"I'm tired Jungkook...napapagod na ako..."

Bumukal na naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Rain, ano bang nangyayari sayo?"

"Kapag gumaling ka na, aalis na ako. Babalik na ako sa Pilipinas. And J-jc...let him choose between the two of us, kung kanino niya gustong sumama..."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa sinabi ko. Siguro hindi niya in-expect na ganun-ganun ko nalang isusuko ang anak ko. Pero kasi pagod na pagod na kasi ako. Alam kong pagsisisihan ko ang desisyon kong ito kapag okay na ako. Kaso sobrang blangko ng utak ko ngayon at hindi ako makapag-isip ng maayos.

"W-what are you talking about?" He stammered.

Pilit akong ngumiti sa kanya, "Pagod na akong lumaban e. Saka alam kong hanggang ngayon ay galit ka pa din sa akin dahil sa paglayo ko kay JC. At kasalanan ko naman talaga yun. Pag ikaw ang pinili ni JC; please alagaan mo ang anak ko... He is my everything..." I inhaled sharply.

"Sorry din sa lahat. At sorry din kasi hanggang ngayon may tinatago pa din ako sayo. Pero wala na namang kaso yun kasi aalis na din naman ako. Siguro pag dumating ang araw na malaman mo yun, alam kong magagalit ka na naman sa akin. Gusto kong magpaka-selfish na naman at ilayo ang anak ko pero masyado na kitang nasaktan. Siguro naman oras na para ako naman yung gumawa ng paraan para sumaya ka..."

"Sige na Jungkook, lumabas ka na muna. Magpapahinga na muna ako--"

Buong ko siyang itinulak palayo sa akin at palabas na din ng kwarto ko. Hinawakan ko na ang pinto at akmang isasara ito ng pinigil ito ng braso ni Jungkook.

"How dare you..."

"Ha?..."

"How dare you to think of leaving me again..."

"Jungkook--"

Bago pa ako makapagsalita ay isang malambot at mainit na bagay ang dumampi sa mga labi ko na nagpatigil sa akin. Buong higpit niya ding ipinalibot ang mga braso niya sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung anong nangyayari. Jungkook is kissing me. Buong lakas ko siyang itinutulak palayo pero habang ginagawa ko yun ay mas humihigpit ang kapit niya sa akin. Gumagalaw ang mga labi niya at tila naghahanap ng sagot. Unti-unti akong nanghina at nawalan ng lakas upang itulak siya. Hanggang sa buong puso kong sinagot ang mga matatamis na halik niya.





UNTI-unting naghiwalay ang mga labi namin pero nanatili ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. I can hear my heart thumping so loud. Shet, I want to kiss him again.

"Hindi ka na pwedeng umalis, Rain. Dito ka lang sa Korea. Dito ka lang sa tabi ko."

"A-ano bang pinagsasabi mo--"

"Ang sinasabi ko lang naman ay hindi ka na pwedeng umalis ulit. Hindi mo na ako pwedeng iwan ulit. Naiintindihan mo?" Mas lalo pang lumapit ang mukha niya sa akin. Tangina, anong ginagawa niya.

"Teka nga--" iniwas ko ang mukha ng akmang hahalikan niya ulit ako. Kaya imbis na sa labi ko ay sa pisngi ko tumama ang mga labi niya. "Paki-explain nga ng maayos. Naguguluhan ako e. Akala ko ba galit ka sa akin at ayaw mo na akong makita? Eto na nga oh, aalis na ako."

"You don't get it. Sa tingin mo ba itataya ko ang kaligtasan ko para lang iligtas ka nung nahulog ka sa hagdan kung galit ako sayo. Nabo-bobo ka na ata, Rain..."

Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya at naningkit ang mga mata kong tiningnan siya ng masama.

"Teka, Teka...sinasabi mo bang bobo ako?"

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now