'' gusto mong makita? '' sabi ko dito sabay unlock nito at inabot sa kanya.

''hindi.chineck kolang kung anung oras na..'' palusot ito. gusto lang Makita nito ang laman ng aking phone.

Habang tinutuyo ang buhok ay tumabi na ako dito at humiga. Tumagilid ako paharap sa kabila. Naiinis lang ako pag nakikita ko ito. narinig ko nalang na napa buntong hininga nalang ito.

Panibagong araw para sakin. Papasok na ako ng hospital nang nakitako na nagkukumpulan ang mga nurses at doktor sa tapat ng Director's office. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko nang tinawag ko Sir. Harold. Napatingin naman sakin ang mga nurse at bumati ang mga ito.

'' goodmorning sir james. ''sabi nila. Ngumiti nalang ako at bumati rin. Napatingin ako sa lalaking katabi ni sir. Harold. Mukhang ngayon kolang ito nakita. Ngumiti naman ito sakin nang pagkatamis tamis.

'' dr. Yoon...I would like you to meet my associate director. Dr. Fluke James Madrigal-Montevista. Say hi. '' sabi nito at nakipag kamay naman ako.

'' Welcome to the Family love Hopsital. Mabuti nalang at may nahanap agad si mr. Harold na kapalit ni Dr. Vincent. '' sabi ko dito. Napatingin naman sakin si Harold.

'' yes. Nakwekwento ka ni dr. Vincent sa akin. Nice meeting you dr. james. '' ngumiti ito nang nakalalaglag panty. Maypagka Thailand ang features nito na bumagay sa kanyang mukha. Sa tingin ko ay mag 30's palang ito. matangkad din ito at maganda ang tindig. Hiyang sa gym.

'' same here. Excuse me. '' sabi ko dito at nagpaalam na sa lahat.

Matapos ng aking trabaho sa hospital ay nakatanggap ako ng text galing kay Chase. Dali dali ko naman pinuntahan ito sa kanyang opisina.

Pagkapasok palang ay naabutan ko itong nakataas ang dalawang paa. Nakapatong sa lamesa habang nakatingin sa akin. Naka pang work attire pa ako at hindi na muna nagpalit.

Lumapit naman ako dito at binigay niya sa akin ang folder. Agad ko namang binuksan ito.

Maraming papeles. Sa tingin ko ay mga transactions ito ng companya. '' hindi koi to maintindihan...ipaliwanag mo. '' utos ko dito. Nag salita ito.

'' yan ang OM's Entertainment transactions makalipas ang 2 taon. Palugi na pala ito. ayon sa source ko, hindi din nito binayaran ang mga empleyado last month. ''

'' Paanong walang income? Ang sabi nito sakin ay may na close siya na deal sa isang Chinese investor.? '' sagot ko .

''The Expenses are higher than revenues. Labas lang ng labas ng pera ang kompanya ngunit wala namang bumabalik na kita mula rito. Malapit narin itong ma-bankrupt kung hindi wala pa siyang mahanap na investor. '' dagdag na sagot nito. Napasuklay ako ng buhok at tumingin sa lalaking kaharap ko ngayon.

'' How about his personal account? '' tanong ko.

'' hindi ko ma access ang account nito. Kahit ang president ng kompanya ay hindi ito ma access. Hindi kona saklaw ang bagay na iyon. '' sabi nito. Napabuga nalang ako sa hangin. Hindi ito sapat .

The World Of Married Couple ( TAGALOG BXB /DRAMA)Where stories live. Discover now