Chapter 16

20.8K 528 41
                                    



Lumipas ang ilang linggo laging tumatawag sa akin si Survey ng 10 pm para lang magtanong kung kamusta  ang araw ko at matulog siya habang on call sa akin. 

Sa tingin ko ok naman ang  ganito, parang pakiramdam ko bumabalik yung friendship namin, kaya ok na sa akin ang makausap siya, hindi na din ako umasa sa lovestory.

"Mommy door," sambit ni Milo at pilit inaabot ang hawakan ng pintuan dito sa  kwarto, para makalabas na siya lumapit ako sa kanya at binuhat siya at lumabas ng kwarto holiday ngayon kaya hindi ko muna inopen yung shop rest day na'rin ng staff ko at namin ni Blace.

Madalang na 'din magparamdam si Cj dahil busy sa contraction site, pero nagtetext naman siya sa'kin lagi, ewan ko lang kay Blace hindi niya kasi nababanggit sa'kin eh. Feeling ko hindi naman siya tinetext ni Cj

Blace's Point of View

From Kapre,

Hoy kumain ka na ba?

From Kapre,

Anong tawag satin ni lord?

From Kapre,

Tawag niya sa'tin Bagay, kasi bagay tayo, ngek hahaha.

From Kapre,

Kakatapos ko lang kumain, adobo ulam ko gusto mo ay ubos na eh, sorry.

From Kapre,

Amoy pawis na ako ngayon dahil sa sobrang init pero hindi ako mabaho ah.

From Kapre,

Hoy, wag kang judgemental hindi ako mabaho noh ikaw nga kahit araw araw kang amoy toyo ok lang sakin eh.

From Kapre,

Ano ulit number mo?

From Kapre,

Ah alam ko na, number 1, kasi number 1 ka sa puso ko, awit.

Nakatingin lang ako ngayon sa cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog dahil sa sunod sunod na text ng lalakeng ito baliw na ata hindi ko naman sinasagot yung text niya pero  kung ano-ano sinasabi.

From Kapre,

Alam mo yung about sa story ni Coco.

From Kapre,

Hoy!!!!! Alam mo ba yung cartoons.

From Kapre,

Luh, hindi mo alam iyon.


Nakakainis na talaga!!!

To Kapre,

Bakit ba!!

From Kapre,

Wala lang, tinatanong ko lang kung alam mo, baka kasi isa ka sa bida doon yung aso niya hahahahha medyo hawig mo kasi eh.

To Kapre,

./.

From Kapre,

Luh, attitude ka sis.

To Kapre,

Pwedi ba tigilan mo nga ako, busy ako.

From Kapre,

Gaano ka busy?

Ahhh! Ginulo ko ang buhok ko sa inis shet kailan ba to titigil

***

Cherry Milk's Point of View


"Oh, napatawag ka?" sagot ko sa tawag ni Survey. "What's better sky blue or ash grey?"

"Huh, para saan?" tanong ko. "For my necktie," bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi nya necktie lang.

"Para sa necktie lang tumawag ka pa," hindi makapaniwala kong tanong. 

"What do you think?" tanong nito mula sa kanilang linya. "Ash gray na lang," sambit ko. 

"Ok, I have to go, bye," sambit nito at pinatay na ang tawag.

"Wow, asawa ka friend?" malokong sambit ni Blace habang nagbubuhat siya ng mga damit.

"Gaga magkaibigan kami gaya ng dati ok na ako no to love" sagot ko sabay buhat ng box ng damit at pinasok sa office ko.

"Baka mamaya mahulog ka ulit." biglang seryoso nitong sambit. 

"Hindi na si Milo lang sapat na sa akin," tugon ko. 

"Ok," tumatango-tango nitong sambit, "Kanina pa tunog ng tunog yang cellphone mo, dami naman atang nagtetext sayo nitong mga nagdaan araw," pagiiba ko ng usapan, napapansin ko kasi laging tumutunog phone niya.

"Oo, madaming kapre ang nagtetext sa'kin." iritable nitong sagot.

"Ay si Cj 'yan? hahaha," agad sumilay ang ngiti sa aking labi ng marinig iyon, si Cj naman pala eh hahaha.

Dahil hindi makaalis sa trabaho sa text na lang kinulit si Blace, aba iba ka talaga Cj. "Mommy mommy," tawag sa akin ni Milo kaya agad ko siyang nilapitan 'don sa sofa.

"Why baby?" tanong ko. "Mmmm," sabay turo niya sa toys niya na nakalinya sa harap niya.

"Wow, galing naman ni Milo namin," sabi ni Blace ng mapansin ang tinuturo ni Milo, napangiti naman ako kay Milo dahil doon at binuhat siya, kiniss kiss sa tiyan niya para makiliti siya ng konti, tawa lang siya ng tawa.

Medyo bumibilis na lumalaki si Milo, kaya medyo nalulungkot ako parang dati lang ang liit-liit niya lang sa bisig ko, ngayon nakakapaglakad na ang baby ko at nagsasalita na ng konti.

"Ma'am, may bisita po kayo sa labas papasukin ko na po ba?" sabi ni Adine sa'kin tumango na lang ako sa kanya bahang inaayos ko ang nagulong damit ni Milo dahil kiniliti ko siya.

"Cherry, iha," its tita Mikka. "Tita, kumusta po," nalaki ang aking mga mata ng makita siya, agad akong lumapit sa kanya at yumakap bago binigay si Milo sa kanya.

Nong nakaraang linggo din dumalaw dito si tita na para bang sobrang lapit lang ng Manila dito sa Palawan, gusto niya daw kasi makabonding si Milo ng mas madalas.

Tita Mikka is so kind hinayaan niya ako sa desisyon ko at sinusupportahan at ginagabayan niya ako, hindi nya rin sinabi kay Survey ang tungkol kay Milo dahil naniniwala siya may tamang panahon daw para malaman ni survey ang tungkol kay milo at alam niya daw one day ako ang magsasabi non kay Survey.

Pero siguro matagal pa 'yon, I let her play with Milo all day, and it's a good thing kasi mas napabilis ang trabaho dahil di ko masyado iniisip si Milo.

Maagang nagpaalam si tita dahil may pupuntahan daw siyang amiga sa isang resort dito sa Palawan kaya umalis na din siya babalik daw siya next month dito.

We went home, after work at guess what, hindi pa 'rin tumigil kakatunog ang cellphone ni Blace kaya pag kadating sa bahay iniwan niya ang cellphone niya sa sala, at umakyat sa kwarto niya. Ganun din ako pero sa kwarto ko ako pumasok para ilagay si Milo sa higaan dahil tulog na naman ang bata.

Lumabas ako sa kwarto para sana kumuha ng tubig ng marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng laptop ni Blace at--- "Ahhh tangina! Kailan ka ba titigil!!!" napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Blace, buti na lang hindi madali magising si Milo. Bumaba na ako papuntang kusina ng pailing-iling sa tuwa dahil nacucutan ako kay Cj at Blace apakaLAKAS talaga ni Cj, hahahaha...





OVERLY CRUEL(Purely Unedited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon