❛ nineteen ❜

3.6K 119 27
                                    




"Mom knows about us already. Sa susunod na araw ko na makikita 'yong Mommy ni Fabian!" I said happily.

Actually, I already have a dress for that day. Hinanda ko na ang lahat; kung ano'ng look ko, kung ano'ng hairstyle ko, kung ano'ng gagamiting kong heels, at kung ano ang tali ko. I am serious about this, kaya dapat unang kita pa lang niya sa akin ay ma-impress ko na siya. You know, first impression lasts.

And it is Fabian's Mom. Dapat makuha ko ang puso niya dahil mahal na mahal ni Fabian 'yon and of course, no one can resist Venus Ocampo. Ako ba pa ba?

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na nakarating na sina Tita Vali. Sana man lang binilhan ko siya ng gift," wika ni Devi habang nine-nail polish ang kan'yang kuko.

"Oo nga, nakaka-miss si tita," sambit ni Melanie.

"Duh, puwede naman tayong mag sleep-over sa kanila mamaya."

"Bawal," agaran kong sagot. "May lakad kami ng boyfriend ko. Hindi agad ako makakauwi."

"Ay, wao, boyfriend 'ko'."

"Ati, walang aagaw sa boyfriend mo, 'ti," nang-iirap na tugon ni Melanie.

"Talaga! Hindi naman kayo papatulan ni Fabian, e. Sa mukha niyong 'yan?"

"Luh, gago ka, ah," umangat ang tingin ni Devi sa akin at pabiro akong tinutukan ng nail cutter.

Inirapan nila akong tatlo at nagkan'ya-kan'ya. May sarili silang pinagkakaabalahan, at ako rin naman. Kanina pa ako tine-text ni Fabian dahil ngayon kami magva-vlog. Susunduin niya ako mamaya rito sa bahay nina Bella.

A few hours later, nag-text ulit si Fabian na nasa baba na raw siya. Dali-dali kong kinuha ang aking bag at inayos ang tali kong half ponytail. Pinagpagan ko ang aking sarili at tiningnan ang mga kaibigan kong pare-parehas na nakataas ang kilay sa akin.

"And'yan na 'yong boyfriend ko sa baba," I smirked, diniinan ko ang 'boyfriend ko'. Hindi nakatakas sa akin ang palihim nilang pag-irap kaya mahina akong natawa.

"Akala mo naman talaga. Pa-baby nang pa-baby kay Fabian. Wow, baby ka? Eww ha," saad ni Devi.

"Wow, tanga ka? Tanga ka?" Ngumisi lang ako sa kan'ya at kinayawan sila nang lumabas ako ng kuwarto ni Bella.

Halos mahulog ako sa hagdan sa kamamadali. Of course, ie-edit ko pa ang video kaya dapat mabilis namin 'tong magawa. Gusto ko na kasi siyang i-upload sa channel ko para makita na nila na may boyfriend ako na kagaya ni Fabian, na kagaya niyang mahal na mahal ako.

"Babyyy..." I almost run toward him to hug and kiss him.

"How was your day with them?" Tanong niya sa akin nang maglakad kami papunta sa kan'yang kotse.

"Ayos lang, kuwentuhan lang, gano'n."

"And? Ano'ng kuwento?"

"Siyempre, secret na 'yon," pumasok ako sa passenger's seat at siya naman ay sa driver's seat.

"Girl's talk? Baka pinag-uusapan niyo mga guwapo. Sinasabi ko sa 'yo, Venus," dumiin ang kan'yang boses at nag-drive siya nang kalmado.

"Hindi, ah!" Mabilis kong angal.

"Kapag mga babae pa naman, 'pag nagsama-sama sila ng mga kaibigan nila, mga guwapo agad pag-uusapan nila." He shooked his head at nag-focus na lamang sa daan.

Well, hindi ko 'yon matatanggi. Gano'n kami nina Melanie noon pero ngayon, hindi na. Rejected nga sila ng mga partner nila, may gana pa silang mang-hunting ng guwapo? Well, oo, siyempre, may gana pa rin maghanap ng guwapo. Haha.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon