He Hates Me

15 0 0
                                    

*boogsh!!*

Araaaaaay!! Ouch. Napakamot ako sa ulo.

Anong nangyari?

Nauntog lang naman ako sa pintuan ng classroom namin. Agh!

Badtrip na nga ako, dinagdagan pa ng pintuan na yun! Putek. Late pa ko!

At ayun, tatawangtawa ang mga pokemon na mga kaklase ko! Psh. Kainis! Deserve nilang maupakan.

Umupo akong hinihipo hipo ang ulo ko. Medyo malakas ang pagkauntog ko eh!

Gustong gusto ko na magmura!! Nakakainis! Putek! Lalo na dun sa lalakeng yun! Kung pwede lang!!

Teka nga lang!

Bat ko naman di pwedeng murahin ang lalakeng iyon?? Sinong nagsabi?

Kenji! Tang-innnsdfghjkl mooo!!!!

Kyaaaaaaa! Bakit di ko magawa?

"Kasi naman gusto mo.." nagulat ako sa nagsalita. At sa sobrang gulat ko, napasigaw ako.

"Ahhhh!!" Lalim ng iniisip ko tapos nandidistract? Psh!

"Ms. Yueen Moñez! What's with you? Kanina ka pa salita ng salita dyan while nagtuturo ako. If you can't keep your mouth shut, then the door is widely open. You can go." -Ma'am

Widely open daw? Nakasara naman ah. He he

Pero totoo? Nagsasalita talaga ako kanina?? Ommo.

"Sorry, po." diniinan ko sa PO.

Di ako pinansin ni ma'am tapos nagpatuloy sa pagtuturo.

Hinanap ko naman agad kung sino yung nagsalita. At ito lang namang katabi kong nakatitig sa akin. Titig na nang aasar!

Ang seatmate ko na feeling close.Papansin masyado. Psh

Binigyan ko siya ng, 'anong tinitingin-tingin mo jan' look. Pagkatapos ay medyo nakinig ako kay ma'am. Medyo lang. Boring kasi magturo!

Hindi ako friendly. Wala lang, sadyang di ko type makipaghalubilo sa mga tao sa paligid ko. Not that takot ako. I just feel uncomfortable with people. I like to spend time with myself. An introvert most likely.

Kinakausap ako ng seatmate ko. Mapagbigyan nga.

"Ano nga ulit yung sabi mo kanina?" Pabulong kong sabi.

"Kasi gusto mo." sagot niya

"Huh?! Nagsasalita ba talaga ako kanina??" napatakip bibig ako sa pagkabigla. As in??!

"Sasagutin ba kita kung di ko sinabi yun? Uy! Namamansin ka na nyan?" masaya niyang sabi.

"Stupid. Nagtanong lang ako." I glared at him and tumingin sa harap.

"Bakit kasi laging ang taray taray mo? Ayan, wala ka tuloy kaibigan. Buti pa nga, may nagtitiyagang makipagkaibigan sayo. Di ka ba nabobored?"

Oo. Sa katunayan nga gustong gusto ko nang lumipat ng upuan para wala nang nangungulit sakin. Para di kita katabi! Ang daldal!!

Pero totoo naman ang sinabi niya. Malungkot pag walang kaibigan. Mga cousins ko lang ang mga kaibigan ko. Sila lang. Pero they left after we graduated from elementary. Nangibang bansa ang mga sosyal! Di ako sinama. Well, their parents planned it. Nagtatrabaho kasi abroad sina Tita Eliz at Tito Gab, kaya wala akong nagawa para pigilan yung mga pinsan ko. I'm a complete loner!

"Wala ka na dun!" mataray kong sagot.

"You asked a question and I just answered. Masama ba yun?" nakangiti niyang sabi.

"Uy. Di ba hindi naman? Smile ka naman."

"Will you shut up? And don't talk to me ever AGAIN." pagdidiin kong sagot. Naiibis na ko eh.

Di na siya nagsalita pa. Mabuti.

Kita ko kung paano siya somiryuso. Bumaling ang atensyon niya kay ma'am. Di ko alam ba't naguguilty ako. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko.

Oh well. It's none of my business.

Di nagtagal nagring na yung bell. Yes!

Recess.

Pero di kaya ng konsensya ko. Siguro nasanay na akong laging kinukulit ng mga tao sa paligid ko, yung mga desperadang gustong kaibiganin ako. Alam ko namang pera lang habol ng mga yun, kaya wag na aksayahan ng segundo.

I know I will hate my self for talking to that person but something's inside me that forced me to apologize. And so I did approach him but..

Bago pa man makalabas ng classroom si Tommy ay hinabol ko siya. He looked at my direction and before I could start my speech, what the fck? umiwas siya at naglakad na palayo. Nyeta

Nakanganga parin ako at realization hit me. He was gone.

Well. Nagsayang lang talaga ako ng oras para mag sorry?? hahaha How stupid. Sino naman siya? Psh

Author's Note:
I hope you enjoy reading! Thanks a lot! xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Hates MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon