanya huminto ako. Napatigil sya sa pagbuhat ng isang sakong bigas. Alam kong kahit hindi sya nakatingin sa akin, napapansin nya na ako.

"Ang daya mo, bakit nag-sinungaling ka sa akin?!"- i said .. naiiyak ako, syempre kahit papaano naging malapit sya sa akin. Naging magkaibigan kaming dalawa, nararamdam ko yung mga sakit na pinag-dadaanan nya ngayon sa mga nalalaman ko.

Marahan syang lumingon sa akin.

"G-Garnett?"

Tinanggal ko yung eye glasses ko at pinunasan ang mata ko, then tumingin ako sa kanya at ngumiti ng slight.

Love GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon