Pakiramdam ko may nangyari sakanilang dalawa pero hindi nila sinasabi sakin. Hindii bale na, mas kailangan ko magfocus sa trabaho ngayon kesa sa problemahin ang problema nila matanda na silang dalawa. They can handle things on their own.

"Cherry, may nakasched kang meeting with Miss Cruz mamayang 4pm ah, wag mong kakalimutan," speaking of Blace kakapasok n'ya lang ng office habang dala-dala ang panibagong stocks ng belts ng clothing line.

"Bakit ngayon mo lang sinabi 3:30 na, Blace naman!" kailangan ko pang magdrive papunta doon kay Milo.

"Sorry na, busy din ako sa mga kakadating na stocks natin eh," sagot niya habang inaayos isa-isa yung mga belts.

"About saan nga pala ulit pagmemetingan namin?" tanong ko habang inaayos ang bag ko para makaalis na rin ako kaagad.

"Hindi ko alam eh, basta tumawag siya for meeting siguro about sa summer issue," sambit niya habang hindi pa rin siya tumitingin sa akin at busy sa ginagawa niyang pagbibilang.

Ganyan si Blace masyado siyang hands on sa trabaho natatakot na nga ako baka hindi na talaga to mag-asawa eh.

"Sige pala, I'll go na si Milo ahhh patulugin mo na agad 7:00 pm, ASAP, ok baka gabihin ako," I said, as I leave the shop and Nagdrive na papunta kay Miss Cruz.

As I enter her office nakita ko agad si Miss Cruz na may kausap sa phone ng makita niyang andito na ako, nagpaalam na siya sa kausap niya at nilapitan ako.

"Miss Villaruel, buti pumunta ka, I want you to meet my friend from London his one of our partners too," she said with a big smile and pointed to the right side of her office which is I didn't give attention to a while ago, may tao pala dito.

As I turn my side to look at it-----

"Hi, miss Villaruel."

Oh my! I gasp and stiffed immediately. Hindi to' totoo, talaga bang pinaglalaruan mo ako tadhana!!!?

"Siya yung sinasabi ko sayo na makakapartner natin sa soon to open kong branch sa Manila, diba, I've informed you about this last week and buti nalang nagkaroon siya ng business vacation dito sa Palawan and we'll get the chance to meet him. He is the CEO of DLM Corporation," masayang pagpapakilala ni Miss Cruz.

Yes, Miss Cruz kilala ko siya, kilalang kilala. I still manage to smile at him and pretend that I wasn't that scared by his presence, but it's the opposite of my situation inside my whole system.

Ito ang pinakahuling hiling kong pweding mangyari sa buong buhay ko ang makita siya muli, at magtagpo ang aming landas.

"Hi," huh? Anong hi Cherry bakit hi? Mukhang tanga ka naman eh, I hissed at myself.

"Have a seat, you two and let's talk about the partnership," nakangiting umupo si Miss Cruz sa single sofa niya at ako naman umupo sa katapat na sofa ni Survey.

Buong akala ko matatahimik na ang buhay ko pero ito ako ngayon nakatapat ko ang taong ayaw kona sanang makita pa kahit kailan.

Buong meeting salita ng salita si Miss Cruz at sinasagot naman siya ni Survey, mukhang medyo matagal na din sila magkakilala kasi ang casual lang sila magusap at ako naman tango-tango lang para may maiambag at iniiwasan ko din yong mga tingin na binabato ni Survey sa akin.

Bakit hindi pa siya bumalik sa London at sa lahat ng pwedi niyang I-business vacation dito pa talaga sa Palawan ah. Napaka bait talaga ng tadhana sa akin ano simula pa noon talaga !!!

"Ok, it's a deal Jace, Miss Villaruel are we fine with the deal?" tanong ni Miss Cruz, agad naman akong tumango at ng tumayo si Miss Cruz agad ko din kinuha ang bag ko, ready na ako makaalis dito sa lugar na ito ngayon na.

"Miss Villaruel----," hindi ko na hinintay yung sasabihin pa ni Survey, alam ko naman kasi natatawagin niya ako. Kaya mabilis akong nagsalita at inunahan siya.

"Ah Miss Cruz, Mr. Del Mundo I have to go, emergency," sabay pakita ko ng phone ko kung saan makikita ang text notification ni Cj.

Umalis na ako kahit hindi naman talaga emergency iyon, tinatanong lang ako ni Cj kung anong nauna kung manok daw o itlog sira ulo talaga gago, but thanks to him I was saved.

Pagdating ko sa parking lot sumakay agad ako sa jeep wrangler ni Blace and started the engine pero---

Putik kung minamalas ka nga naman oh, talagang sinasagad ni tadhana.

Bakit ba nakalimutan kong mag pa gas ahhhh!!!

Paano na ako nito ilang kilo metro pa ang layo ng gas station, tinatawagan ko si Cj pero ang loko busy may kausap din ata sa phone niya.

"Any problem?"

"Ay palaka," agad akong humarap sa likod ko ng may magsalita. "Ay sorry...." sambit ko na lang at tinawagan si Blace.

"Hello?"

"Blace bakit hindi mo sinabi na kailangan ko pala magpagas?" bulong ko para hindi marinig.

"Nakalimutan ko pasensya na gusto mo ba sunduin nalang kita d'yan," sagot niya, loko ba siya sinong kasama ni Milo kung aalis siya.

"Wag na magtaxi na lang ako at balikan ko nalang tong jeep bukas ng umaga sige na don't worry pauwi na ako," at pinatay ko na ang tawag maghahanap nalang ako ng taxi.

"I'll give you a ride Milk," he said.

Agad akong napalingon sa kanya nandito pa 'rin siya?

"Ano kasi magtaxi na lang ak------," wasn't able to finish my word when he instantly speak.

"I don't accept no for an answer." he seriously said.

I'm dead!




OVERLY CRUEL(Purely Unedited!!!)Where stories live. Discover now