I averted my gaze and tried to comfort her. Hindi ko talaga kayang makita na umiiyak si Mommy. Sobrang sakit... mas doble pa sa nararamdaman niya ang nararamdaman ko kapag nakikita kong nahihirapan siya at umiiyak dahil lang sa lalaking hindi pinaparamdam ang worth niya.

Naalala ko noon, doon ako nangako na hindi ko gagayahin si Daddy. Kapag may mamahalin akong babae, ipaparamdam ko sa kan'ya na kamahal-mahal siya, na siya lang at hindi ako maghahanap ng iba.

"You are worth it, Mommy. Si Daddy lang po talaga ang may problema... at hindi niya 'yon makita sa 'yo. Sorry, Mommy, I promise, ikaw palagi ang pipiliin ko sa lahat. Aalagaan po kita at ipaparamdam sa 'yo kung gaano ka namin kamahal ni Ate."

I hugged my Mom tightly and whispered 'I love you'. My mom is my everything. Mahal na mahal ko siya dahil kitang-kita ko mula noon kung gaano siya nahirapan na alagaan at itaguyod kami nang walang pag-aaruga ni Dad.

And it is already enough for me. Her love is already enough.

Kaya akong buoin ng pagmamahal ng nanay ko.

Kaso ang lahat ng iyon ay nakalimutan ko nang biglang mag-aya si Sheal papunta sa kaibigan niya raw. Akala ko, simple lang pero hindi ko alam... 'yon pala ang magbabago ng takbo ng aking mundo.

"Melanie invited me. Sabi niya, puwede raw ako magsama roon. Sama kayo! Mga chix kaibigan ni Melanie!" Sheal said, one of my friend.

"Are you sure? If that's the case, then let's go!" Damien muttered.

"Oo, lalo na si Vena, gago! Cute na maganda 'yon. Puwedeng maging cute tapos maganda pa."

"Hoy, kilala ko 'yan! Si Venus ba? 'Yong pambansang planet sa youtube? Sikat 'yon! Ganda nga no'n, e. Hanggang titig lang ako sa picture!" Singit ni Gener sa kanilang usapan.

Ako, nakatingin lamang sa aking iPad, hindi alam ang kanilang pinag-uusapan. Basta nakita ko na lang na nasa bahay kami ng kan'yang kaibigan na si Melanie. Hindi ko alam kung paano nila ako napapayag... at mas lalong hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang titig ko sa sinasabi nilang si Vena.

"Fabian? Who's yours?" I heard Sheal's voice. Tinatanong ako kung sino ang gusto kong i-partner sa laro na pinasimuno no'ng Melanie.

Parang naibalik ako nito sa reyalidad. Paulit-ulit akong napakurap at hindi alam ang sasabihin. Nakatitig lamang ako kay Vena na hindi nakatingin sa amin. She's busy looking at her phone. Doon pa lang, halatang maraming ka-text.

Kung ako 'yan, tatadtarin ko 'yan ng text. Magkukulit ako palagi para sa akin lang atensyon niya.

"Well, can I have Vena? I want her to be my partner in this game." I said confidently.

I chose her to be my partner in this game becuse she looks sad, parang hindi siya nakakangiti and that time, I feel like I wanna make her smile.

"Do you really want to sleep with me in the same bed?"

"W-why? It's okay naman, ah! Melanie and Sheal were sleeping together!"

Napahilot ako sa aking sentido sa tigas ng kan'yang ulo. Lahat ng gusto niya, pinipilit niya. Kanina lang ay sinundo ko siya sa kan'yang unit dahil required sa laro na 'to na dapat magkasama sa iisang condo ang nag-partner. Hindi ko alam kung bakit naisip 'yon ng kaibigan niya... but I find it very interesting.

Nagtataka ako kung bakit hindi ko siya kilala... gayong sabi nina Gener, famous si Vena. Tinukso pa nga nila ako no'ng si Vena ang pinili ko.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now