Pinagalitan ako ni mommy noon nung pinakilala ko si Nemlear bilang kasintahan ko. Harap harapan sinabi ni mommy saamin ni Nemlear na hindi siya boto dito at pinagalitan niya ako kasi bakit ko daw binitawan ang isang Kyril, take note sa harapan pa ni Nemlear niya pa ito sinabi.

Kaya hindi naging maganda ang relasyon ni Nemlear sa pamilya ko.

Pag siguro nalaman nilang inaya ako ni Nemlear na mag pakasal talagang ilalayo na niya ako kay Nemlear. Mag hahanap ito ng paraan para mag hiwalay kaming dalawa ni Nemlear.

Sayang daw ang isang Kyril sabi ni mommy saakin, yung Kyril na mismo ang lumapit saakin pero binitawan ko pa. Napailing nalang ako sa naisip ko ngayon.

"I heard other department is stress right now."

"Why?"

"Because of the Kyril, I don't know what happen pero kasama ito ni Miss Ariel ngayon mag observe"

"Sana naman hindi siya mag observe saatin ngayon"

"Ehem" agaw ko sa mga atensyon nila, napatayo naman sila at bumati saakin.

Andito ako ngayon sa Science Department.

May lumapit saakin at binigay saakin ang monthly report nila.

"I'll attend your class, surprisingly so be ready" tipid akong ngumiti sa mga professor na nag usap kanina.

Nakita ko naman ang pagkagulat at pag aalala sa mga mukha nila pero hindi ko na ito pinansin.

Lumabas naman ako sa opisina at dumiretso sa ibang department.

-

Pagkatapos ko kunin lahat ng monthly report nila, agad naman akong bumalik sa main building, nag usap kami ni Nethon na dito nalang kami mag kita kung tapos na kami.

"Dad" agaw ko sa atensyon ng daddy ko, napatingin naman ito sa gawi ko at agad ngumiti.

"Achelois baby"

"Hey how are you?"

"I'm just fine, I heard Nethon is here, bumalik na pala ito?"

"Yeah, nagkita kami kanina sa entrance, gusto niya lang gumala pero tinulongan niya ako."

"Oh? nasan na siya ngayon?"

"Hindi pa tapos, masyadong seryoso sa trabaho niya. Alam mo ba dad narinig ko ang science instructors na na stress na daw yung ibang department dahil sakanya"

"Sigurado akong may napansin si Nethon ngayon, he's a Kyril"

"But he's not into business"

"Kahit naman kasi ganon, nasa dugo na ata nila yung magaling sa negosyo eh at puro sila kung mag trabaho. Kaya siguro stress na yung ibang department, dahil para kay Nethon mali yung ginawa nila"

"Even the administration, pinagalitan niya, dahil sa feedback tungkol sa university"

"Yeah, wala naman kasing mag fefeedback kung hindi mo sasabihan o pipilitin" nagkibit balikat naman ito.

"ah yeah right, hindi mo ba kami namimiss anak?"

"I miss you all ofcourse, bibisita ako pag may oras promise"

"Bring Nethon, siguradong masisiyahan mommy mo kung dadalhin mo siya"

"Bakit naman dad? we're not that very very close"

"Alam namin close kayo wag mo ng ipagkaila"

"Yeah whatever"

"How about Nemlear? are you still with him?"

"Dad he's a good guy, hindi niyo po ba nakikita?"

"I don't know, wala naman kasi akong sinabi, yung mommy at kuya mo lang naman ang ayaw sakanya"

"Bakit kayo boto ba?"

"I don't hate him for you but I don't like him for you either, it's just whatever it's your life"

Isang oras din kaming nag usap ni dad ng kung ano ano.

"Good Evening I guess?"

"Oh Mr. Kyril your here"

"Yeah, I'm sorry for waiting" lingon naman nito saakin.

"May lakad ba kayo?"

"Ah? yes dad"

"Okay go ahead, enjoy the night" ngumiti naman si dad.

"Let's go?" tumango nalang ako kay Nethon at sabay kaming lumabas sa main building.

"I'm sorry for making you wait, I have some little discussion to some so yeah"

"Masyado ka atang seryoso ngayon?"

"I love it"

Sumakay naman ako sa passenger seat at sumunod ito.

"Let's go!" masaya nitong sabi.

-

"Bakit nasa cafe tayo?" andito kami ngayon sa isang cafe pero andito padin kami sa daan papuntang night market.

"It's too early"

"Early pa ba to sayo?"

"I don't wanna go home early Caraquel" masungit nitong sabi saakin.

Ayan na naman siya, bumalik ulit ito sa pagiging masungit saakin. Five years ago ang huli niyang pag susungit saakin.

Napangiti naman ako dahil sa alaalang dumaan sa memorya ko. Kung nag susungit ito ibig lamang sabihin mabilis ko itong mapikon?

Bumaba naman ako at sinundan ko siya. Nakaupo lang ito sa malapit na bintana. Agad naman akong umupo sa kaharap na bakanteng upuan.

"Why so grumpy so sudden?"

"It's nothing"

"Thank you for helping me by the way"

"Let's go together tomorrow?" aya naman nito, sa utak ko napangiwi nalang ako ng maalala ko si Nemlear.

"Andiyan si Nemlear eh" ngumiti naman ito na parang mapait o ako lang? nag iimagine lang ako?

"How long you've been with him?"

"3 years"

"Oh? he's been like that in 3 years?"

"Ano ibig mong sabihin?"

"I know being in relationship is being together but not all the time, everyday, even I, I'm tired of seeing him everyday" bagot naman nitong sabi.

"Good evening sir and ma'am may I take your order?" singit naman ng isang waitress sabay abot saamin sa menu.

"Just give me black coffee" mabilis nitong sagot.

"How about you ma'am?"

"Chocolate shake and one slice of banana cake will do"

Umalis naman ito kasama ang menu pagkatapos niyang makuha ang order namin dalawa.

"Nemlear is not that clingy actually, hinahatid sundo niya talaga ako pag pupunta ako ng university, as if your not makulit din nung nakaraan" bulong ko sa panghuling sinabi ko pero alam kong narinig niya ito kasi lumingon saakin ito na may kunot sa noo.

"I'm not"

"Yeah nasasabi mo lang yan dahil wala kang alaala" umirap pa ako pero sinulyapan ko ang naging reaksyon niya nang sabihin ko yun.

Pikonin and Supladong Nethon is back, losing your memory is not bad at all.

His Secret Affair ✔Where stories live. Discover now