❛ seven ❜

3.8K 143 32
                                    




This day sucks because I have a lot of things that I need to finish; maglalaba, mag-aaral, manonood ng movie, magtutupi pa tapos huhugasan ko 'yong plate na pinagkainan namin ni Fabian. I heaved a sigh. Gusto kong maiyak kapag naiisip ko 'yong mga gagawin ko tapos hindi ko pa natatapos 'yong pinapanood ko sa netflix.

I sipped at my tea and started typing something on my macbook. Kanina pa ako hindi nakakalabas dahil tinatapos ko pa 'to. Kapag natapos naman ako rito, magpapa-laundry ako ng damit pero puwede rin naman na ako na lang para dagdag points kay Fabian. Pakitang tao muna, kunwari wife material. Jk.

Nag-unat ako at napahikab. Niligpit ko ang mga papel at nilagay sa stationary pencil case ang mga ballpens ko. Kumuha muna ako ng white na clip at nilagay sa magkabilaan kong buhok bago lumabas.

Nakita ko si Fabian na nakaupo sa couch, nagtutupi ng mga damit. Nanliit ang mga mata ko dahil pamilyar ang mga tinutupi niya. Mabilis akong lumapit sa kan'ya at inagaw ang hawak niya. Uminit ang pisngi ko nang makita kong damit ko 'yon at mayro'n pang nakalapag sa coffee table na mga panty at bra ko.

"What are you doing?" Nanginginig ang aking labi dahil sa hiya.

"Tinutupi ko ang mga damit mo," he answered. "I know that you were tired so I washed them while you're busy."

Nasapo ko ang aking noo. I bit my lower lip. I heaved a sigh. I don't know what to say. He is so stubborn. Ang hirap makipagsabatan dahil lagi siyang may rason, lagi siyang may rebutt.

"You don't have to do that." I said softly. "Mas busy ka pa kaysa sa akin. Why are you doing this, Fabian?"

"Kaya kong gawin 'yon mamaya, Vena." He looked away and started playing with his fingers.

Mas pinatatag ko pa ang damdamin ko at hindi nagpatinag sa pagpapa-cute niya. Pinagdikit ko ang aking dalawang kilay para makita niyang galit na galit talaga ako.

"Kaya? Nagpupuyat ka para gawin 'yon! Tulog ako, samantalang ikaw gising ka pa rin, busy sa kagagawa ng mga plates mo! Sinasantabi mo mga priorities mo para lang gawin 'yong mga bagay na dapat ako ang gagawa?" Halos pasigaw kong sabi sa kan'ya.

I am fuming mad. He can't just do my duties just because I am tired! Parehas kaming pagod dito at may ginagawa! Ayaw kong maging dependent sa kan'ya because everything is just temporary. Hindi ko nga alam kung hanggag kailan siyang nasa tabi ko.

"Because I can do it and I know that you are tired. . ." Humina ang kan'yang boses.

"I can do it, too, Fabian!"

"But you are tired..." Lumambot ang kan'yang boses nang tingnan niya ako.

"You are tired, too! Mas pagod ka pa kaysa sa akin!"

"Hindi ako napapagod kapag 'yong ginagawa ko ay para naman sa 'yo, Venus," he said, almost a whisper.

And his words made me stop from talking. Bumilis ang aking paghinga. Napahilamos ako sa aking mukha at matalim siyang tinitigan. Okay, fine, he did it for me, pero may mga bagay na dapat niyang gawin! Hindi puwede na ako 'yong inuuna niya!

"Why are you doing this?" Mariin kong tanong.

"Because you are my responsibility," he sighed. "You are living in my condo and I am being a good friend here."

"Dapat nga ako pa ang gumagawa niyan dahil ako ang nakikitira sa condo mo! Fuck, Fabian, huwag ako ang unahin mo! Unahin mo ang pag-aaral mo, ang pangarap mo!"

I heard from his friends that he's a dean's lister. He's a dean's lister for 4 consecutive years in their school. After knowing that, I feel like I am a proud parent after knowing a little details about him.

"Why are you so mad about that? Nagtupi lang ako ng mga damit mo, hindi no'n mawawala 'yong pag-aaral ko."

I rolled my eyes. Siya 'yong tipo na hindi nagpapatalo sa argument. Kapag nagsalita ako, may masasabi at masasabi pa rin talaga siya. Inirapan ko ulit siya at pinaandar ang TV. Manonood na lang ako para maibsan ang nararamdaman ko.

"Here," nakita ko sa gilid ng aking mga mata na may inabot siyang plate sa akin. "I cooked a fries for you." Saad niya at inabot din ang isang baso na may lamang honey lemon juice.

Nilapag niya sa coffee table ang pagkain. Hindi ko siya pinansin at tinuon ang aking atensyon sa pinapanood. I appreciate his efforts, okay? Pero hindi naman na tama 'yong mga ginagawa niya, na lahat ay ginagawa niya para sa akin.

And we are just partner in this game. I am just his partner, na dapat makuha niya ang loob ko, kapalit ng forty thousand pesos.

"Please don't be mad at me..." He whispered. "I can't bear to see you mad at me," lumambot ang kan'yang boses.

Pilit kong pinapatigas ang emosyon ko. Halos mapudpod na aking pang-ibabang labi sa riin ng aking pagkakakagat. Tumalim ang tingin ko sa TV dahil sa pagpipigil sa pag-outburst ng aking emosyon.

"Beads of sweat rolled down on your face when I entered our room. You looked like you are in the verge of your tears while busy writing on your paper. Your hair's in a mess. Kitang-kita ko ang pagkataranta mo, so I thought of washing your clothes because my Venus is really tired from working his school papers," he said softly.

I gritted my teeth, wala na, nagiba na niya 'yong wall na ginawa ko between us. Wala na talaga. Lumalambot na 'yong puso ko.

"Are you going to eat now?" He asked me, using his little voice.

Tumango ako at ngumiti. Kinuha ko ang fries na nasa coffee table at nagpatuloy sa panonood. Nasa pagitan ako ng kan'yang hita. He's playing with my fingers while watching the movie that I played a while ago. He chuckled when he felt my skin against his hands.

Sandali niyang binitiwan ang mga kamay ko at nakarinig ako ng kaluskos. Ilang minuto ang lumipas, may inabot siya sa aking dutchmill, nakatusok na ang straw.

"Where did you get that?"

"I have a mini fridge but you don't know where. Doon nakalagay lahat ng yakult, delight, dutchmill mo para hindi mo makita. Baka ubusin mo nang wala sa oras," tumawa siya at hinawakan ulit ang aking kamay.

I feel flattered because he is treating me right. At least, he makes me happy. I know that he's doing his best to make me smile. I don't know what his reasons, but at least, I know that he wants to see my smiles.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon