Capítulo Veintidós

Start from the beginning
                                    

"I will call her. I will explain to her."

Kinabahan naman siya. "Baliw ka ba?! Gusto mo ba talagang may makaalam sa relationship nating dalawa?!"

"Relax, love. Zither is a friend." ngayon tatawa-tawa na ang loko!

She unbelievably look at him. Is he crazy?! What if they get caught? Hindi naman sa pinagduduhan niya ang pagkatao ni miss Zither, mabait naman talaga ito sa totoo lang. But again, to think na may iba pang may makaalam sa relationship nila ni Marcos except his friends and Khai. That was beyond the limit!

"Give me your phone." sabi pa nito. His eyebrows lift.

She rolled her eyes. "No. Ako na. Personal na lang akong magpa-paalam sa kanya."

"Okay. Be back at seven." he smirked.

Sumuko na siya. Gano'n naman palagi ang ginagawa ng isang estudyante sa professor niya, 'di ba?

Professor mo mukha mo, Natasha Gail!

LUNCH TIME. Imbes na sa cafeteria siya ng University kakain, umuwi na lang ng boarding house niya si Tasha. Kinukulit kasi siya ni Khai. Sakto namang pinatawag lahat ng Mayors sa buong department nila. Kaya pansamantala siyang nakaiwas rito.

Hindi pa siya nakakaligo simula nang manggaling siya sa ospital. Nanghiram na nga lang siya ng t-shirt kay Marcos para kahit papaano ay hindi mahalata ng mga kaklase niya na ang suot niya kahapon ay suot  pa rin niya hanggang ngayon. Medyo malaki nga lang sa kanya ang size ng damit kaya nga panay ang kulit ni Khai sa kanya kanina kasi hindi naman nito nakita ni minsan na suot niya 'yun.

Lagkit na lagkit na ang pakiramdam niya kaya umuwi muna siya. Maliligo lang siya at magla-lunch then babalik na siya ng school. Alas dos y medya pa naman ng hapon ang klase niya kaya mahaba-haba pa ang time niya para sa sarili.

Bubuksan niya na sana ang pintuan ng kanilang kwarto ng malamang naka-lock ito. She frowned.  Sa pagkakatanda niya, tuwing Martes ay whole day lang na nasa boarding house si MJ.

Marahan siyang kumatok. Walang sumagot.

Baka tulog pa., aniya sa isipan.

Mabilis niyang hinanap sa bag ang kanyang susi, ihing-ihi na kasi siya. Nang mahanap ay kaagad na niyang binuksan ang pinto.

Namilog ang kanyang mga mata ng bahagya na siyang makapasok ng kwarto.
Naabutan niya kasing baluktot na nakahiga sa kama ni Mj ang isang lalaki! Nakakalat naman sa sahig ang mga damit siguro nito. Ngunit ang ikinagulat niya ang isang panty na alam niyang kay MJ!

Oo at bago pa lamang silang magkakilala ni Mj pero ni minsan hindi niya ito pinag-isipan ng kung anu-ano!

Nakatalikod sa kanya ang lalaki at hubad ang pang-itaas nito at naka boxers lamang sa pang-ibaba, bahagya kasing nakababa ang kumot kaya kitang-kita niya ang ayos nito. Pero infairness, likod pa lang alam na niyang may ibubuga ang lalaki.

Gulat naman ang ekspresiyon na bumalot sa mukha ni MJ pagkalabas nito ng banyo. "T-tasha! K-kanina ka pa ba?"

Marahan siyang lumapit rito. "Sino 'yan 'te?" mahina niyang tanong rito, papalit-palit pa ang tingin niya sa lalaki at kay MJ.

"A-ano..." anito na di maapuhap ang sasabihin.

"Boyfriend mo?" sulsol niya.

Namumula naman ang pisnging umiling-iling ito.  May nang-uuyam na ngiti sa kanyang labi. "Ikaw ha!" she laugh a little. "May Mr. Complicated ka rin pala. Hindi mo naman sinabi."

Malakas siya nitong hinampas sa balikat. "Hindi ko naman Mr. Complicated 'yan, e. Tatay 'yan ng anak ko! Baliw!"

Sinundot pa niya ang tagiliran nito. "Eh, bakit andito? Na-miss ka?" malakas siyang natawa.

Dahil siguro sa tawa niya ay naalimpungatan ang lalaking natutulog sa kama nito, only to find out who the man is! Na-pause naman ang tawa niya. Marahan itong humarap sa gawi nila. Shocked was written all over the face of Tasha.

"J-jake?" she whispered.

"Kilala mo siya?!" gulat na tanong ni MJ na narinig yata ang sinabi niya.

Marahan siyang tumango rito.

Oh my God! It's really him!

What is he doing here?!

Pupungas-pungas namang bumangon ang lalaki. Hinilot-hilot pa nito ang brasong nangalay siguro sa pagkakahiga. "Damn it!" anang lalaki.

Half-close, half-open ang mga matang tiningnan nito ang relong pambisig. "Tang-na, MJ! Bakit 'di mo 'ko ginising?!"

Saka lamang ito bumaling sa puwesto nila ni MJ. Shocked. Ito rin ang mababanaag sa mukha ng binata.

Sino ba namang hindi magugulat sa sitwasiyon nila ngayon?

Ang sabi ng ate MJ niya ay tatay raw ito ng baby niya! So, that means...

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingWhere stories live. Discover now