PROLOGUE

35 7 0
                                    

ME,  YOU AND THE CITY LIGHTS (2020-2021)


Note: This is a work of teen fiction/romance. Names of characters, places and events are fictitous, and just purely made by imagination. Real person, living or dead, or actual events are purely coincidental. ALL RIGHTS RESERVED.

No part of this story may be reproduced, copied or transmitted in any form.

DISCLAIMER: Names, places, events, or incidents in the story is just a product of author's imagination or in fictitious manner.

Warning: This story is unedited and having some mature roles, expect some typographical errors/incorrect grammar. ('coz I'm not perfect.)

Plus, you are warned that this story contains mature roles/scenes and strong language, that is not suitable for very young readers/viewers.

-----------------------------------------

"Raven, tara pumunta sa canteen?" Yaya sa akin ni Angela. Sumunod naman ako sa kanya, besides, nagugutom na rin naman ako. Sinama ko na rin ang kaibigan kong si Dianne pero wala ang pinsan niyang si Danna.

"Si Danna, nasaan? Kanina ko pa hindi makita 'yon eh?" tanong ko sa kanila.

"I don't know. Umalis siya kaagad pagkatapos ng Science Class natin. Baka nauna na yun sa cafe, siguro." sagot ni Dianne. Baka nga siguro, ba't kasi laging wala iyon?

Balak ko sanang pumunta sa room ng boyfriend kong si Jared. We are 2 months being in a relationship. Hindi pa rin ako makapaniwala na may buhay-ibig.

Kaming tatlo ay naglalakad sa hallway nang patakbong lumapit sa amin si Danna. Saan ba ito nagpupupunta? Ano na naman ba aasahan ko, syempre, hahanap yan ng ichichika sa amin.

Takang tumigil kami sa paglalakad dahil sa ayos niya. Hingal na hingal ang bruha. Sumenyas siya ng 'teka lang, hihinga lang ako' sa pamamagitan ng pagharap ng kanyang palad sa amin.

"Girl, anyare? Ba't parang sabog ka? May nakasabunutan ka na naman ba?", komento ni Denzelle, bading kong kaibigan.

"T-Teka lang, sandali." mahina niyang sabi pero sapat para marinig namin kahit hinihingal siya.

"Pupunta kaming canteen? Sama ka?", sabi ni Angela. Wala kaming kaalam-alam sa ginagawa nang babaitang 'to. Bigla-bigla na lang susulpot sa harapan namin. Kapag may chika, doon pa lang siya magpapakita sa amin.

Nakapameywang akong tiningnan siya nang tumingin siya sa akin. Nang mahimasmasan na siya at nakakuha ng hangin, tumindig siya ng tuwid. Nababasa ko sa kanyang mukha ang takot at pagkabahala. "Rax, may chika ako."

And there we go again. "Spill it dali, gutom na ako." Gutom na gutom na talaga ako sa sandaling 'yon.

"Si Jared...." putol niya sa sasabihin, hingal pa rin dahil sa pagtakbo.

"Oh ano? Anong meron sa kanya?" tanong ko  sa kanya. Medyo nababahala na ako sa itsura niya, tinatantiya ko na isa itong masamang balita.

"Girl... gusto mo pumunta sa gymnasium para malaman ang lahat?" Mukhang natatakot si Danna sa magiging reaksyon ko, kaya kinailangan niyang bitinin ang sasabihin.

Me, You and The City Lights (Nostalgia Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora