After ng limang minuto dumating na din siya, hindi ko na kang pinansin, nakakairita na kasi eh napaka bagal kumilos.Sunod naman naming pinuntahan si Dianna na nasa may store daw,inintay na lang din naman siyang lumabas, tinatamad na akong bumaba eh.

"Hi guys, kanina pa ba kayong nag iintay?" Yan agad ang tanong niya sa amin pagpasok niya ng sasakyan.

"Hindi, isang oras pa lang naman!" Sarcastic naming sagot ni Chino, sabay pa talaga kami.

"Sorry na, eto oh, bumili nako ng food natin"-Dianna.

" Chino pede bang mag stay ka hanggang 3pm?kulang na kasi tayo sa oras eh, tignan niyo naman, tanghali na oh"pakiki usap ko.

"Hindi pwede, ayoko namang pag intayin si Kristine"-Chino.

"Wahhhh!you and Kristine?you're dating?"ang ingay talaga ng bibig ni Dianna, dito pa talaga siya sumigaw sa loob ng sasakyan.

Kaagad kong pina andar ang sasakyan at pumunta sa rest house namin.Oo, may resthouse kami, dati doon talaga kami nakatira pero dahil nakapag pagawa na ako ng bahay eh ginawa na lang namin 'yong rest house.
Malapit lang din naman 'yong bahay namin dito sa resthouse namin eh.

" Mam Trixie, nandito po pala kayo, kamusta na po?"agad bumungad sa amin ang caretaker nitong resthouse namin.

"Ay hello, okay lang naman ako, ikaw?kamusta kana?"tanong ko naman sa kanya.

" okay lang din naman po ako, bakit po kayo napadalaw nina Mam Dianna?"she's always curious pero kahit anong curious niya hindi ko talaga sasabihin sa kanya kung bakit ako pumunta.

"Ahhh wala, may gagawin lang ako sa room ko, pede bang iwan mo muna kami ah?salamat"giit ko.

Nagtatakbo na ako papunta sa kwarto ko, madami pa akong naiwang gamit dito, baka sakaling may makukuha pa akong information.

Hinalikwat ko lahat ng cabinet, lahat ng drawer binuklat ko at pinaglalabas ko yung mga papel at gamit na naiwan.

Sa isang aparador eh nakita ko yung isang libro na kahit anong gawin ko eh ayaw magbukas, parang sobrang kapit na kapit na ang bawat pages sa isa't isa.
Nakita ko din ang isang sand clock, bakit may ganto sa mga gamit ko?ang weird naman.Hindi ko alam kung saan nang galing ang mga ito, siguro eh dahil nga hindi ko maalala ang mga nangyari.
May isang mini drawer na nakatago sa ilalim ng kama ko pero hinayaan ko na lang muna 'yon doon at hindi ko muna hinalikwat.

" guys, tignan niyo 'tong librong nakita ko, Chino, subukan mo ngang buksan"ibinigay ko kay Chino 'yong libro para buklatin niya.

"Triks, ayaw talaga eh, kahit ako hindi ko talaga kaya"-Chino.

" Trixie, ayaw talaga bumukas"sinubukan na din ni Dianna pero ayaw talagang magbukas.Halos tumalsik na kaming tatlo dahil lang sa pagbubukas ng librong 'yon.

Mukhang wala nanan akong mapapala sa librong ito kaya ibinalik ko na lang ulit sa nay aparador.
Sinubukan kong mag halikwat pa sa ibang mga drawer pero puro answersheets lang ang nakita ko.May mga luma akong notebook pero wala naman akong nakuhang information.

Pumunta muna kami ni Dianna sa may balcony para mag usap habang naghahanap naman si Chino sa loob.

"Sinabi sakin ni Chino na sabay daw tayong nawala dati ng matagal, pero nauna ka daw umuwi,malakas ang kutob ko na may kinalaman 'yon sa mga napanaginipan ko tungkol samin ni Liam" panimula ko.

"So anong kelangan nating gawin?" Tanong ni Dianna.

"Sa tingin ko nagkita na kaming dalawa dati, at kasama kita noon, kailangan nating maalala lahat ng mga nangyari" dagdag ko pa.

Unfortunately, He Exist[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon