THE MISTRESS AND THE WIFE

Começar do início
                                    

Napatingin ako sa gunting na nakatarak sa lalaking kaharap ko ngayon. Lumalandas dito ang masaganang dugo. Napa nganga nalang ito ng bunutin ko ang gunting.

Napaluhod ito sa sakit.


Pawang kasinungalingan lang pala ang lahat.

'' Ma' nasan na yung dslr? '' napatingin ako kay ryle. Nakangiti ito. hindi ako makapag salita. Nagulat nalang ako ng kunin nito sa likod ko ang camera.

'' sige ma' mag pipicture lang ako.. '' paalam nito. Napatingin ako kay ohm. Rumehistro sa mukha nito ang pagtataka.

'' Okay ka lang ba love?huy.! '' sabay tapik nito sakin sa balikat.

Walang dugo. Imahinasyon ko lang ang lahat.

Maya maya ay pumunta ang aking asawa at tinipon ang lahat ng bisita.

'' Aternoon guys, I would like to say thank you , for coming this day. Alam ko na tayo sa kanya kanyang obligations pero naglaan kayo ng oras para dito. I appreciated that. ''

Natawa ang mga tao sa paligid. Tahimik lang ako malapit kay ohm. Katabi ko ang aking anak.

My loving wife...Fluke James! '' pagpakilala nito sa akin. Napa igtad ako ng kalabitin ako nang aking anak.

'' ma..speech daw..'' napatango nalang ako at lumapit kay ohm. Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi.

'' Happy Birthday. '' bulong ko sa tenga nito.

'' thank you love.. '' ani nito. Hinawakan ko ang mic at nag salita.

'' Maraming salamat sa pagpunta. It's a great pleasure for me to meet all of you guys...''

Napatingin ako kay ohm. Nakangiti ito.

''Those eight years of being a married man was a gift for me. The time has passed. Lahat naman tayo ay tumatanda. To my loving husband, hindi hindi ako magsasawang sabihin sayo ito.




Mahal kita.




Naghiyawan naman ang mga tao sa ground. Nagpalakpakan naman ang mga ito. mayroon din wala lang sa kanila ang nangyayari ngayon.

Matapos kong magbigay ng speech ay nag party na ang lahat. Bumalik ako kay ryle at kinamusta ang mga bisita. Napatingin ako kay ohm.

Kasama nito ang mga kaklase niya sa highschool. Habang naguusap ay uminom ito ng wine.

Nandoon din ang pamilyar na babae. Napatingin ako ng mabuti rito. Bata pa ito kung tutuusin. Kinuha nito ang kaliwang kamay ni ohm at hinawakan ng mahigpit.

Mula sa aking kinatatayuan ngayon ay kitang kita ako ang ginagawa ng aking asawa. Kinuha ko ang isang glass wine at uminom dito.

Mapait.

Pero wala ng mas papait sa nasaksihan ko ngayon.

Kinabukasan ay pumunta ako sa aming kwarto at isa isang binuksan ang mga drawer at cabinet.


The World Of Married Couple ( TAGALOG BXB /DRAMA)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora