"Girls tama na yan." - Hazel said

Tinignan ko si Jeniel, hindi sya makapag-salita umiiyak lang sya habang nakayuko. Wait? Bakit parang may iba? Mga palaban 'tong babae to eh, hindi sila papayag na saktan lang ganun?

"Dont worry Jeniel, may cctv footage dito, kitang-kita dyan kung paano ka sinaktan ng babaeng 'to."- sabi ni Sarrah kay Jeniel habang nakatingin kay Elisha.

Halatang nagulat naman si Elisha, napatingin rin kami sa cctv. Tsk! Siniset-up ba kami nila Sarrah?

"Tignan ko lang kung hindi ka parusahan sa ginawa mo, Elisha." - pagkasabi nun ni Sarrah umalis na rin sila sa harap namin.

Nagka-tinginan kaming apat, tapos tingin kami sa paligid.

"Walang ng palabas kaya umalis na kayo!"- sigaw ni Ami sa mga ilang students dito, nag si-alis naman agad silang lahat.

"Paano yan? May cctv at kita doon na sinaktan mo si Jeniel."- Hazel said

"May kutob ako."- i said

"Kutob?"- Elisha ask

"Oo. I think sinadya nila na gawin mo 'yon kay Jeniel para may mapakita lang dyan sa cctv."- i said

"Wait, you mean sinet-up nila tayo? Ibig sabihin mapaparusahan talaga si Elisha?"- Ami ask

"Baka?"- Hazel ask

Hays!

"Tss, wala akong pakielam! Alam ko namang ako parin ang papanigan ng school no."- Elisha said, kunwari matapang pero halatang kinakabahan na 'yan.

"Pero anak ng bagong president ng school si Sarrah, next time mag-ingat na tayo. Mahirap silang banggain."- i said

Napahinga nalang sila ng malalim at tumango. Pagpunta namin sa classroom napatingin agad ako sa upuan nila Raven, wala pa pala sya. Papasok kaya sya? Tsk.

_____________________________

Hanggang sa nag-breaktime wala parin si Raven, nakatitig lang ako sa phone ko. Iniisip ko kung tatawagan ko ba sya o huwag nalang? Hays!

"Hello guys!"

Napatingin kami sa pinto, si Cristina. Pansin ko rin ang pag-iwas agad na tingin ni Hazel.

"Hon!"- lumapit naman agad si Cristina kay Jerome.

"Tara na kumain na tayo."- aya ni Hazel bigla

"Tignan mo yang si Cristina, halata namang walang gusto sa kanya si Jerome pero pinipilit parin nya sarili nya."- Ami said

"Psst wag kang maingay."- saway ko

"Eh totoo naman kasi."- Ami said

"Ano kaba Ami syempre mag-fiance silang dalawa. And i think matututunan rin mahalin ni Jerome si Cristina because mabait naman sya."- Elisha said

Tumingin ako kay Hazel tahimik lang na nakatingin sa hawak nyang libro.

"Girls sabay na kayo sa amin kumain."- lumapit sa amin si Cristina.

"Ah hindi na."- sagot agad ni Hazel

"Sumabay na kayo, kailangan rin nating mag-usap, Garnett."- Jerome said

Na-curious naman ako, kaya sa bandang huli pumayag rin kaming apat na sumabay sa kanila kumain sa canteen.

Habang kumakain tahimik lang ako at tumitingin-tingin sa phone ko, nag-aantay parin ako ng tawag or message mula sa kanya.

Love GeniusWhere stories live. Discover now