T E A R 7

1.1K 27 0
                                    

ERRORS AHEAD

NAIH

"Maybe yes, maybe not"

Natahimik sila Kuya sa sinabi ko.

"Bakit ka pumayag boss?" Tanong ni Dane.

"Naisip ko kasi na chance ko na 'yon para makalapit kay Lake"

"Para ba sa mga Bata?" Tumango ako.

"Bata?" Sabay sabay na tanong nila Dane at Rane. Hindi pa nila alam na may anak na ako.

"May... May anak na ako" Mahina kong sabi.

"Ayos 'yang joke mo, boss" Natatawang sabi ni Rane. Tumigil siya sa pagtawa ng makitang seryoso ako. "Seryoso, boss?" Tanong ni Rane Tumango ako.

"Kailan pa?"

"Matagal na"

"So, boss. Kung may anak ka na tapos sabi mo chance mo ng lumapit kay Lake pag naging substitute ka. Edi si Lake ang tatay ng anak mo?" Tanong ni Dane. For the second time, I nodded.

"Paano nangyari 'yon?!" Sabay na tanong ni Rane at Dane.

"Five years ago, boyfriend ko si Lake. As his girl, I give him what he needs kahit yung ano..."

"Sex?" Pinalo ni Terre si Dane ng malakas. "Aray! Bwiset ka talaga, Terrence!" Sigaw ni Dane na hinihimas ang braso niyang pinalo ni Terre.

"Bulgar kang babae ka! Okay lang sana kung tayong apat lang nandito, eh nandito din si Raden. Mahiya ka nga!"

"Mukha mo!" Tumingin ako kay Kuya na nakatingin kay Dane na naghahanda ng suntukin si Terre.

"Hep! hep! Tigilan niyo na 'yan. Hindi pa tapos magkwento si boss" Pagpapatigil ni Rane sa dalawa.

"Nabuntis ka ni Lake?" Tanong ni Terre. Hindi na ako magtataka kung sasagutin siya na Dane.

"Malamang, hindi naman magkaka-anak si Boss kung hindi siya nabuntis nung ex niya. Bobo mo talaga" Napapailing pang sabi ni Dane at dahil magkalapit lang sila ni Terre. Hinila ni Terre ang buhok ni Dane at kinurot ng pino sa bewang. "Aray! T'angina mo!" Akmang susuntukin ni Dane si Terre ng hilain siya ni Kuya Rade papaupo sa sofa na kinauupuan niya.

"Behave" Nakangusong tumahimik si Dane at sinamaan ng tingin si Terre.

"Ilan naging anak mo, boss" Rane asked.

"Two"

"Two times ka niyang binuntis?" Napakamot ako sa ulo ko at medyo natawa. Dane snorted as well as Kuya.

"G-" Hindi na natuloy ni Dane ang sasabihin niya ng samaan siya ng tingin ni Kuya.

"Kambal ang anak ko Rane, hindi ako dalawang beses nabuntis" Nanlaki naman ang mga mata nito.

"Kambal!? Wow! Pwede namin silang makita, boss?" Tanong ni Rane na kumikininang ang dahil sa sobrang excited. Tumango ako. "Yes!"

"Hindi na 'ko sasama, susunduin ko pa ang anak ko" Sabi ni Dane. Tumayo ito at nag-unat unat.

"May anak ka?" Tanong ko sa kaniya.

Unwanted MarriageWhere stories live. Discover now