Kahit wala ako no'n alam ko kung paano gumamit no'n. Kailangan pa ng profile picture, ayoko nga. Wala naman akong litrato.





“Halika rito, aayusan kita tapos kukuhanan kita ng litrato.” agad akong pomrotesta. “Huwag na Kia! Pabayaan mo na, iyong iyo nalang ang gamitin natin pang contact!” asik ko.






She rolled her eyes. “Hindi pwedeng ganoon Zyreen, hindi ako papansinin no'n dahil hindi naman ako kilala no'n. Kaya mas mabuti kung ikaw na kaya sige na!” tumayo siya at may kinuhang pouch sa kanyang bag.






“Do I really have to do this?” tanong ko. Tumingin siya sa akin na seryoso ang mukha. “You have to.” napanguso nalang ako dahil mukhang wala na talaga atrasan 'to.








Kumuha siya ng liptint at bahagyang ipinunas iyon sa ibaibang labi ko. Pagkatapos ay ikinalat niya 'yon gamit ang kanyang daliri.










“Tangina Zyreen! Liptint palang 'yan pero mukha ka na agad manika!” namula yata ako dahil sa sinabi niyang 'yon.









“Oh siya hindi na kita lalagyan ng kung ano ano. Susuklayan nalang kita.” sabi niya at tumayo.







Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagsuklay niya sa wavy kong buhok. “Ang ganda rin ng buhok mo. Alam mo Zyreen pwede kang mag artista o hindi kaya model.” napahagikgik nalang ako sa komento nito.








“Pero hindi ba at architect ang gusto mong kurso?” tanong niya at tumango lang ako. “Napakagaling mo namang tao! Architect na teacher pa!” I shook my head.








“Teacher lang ako at hindi architect. Hindi nga ako nakapag aral no'n remember?” I tease. “Kahit na! Kaya mo pa rin naman e. At tungkol sa pagmomodelo mo. Tiyak kapag nag audition ka bilang model agad ay tanggap ka! Halata sa'yo na may lahi kang iba e!” umiling nalang ako.









Posible nga bang may lahi ang ama ko?






“Ayan tapos na! Halika kukuhanan na kita ng picture!” tuwang tuwa na sabi niya at itinapat ang cellphone sa mukha ko.






Hindi pa man ako nakakangiti ay agad na niya itong pinindot. “Kia! Hindi pa ako handa!” asik ko.








“OMG! Ang ganda! Naks lakas talaga maka model! Saka ano ka ba Zyreen! Ito ang uso ngayon, mag pi-picture ka kunwari stolen o walang emosyon!” sabi nito.








Hindi na ako nag reklamo at pinanood nalang siya sa pag gawa ng account ko. “Zyreen Dela Costa.” sabi niya habang nag titipa.






“And...it's done! Oyy accept mo ako ah!” sabi nito kaya napangiti ako. It's my first time kaya medyo na e-excite rin ako.






“Oh my god! Look! Ang dami na agad nag a-add sa'yo.” agad akong napatayo at napalapit sa kanya upang tingnan iyon.








At halos mabuwal ako dahil may 25 friend request na agad ako. “Tingnan mo may nag co-comment pa sa profile picture mo.” nakangiting aso na sabi niya.







I shook my head. Puro heart lang naman ang comments o hindi kaya ay simpleng papuri tulad ng ‘Pretty at Gorgeous.’








“Wala naman akong pake r'yan kailangan ko nang macontact si Star, alam mo ba ang account niya?” tanong ko. “Of course!” sabi nito at nagtipa nanaman.




Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now