1.3 - First Victim

482 19 17
                                    

Visible Soul's note: HOLLA! Kumusta ang lahat? :D Pasensorry po sa napakatagal na update nito. Sa mga naghintay po ng UD ng MSF, I'm so sorry for keeping you waiting guys. Sadyang busy lang po talaga lalo pa't Education major ako. Kami po yung mga taong laging pinapagawa ng paperworks ng mga prof namin. Paperworks dito, diyan, doon, sa likod, sa harap etc. Hehe! Basta sana po ay magustuhan niyo ang last part ng first victim kasi next UD ko po ay entry na for second victim. :D Please bear with me guys. Enjoy reading the last part of 'first victim'!

--

L Y K A

Nakahiga na ako dahil sa pagod ang katawan ko sa biyahe pero hindi ako dalawin ng antok kahit gusto kong matulog. Di mawala sa isip ko yung nakita ko sa gallery ng cellphone, yung mga nabasa ko sa inbox at yung panaginip ko habang bumabiyahe kanina. Everything is wrong. Ano ba talaga yung nangyari sa may-ari ng cellphone? Hindi kaya tama yung kutob ko na may nangyari talagang masama sa kanya?

*sigh*

"Lyka! Lyka!"

Si mama. Tinatawag ako.

"Lyka, lumabas ka muna diyan sa kwarto mo may iuutos ako."

Si mama ulit.

"Opo ma. Saglit lang po."

Tinalian ko muna ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

"Nasaan na yung cellphone? Gamitin na natin agad. Pumunta ka sa bilihan ng card na pang e-load at bumili ka ng simcard na pangload. Insert mo agad yung card sa cellphone na napulot mo."

"Pero ma..."

"Ayaw mo?"

"Hindi naman po sa ganun pero...Kasi..."

"Ayaw mo nga. Akin na yung cellphone at ako na lang ang gagawa ng ipinag-uutos ko tutal maaga pa naman. Magpahinga ka na lang diyan."

"Samahan na po kita mama. Madilim na po eh."

"Wag na. Dito ka na lang para may kasama si papa mo."

"S-sige po. Mag-ingat po kayo mama."

Di na sumagot si mama. Halatang medyo inis saken. Ewan ko ba, nararamdaman ko kasi na maling gamitin namin ang cellphone na yun. Sobrang mali. At ... at kinakabahan ako.

:/

Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko para magpahinga ulit pero yung kabang nararamdaman ko ay tila dumoble. Di ko maipaliwanag kung bakit pero ganun ako pag may nakaambang panganib. Diyos ko po!

* * *

Pagkabili ng simcard ng mama ni Lyka ay agad nitong inoff ang cp upang tanggalin ang lumang simcard at palitan ng card na pangload. Inopen nya agad ang cp at nagulat siya sa welcome note:

"TULUNGAN MO AKO!"

Hindi iyon pinansin ng mama ni Lyka dahil di niya naman alam kung yun nga ang welcome note ng cellphone.

Tuloy-tuloy siya sa paglakad sa madilim na kalsada pauwi hanggang sa nagring ang cellphone. Nagulat siya dahil kakabili niya lang ng simcard may tatawag na agad.

Kinuha niya ito sa bulsa niya at tiningnan ang screen. Unknown number pero pinindot nya na din ang answer key para sagutin ang tumatawag.

"Hello?"

Takang pagbati.

"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako. May humahabol na dalawang lalaki saken. Tulungan mo ako!"

Boses ng babae na garalgal ang boses. Nayamot ang ina ni Lyka sa narinig.

"Pwede bang wag kang magbiro ng ganyan. Wala akong oras sa mga ganyang biro!"

At pinatayan niya ang tumatawag. Malapit na siya sa bahay ng muling tumunog ang cellphone.

Isa...

Dalawa...

Tatlong ring... pero di niya pa rin sinagot.

Tanaw na ng mama ni Lyka ang bahay nila ng biglang humangin ng napakalakas sa kinatatayuan nya at may boses na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nakakatakot ang boses.

"KATULAD KA DIN NILA! WALANG MGA AWA! DAPAT SAYO MAMATAY!"

Hindi na nakasagot ang ina ni Lyka dahil bigla siyang itinaas ng napakalakas na hangin na parang may sariling isip.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

Ang sigaw niya. Tila nasiyahan ang hangin sa narinig nito at mas itinaas niya pa ang ina ni Lyka. Pagkuwa'y bigla na lang bumagsak sa isang nakausling bato ang nanay ni Lyka. Nakahandusay ito at duguan...At wala ng malay!!!

Ang hanging tila ipo-ipo kanina ay biglang naglaho. Normal na ulit ang lahat subalit ang galit na kaluluwa ay muling pumasok sa cellphone...

--

VS: Ayan na po ang pinakahinihintay ninyong UD. Hope you like it.

Vote . Comment . <3

Next entry -> 2 - Second Victim

Abangan! GOD bless po!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Message Sending FailedWhere stories live. Discover now