Chapter 15

26.7K 438 1
                                    

Ito na po yung PAMBAWE KO Please Enjoy ;)

VOMMENT IF YOU LIKE THIS CHAPTER THANKS FOR READING ^^

Chapter 15

Shella's Pov

"Hindi kayo ang t-tunay na magulang ko?! at alam ni Damon yun?!" Naiyak na si Mama, Pwede ko pa nga ba siyang tawaging Mama? 

"A-anak alam kong nagkamali ako pero nung labing apat kana naisipan kong ibalik kana sa natitirang kapamilya mo dahil wala kana mang kinalaman pero ang sabi ni Damon ay hindi maari ang sabi pa niya noon"

"Ibabalik ko lamang si Shella sa kanila kapag pumayag na ang lola niya na pakasalan ako ni Shella kaya hindi pa maari!"

"Napakawalang hiya niya talaga noh!"

"Bumalik kana sa kanya Shella"

"P-Pero"

"Nais ka na niya makasama matagal na niyang gusto yun pero iniisip niya pa ding gusto ka namin makasama aamin ko na yun Anak pero siya mismo ang nagbilin na wag kaming mapalapit sayo,Anak ayos lang lang kami ng ama mo bumallik kana sa kanya Labing apat na taon ka niyang hinintay"

"Pumayag na po siya na nandito ako kasama kayo"

"Anak papatayin niya kami kapag nanatili ka sa amin!"

"Ma alam kong papatayin din niya kayo kahit na wala ako dito may listahan siya ng papatayin niya Ma!"

"'Nangako ka dati hindi ba? Na sasama ka sakanya kapalit namin? Totoo yun anak alam namin ang listahan niya sinabi na niya sa amin yun kaya wag na daw kami makigulo pa kung hindi saka niya kami papatayin ng papa mo"

"P-Po?"

"Araw araw binibisita kami ni Robert dito kung ano ba ang ginagawa namin at kung may plano ba kami lahat ng bagay na nakikita mo dito ay pera ni Damon ginawa niya yun kapalit ng pagbigay namin sayo at  hindi na pangugulo pa sa inyo anak may totoo ka pang pamilya ibabalik ka ni Damon sa kanila""

"Wala siyang planong gawin yun Ma! sa iyo ko lamang nalaman ang lahat ng iyan!"

"Anak pabago bago ang isip ni Damon marahil kaya ka pa nandito ay dahil gusto ka niyang mahismasan nasabi niya sa amin dati na ayaw ka niyang nakikitang umiiyak dati"

"M-Ma"

"Sige na anak tatawagan ko na si Robert"

"Pero po!"

"Anak ligtas ka sa kanila bumalik ka na ayos lang kami at kung patayin man niya kami tangggap na namin siguro kabayaran na iyon sa nagawa namin ng papa mo masama ang gumanti anak Masama ang magtanim ng galit Hayaan mong linisin ang lahat ng sakit sa puso mo subukan mong pakingan si Damon wag mong hayaan na lamunin ka ng Takot at Galit anak kaya ng ginawa namin ng ama mo at sana mapatawad mo pa kami"

Natahimik na lamang ako at tinawagan na ni Mama si Robert mukhang agad sinagot ito ni Robert

"pakisundo na siya....Oo robert sasabihin ko"

"Parating na siya anak si Robert lasing daw si Damon at nagwawala sa bahay anak pakiusap intindihin mo na lang siya mahal na mahal na mahal ka lang talaga niya"

Lumipas ang oras at dumating na si Robert

"Pasensya na Robert sabihin mo kay Damon ibinabalik na namin si Shella"

"Sige po halika na Maam Shella"

Niyakap ko na lamang si Mama

"Alam ko pong nagawa niyo lamang yun dahil sa anak niyo naiintindihan ko po kayo paalam Mama"

Sumakay na kami sa sasakyan ni Robert at nagmaneho na ito

Hay heto ako at babalik sa kanya hindi ko na maintindihan si Damon hindi ko maintindihan ang sitwasyon ang tadahana at maging ang sarili ko hindi ko na maintindihan

Hindi ko namalayan na nakarating na kami kung hindi ako ginising ni Robert nakatulog pala ako

Nang papasok na ko sa kwarto ko ay napansin kong nakaawang ang pinto ni Damon ibinaba ko muna ang bag ko sa kwarto ko at sinilip si Damon iyak ito ng iyak sa isang sulok at nagkalat ang bote at mga gamit 

Dahan dahan ko itong nilapitan at ng makalapit ako dito ay napansin ko ang larawan ko na kasama sina Mama at Papa pareho may ekis ang mukha nila... P-para saan iyon? Siya naman ang nagkusa na ibigay ako kayla Mama kanina diba?

Damon ano ba talaga ang nangyayari sayo

ThanksforReading^^ TO BE CONTINUE! ;)

You're A DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon