"Pampatanggal stress ba? Linisin mo kalat niyo!" Narinig ko ang tawa niya. Nilapitan ko ang ref at kinuha doon ang tirang pagkain bago ininit. Nakaupo na ako at nagsisimulang kumain nang lumabas si Rage sa kwarto habang pambaba lang ang suot.

"Magdamit ka nga." Inirapan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Pabagsak niyang hiniga ang katawan sa katapat na sofa ni Magnus at pumikit. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

Kinabukasan ay pumunta kami sa Dasmarinas Village sa Makati dahil private property iyon na pag-aari ng pamilya ni Rhett Hudson, boyfriend ni Silas. Napagdesisyunan namin na kausapin ang buong klase dahil wala kaming maaasahang tutulong sa amin kun'di kami kami lang.

"What do you mean?" Lakas loob na tanong ni Samson matapos naming ipaliwanag ang nangyayari. Maging ang iba ay naguguluhan at nagdadalawang-isip kung maniniwala ba sila sa sinasabi namin.

"There's no space of doubting, guys. We are all in danger after the death of our three classmates," singit ni Silas kaya ang iba ay napatingin sa kaniya. Tumayo si Clarence at masama kaming tiningnan.

"You know what? Real talk lang, ha? I don't believe nor trust the four of you. Marami ang nagsasabi na kayo ang pumatay sa tatlo kaya 'wag na kayong magmalinis." Tumayo ang isang babae na sa pagkakaalam ko ay Miles ang pangalan, his girlfriend.

"Come on, babe. We need to listen, kahit ako ay nagtataka na rin sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga kaklase natin."

"What if nagkataon lang ang pagkamatay nila?" Pinaningkitan ko ng mata si Blanche.

"Kapag ba ikaw na ang sumunod na namatay gusto mo ring sabihin namin na nagkataon lang ang pagkamatay mo?" Nawala ang angas nito sa katawan at dahan-dahang umupo sa pwesto niya.

"Kung totoo nga ang sinasabi niyo na iisa-isahin tayo ng killer, why don't we find the killer? We are still thirty eight here, oh."

"Nakinig ka ba kanina? Hindi nga namin ma-trace ang number na ginagamit niya, hanapin pa kaya siya?" Pananaray ni Maisie dito kaya inikutan siya nito ng mata.

"Aba't-"

"Calm, we are planning to save our lives," pigil sa kaniya ni Rage kaya wala siyang nagawa kun'di ang humalukipkip na lang habang masama ang loob.

"Sa dami natin paano natin mababantayan ang isa't isa?" Napatango ako sa tanong na iyon ni Calvin kaya tiningnan ko si Magnus na hinihila ang itim na bag saka inilabas ang binili nila ni Rage. Ang mahal nga eh pero dahil nagpumilit si Rage at Magnus ay wala na akong nagawa kun'di ang hayaan sila. Isa-isa nilang binigyan ang mga nandito sa tulong ni Silas at Rhett.

"Paano kung nasa ibang bansa ako? Paano ko magagamit 'to?" Tanong ng isang kaklase namin habang inaanalisa ang hawak na walkie talkie. Nakarinig naman ako ng singhal mula sa mga kasama ko.

"Obviously, you will use your mind to contact us using your phone." Pinagdiinan pa ni Maisie ang salitang 'phone' kaya napakamot ito matapos marinig ang kantyaw ng mga barkada niya.

"Don't forget to bring that everytime. This is the only way we planned para ma-catch up natin ang isa't isa since ang iba diyan ay hindi marunong magreply," pagpaparinig ni Magnus.

"But seriously, what's the reason ba ng killer para patayin niya tayo? I mean, we didn't do anything wrong kaya." Napahinga ako ng malalim dahil sa tanong na 'yon ni Cherry.

"Seriously girl, we didn't know din eh. But you can't expect a killer to kill you just because you did wrong kasi. Sometimes kasi, a killer is killing because they only want lang eh," sarcastic na sagot ni Maisie habang ginagaya ang pagka conyo nito. Nakatanggap na naman siya ng irap dito kaya mabigat sa loob niyang tinanggap na may nagagawang tarayan siya.

The Unseen (School Trilogy #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें