❛ eleven ❜

3.6K 138 27
                                    




I feel like I am in my imagination or in my dreams because of his confession. Parang hindi kapani-paniwala dahil nagbigay ito ng libo-libong emosyon na hindi ko pa nararanasan noon. Ito 'yong feeling na sobrang saya, 'yong saya na kahit sino'y walang makakagawa sa 'yo nang gano'n, and I felt it in Fabian's arms. He is my ideal of how a man should be.

Well, please remind me to thank Melanie for this.

"Devi invited us in their house," I said as I smiled sweetly to him.

He rested his head on my lap while playing games in his phone. Kanina pa siya abala sa kan'yang nilalaro. I stroked his hair and smiled a bit. The falling game is already over for the both of us. He honestly told me that he's not lying about his feelings. Ayon na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ngayong taon na 'to.

"I know, Vena," he answered, nasa phone pa rin ang mata. "Damien texted me pero hindi kita masasamahan. I have classes."

After that scenario, hindi pa namin napag-uusapan ang relasyon namin dahil knock-out na talaga ako. Sa sumunod na araw, hindi rin napag-uusapan dahil busy kami parehas sa school.

"Alam mo pala, e. Get up," malambing kong sambit.

He turn-off his phone and putted it on the side table. Namumungay ang kan'yang mga mata nang mapaupo siya. Nakaharap siya ngayon sa akin at titig na titig sa mga mata ko.

"Would you please wear my statement shirt? Gusto ko nang naaamoy ko ang pabango ko sa 'yo." Malalim ang kan'yang boses.

I smiled, then nod. Gustong-gusto ko rin naman na sinusuot ko ang kan'yang mga damit. Hindi ko alam kung bakit ang gaganda ng mga damit ng lalaki.

He stood up and went to his closet. Siya ang namili ng susuotin ko na pang-itaas. Gusto kong mag-short dahil sobrang init. I tied up my hair into a messy bun. Sobrang init. Parang pinaparamdam ni Satanas kung ano'ng buhay ba ang mayro'n sa impyerno.

"Text me, okay?" He patted my back before kissing me on my forehead.

My heart beats faster. I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Bago pa siya makapagsalita ay umalis na ako nang hindi nagpapaalam sa kan'ya. Kahit no'ng makarating ako kina Devi, ramdam ko pa rin ang bilis ng pintig ng aking puso. Habol ko rin ang aking hininga.

"Oy, 'yong bb guRL natin," nang-aasar na sabi ni Devi nang makita ako.

Bumeso ako sa kanila at ngumiti. I sat between Bella and Devi. I looked around to find Fabian's friends pero mukhang wala sila rito. Binaling ko ulit ang aking atensyon sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa akin, halatang nag-aabang nang iku-kuwento ko.

"Fifty thousand," I gave the cash to Melanie. Tinanggap niya 'yon at nilagay sa kan'yang bag.

"Hoy, wait–" Parang doon lang napagtanto ni Melanie ang ginawa ko.

"Bakit fifty thousand?! You mean–" Si Melanie na gulat na gulat.

I smiled gracefully while looking at them. Nagyayabang ang aking tingin habang naka-chin up. "Yes."

Sabay-sabay akong tinulak ng mga kaibigan ko. Nagsitilian sila at parang hindi alam kung ano'ng ipapakuwento sa akin. Ngiting-ngiti sila habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon