14

277 148 18
                                    

Trixie's POV

Dahil doon ay niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko na alam ang sasabihin ko, alam ko na ilang beses niya akong sinaktan pero alam ko sa sarili ko na swerte padin ako dahil siya ang fictional character na minahal ko.

Teka, hindi na naman ako makahinga ng maayos, sobrang nanghihina na ako, kinakapos na ako ng hininga.

"Liam, i-ingatan mo ang sarili mo, mahal na mahal kita Liam, sana, sana magkita tayo sa tunay na mundo!" Naghihingalo na ako habang sinasabi ang mga salitang yan, agad kong kinuha yung libro at orasan na nasa tabi ng naman ng higaan ko.

"Liam, ito na siguro ang oras, tapos na ang oras ko sa mundong ito!paalam!"

"Trixie wag mo akong iwan, parang awa mo na, wag mo akong iiwan!" Giit ni Liam habang humahagulgol na sa pag iyak.

****

"Direk!"

"Direkkkk!"

"Ms.Montalban, gising!

" Direeeeekkkk!nananaginip ka po!"

Nagising ako dahil sa ingay nina Ryan at Liam, hinihingal pa ako dahil sa napanaginipan ko, hindi ko alam kung anong meron doon, hindi ko alam kung bakit ko napanaginipan si Liam na naghihiwalay kami, ano bang meron?naguguluhan ako.

Bakit may f-fictional character?b-bakit may libro?!ano bang nangyayari sa akin!

May luha na tumutulo sa mata ko, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, sa totoo lang wala akong kaalam alam sa mga nangyari, nagkita na ba kami dati ni Liam?anp bang meron sa panaginip ko.

Naka kapit lang ako sa kamay ni Liam habang nakatingin sa kanya, wala na akong pake kung nakikita nila na maamos pa ang mukha ko.

"Kumalma ka muna Trixie, ano bang napanaginipan mo?" Tanong niya sa akin.Hindi ko naman siya masagot, ayokong sabihin sa kany ang mga nasa panaginip ko, baka kung saan pa mapunta ang pinag uusapan namin.

"Okay lang po kung hindi mo masabi samin ang nasa panaginip mo" giit ni Ryan.

Mas lalo akong humagulhol noong maalala ko ulit yung nasa panaginip ko, sobrang gulo, wala akong ideya pero alam kong may ibig sabihin ang panaginip ko.
Noong gumaan gaan na ang pakiramdam ko eh tsaka ako tumayo at inayos ang higaan ko.

Halatang nacucurious padin si Liam at nagtataka tungkol sa panaginip ko, para bang alam niya na yung nasa panaginip ko pero sinisigurado niya pa kung yung iniisip niya ba eh tama.Hindi ko muna sasabihin sa kanila ang nasa panaginip ko.Siguro kay Chino na lang muna, siguradong mas maiintindihan niya ako.

"Uhmmm Direk, handa na po yung pagkain---------" hindi naituloy ni Sheena ang sasabihin niya noong makita niya na naiiyak iyak pa din ako.

"D-Direk, anong nangyari sayo?inano ka netong mga taong 'to" sabay turo niya kay Liam at Ryan.

"Gaga ka ghorl?hindi namin inaway si Direk 'no!nanaginip kasi siya tapos 'yon nag iiyak na, buti nga ginising pa namin siya" ayy wow salamat ah ginising niyo ako, sana hindi na lang 'no.

Unfortunately, He Exist[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon