Chapter 23: Her Fiance

Start from the beginning
                                    

May-aasarin talaga ako mamaya haha.

-

"Mad saan ka galing?" Tanong ni Kyle nang magkasalubong kami.

"Jan lang sa tabi tabi bessy bakit?"

"Wala lang, siya nga pala nakita ko na yong Gown mo, napaka bongga! Bagay na bagay sa'yo yun panigurado." Sus nambobola na naman si bakla.

"Magaling kasi akong pumili bakla. Kung gaano kabagay sa'kin yong Gown mas bagay pa rin kami ng lalaking papakasalan ko." Kinikilig na saad ko.

"Naksss in-love na in-inlove nga talaga ang best friend ko." Natatawang saad niya at inakbayan ako.

"Siya nga pala Mad.. Si Jared pupunta ba siya sa kasal?" Naalala ko na naman tuloy yong huling pag-u-usap namin ni Jared. Noon ko lang siya nakitaan nang ganong lungkot. Alam kong masakit para sa kanya ang ginawa ko, pero wala akong choice. Gusto ko lang maging masaya, gusto ko nang maging masaya at kalimutan ang nakaraan.

Alam ko darating ang araw na magiging masaya din si Jared ng tuluyan.

"Ang saya saya ko para sa'yo besty. Sa wakas nahanap mo na rin ang lalaking karapat-dapat para sa'yo." Napangiti ako sa sinabi ni Kyle.

"Matagal ko na siyang nahanap Kyle.. Nawala siya sa akin ng matagal pero sa huli nahanap ko pa rin siya." Nakangiting saad ko, natawa ako nang magsalubong ang dalawang kilay ni bakla.

"Problema mo?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nakakatawa kasi ang itsura niya eh, parang ewan.

"Ang weird mo kasi eh.. Anong ibig sabihin mo sa nawala siya pero nahanap mo rin? You mean, nawala si Clark noon? Nakidnap ba siya noon?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa ng malakas.

"What? Anong nakakatawa huh Maddison Serrano?"

"Wala bakla! Ang witty lang kasi ng utak mo eh. Oh! Dito ka muna huh pupuntahan ko lang si Clark mukhang tapos na siyang gisahin nila Papa." Di ko na siya pinagsalita at iniwan na siyang nag-iisip ng malalim.

Napailing ako nang maalala ang reaksyon ni bakla sa sinabi ko kanina.

"Maddi! Buti naman nakita na kita!" Agad na lumapit sa'kin si Clark at kumapit sa braso ko na parang bata. Ngayon may clue na kayo about sa personality ng fiance ko, he's super childish.

"Bakit may problema ba?" Tanong ko.

"Napagod ako sa mga tanong ng parents at kuya mo, daig pa nila reporter eh. Bakit hindi mo sinabi sa'kin na istrikto sila." Nakangusong tanong niya sa'kin. Hinila ko naman ang nguso niya at binatukan siya.

"Bakit? Mag-ba-back out ka na ba ngayon bilang fiance ko?" Tiningnan niya ako at tumawa ng malakas. Abnormal lang.

"Back out? O c'mon Maddi, hinding hindi ako nag ba-back out sa nasimulan ko na. You know that I have a one word. I'm Clark and I'm brave like a shark!" Sabay pakita niya sa muscle niya sa braso na parang nagyayabang. Hay naku! Napaka isip bata talaga ng isang 'to. Hindi ko tuloy alam kung swerte ba talaga ako o malas dahil siya ang naging fiance ko.

"Ang ewan mo Clark! Halika na nga hanapin muna natin si Lucy bago tayo kumain."  Aangal pa sana siya pero hinila ko na siya kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod sa'kin.

Clark is so childish. Kapag hindi mo siya kilala at ibabase mo sa itsura niya ang first impression mo, masasabi mong mukha siyang suplado at tahimik na tao pero kapag nakilala mo na siya at nakausap naku.. Ihanda mo na ang mahaba haba mong pasensya dahil sa kakulitan at kaingayan niya. Pero kahit na isip bata si Clark, sobrang bait niyang tao.. Gentleman, sweet, masayang kasama at higit sa lahat sobrang gwapo (ayon sa kanya). Well, gwapo naman talaga siya, magiging super model ba naman siya kung hindi. Matangkad, maganda ang katawan para sa isang lalaki, katamtaman ang kaputian at may malakas na karisma sa mga kababaihan. Hindi naman siya babaero, habolin lang talaga ng babae.

Still You [COMPLETED]Where stories live. Discover now