Winner🏆

342 92 267
                                    

Title: SimbahanContestant: VerveyyyyDescription: It begins when they bumped to each other

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Title: Simbahan
Contestant: Verveyyyy
Description: It begins when they bumped to each other

🧡

"Limang minuto nalang ang natitira.

Hayst... Ba't kasi nahuli ako ng gising?

Mahabaging Panginoon, naway bigyan niyo pa po muna ako ng karagdagang oras upang ako'y makarating sa simbahan.

Tumakbo ako patungong simbahan ng bigla akong may nabangga.

"Pasensya na po. Hindi ko po sadyang ikaw'y aking-------"

Hindi ko naituloy ang aking pagsasalita ng makita ko ang kanyang mukha. Napakaganda niya.

"------mabangga." Mahina kong sambit.

"Naku, hindi. Ako ang manghihingi sa iyo ng paumanhin dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan."

Napakahinhin niya namang magsalita.

"Pasensya na ulit. Nagmamadali kase ako."sambit ko at kumaripas na ng takbo papunta sa loob ng simbahan.

Nakakahiya naman oh."

"Hay... Mabuti nalang at mala-late ng kaunti si Father.

Oo nga pala. Ako pala'y isang sakristan.

Agad akong nagbihis ng sotana.

" Uy, Kiel. Hali kana. Nandyan na si Father" sabi ni Clint, kapwa ko sakristan.

Buti nalang at naabutan pa namin si Father.

Nagsimula na agad ang misa.

Habang nagho-homily si Father ay aksidente akong napatingin sa mga tao at doon nakita ko ang babaeng nakabangga ko kanina. Grabe ang ganda niya talaga.

Napatuwid ako ng upo nang sikuhan ako ni Clint at may ibinulong.

"Uy Kiel. Iyang mata mo. Kanina ka pa diyan nakatingin ah. Sino ba iyan?"tanong niya.

"A-ah wala. May nakita kasi akong ibong lumilipad kanina" Lord patawarin niyo po ako kung ako'y nagsinungaling.

"Ibon? Wala naman ah?"

"Meron nga, napadaan lang kanina."

"Tsk. Humarap kana nga sa altar at baka makita pa tayo ni Pres lagot tayo niyon."

Napatingin nalang ako sa altar. Hindi ko parin siya mawala sa aking isipan.

Nang matapos ang misa ay agad akong nagbihis at kumaripas ng takbo baka sakaling maabutan ko siya. Sumigaw pa nga si Clint na huwag akong tatakbo.

Nang nasa entrada na ako ng simbahan ay nakita ko siya at nilapitan.

"Hi, sorry nga pala ulit kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Nagmamadali kasi ako," wika ko.

Book ClubWhere stories live. Discover now