5

541 324 60
                                    

Trixie's POV

"Ready na lahat direk!kanina pa po kaming nag aayos dito"hayy pasalamat na lang talaga ako kasi masisipag yung mga staffs ko tsaka camera man, naka ready na lahat, iniintay ko na lang matapos nila yung bawat tents, movie naman daw itong gagawin namin eh, hindi siya series sa tv kaya medyo magaan yung trabaho.

" Direk, nasa tent mo na po yung mga gamit mo, nag text din po sakin si Tita Tyra,daldalhin niya na lang daw po dito mga gamit mo"giit ni Sheena.

May naririnig akong nagsisigawan at umiirit sa labas kaya agad akong sumilip, nandito na pala si Dianna ay Joshua.

Bagay pala itong dalawang ito eh, hindi na ako magtataka kung magiging succesful itong movie na ito, magkaybigan kasi yung dalawang yon eh, madalas nadin silang nagkakasama sa iisang movie.

"Hey sis!" Pagtawag ni Dianna sa akin,dali dali naman akong lumapit sa kanya at bumeso.

"Andoon na yung tent mo Dianna, tapos yung tent mo naman Joshua, katabi ng tent ko,may mga pangalan naman 'yon eh"giit ko.

Kanina ko pang hinahanap si Liam, may ipapagawa lang naman ako sa kanya eh kaya ko siya hinahanap.
Pinuntahan ko na yung tent niya pero wala siya doon.

" Direk, hinahanap mo po ba si Liam?"nagulat na lang ako ng biglang umimik si Ion mula sa aking likuran, paano niya naman nalaman na si Liam yung hinahanap ko?tsaka bakit magkakilala na sila, meron ba akong hindi nalalaman na alam nilang lahat?

"Ah hindi, ano kaba?may ipapagawa lang ako"

"Edi hinahanap mo nga po?"

Natulala na lang ako sa tanong niya, medyo nakukulitan ako, ahh basta!oo na!hinahanap ko nga siya.

"Ah direk, nandoon po siya sa likod ng tent niya" ha?kanina nagpunta na ako doon pero hindi ko naman siya nakita.

Ayoko sanang pumunta doon pero dahil sa kagustuhan kong pahirapan si Liam, pumunta ako.

Naka upo lang siya sa isang upuan, wala naman siyang ginagawa, nakaupo lang siya sa isang silya, bakit kaya ang tahimik niya?dahil ba ayaw niyang mapansin ko siya?ayaw niyang mautusan?well, BDO ako eh, i find ways.

"Hoy Liam!" Pagtawag ko sa pangalan niya, kaagad naman siyang lumingon, wala akong makitang emosyon sa mukha niya, sa kabila ng mga galit ko sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa sa akin, hindi ko alam kung bakit nagmumukha siyang inosente sa paningin ko ngayon.

"Uhm, m-may kaylangan ka ba?" His face!hindi ko alam kung bakit!bakit parang maamo yung mukha niya.

"Okay ka lang" imbis na bigyan ko siya ng gagawin niya, ito yung mga salitang lumabas sa bibig ko, walang ibig sabihin yon.Nagtatrabaho siya sakin kaya natural lang na magtanong ako ng ganon, sa tuwing makikita ko yung mga taong nagtatrabaho sa akin na kakaiba ang kilos, tinatanong ko talaga sila, baka kasi may problema sila eh.Gusto kong maging masama sa kanya pero bakit parang may pumipigil sa akin?

"Ah?ako?okay lang naman ako, may iuutos ka ba?" Tanong niya sa akin,alam kong hindi siya okay, great pretender din pala siya gaya ko...

A great pretender always pretend that they are okay, pero sa totoo?pagod na yang mga yan...

"I know you're not okay, just tell me if you want to rest, andyan lang yung tent mo, hindi yan aalis"gusto kong maging mabait pero umeepal talaga yung pagka sarcastic ng bunganga ko.

"I'm okay" kung okay ka, edi sige, fine!

Hindi na siya naka tingin sa akin, hawak niya na yung phone niya, he look so serious right now, this was the first time that i saw him being serious, most of the time, he's so annoying, makulit at epal.

Unfortunately, He Exist[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon