1.1 - First Victim

797 27 9
                                    

Medyo weird ang nangyari dahil pagkatago ko ng cellphone sa bag ko ay matik namang umandar na ulit ang sasakyan. Sumakay na ulit kami ni mama.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa pinagawa sakin ni mama. Di ko kasi ugali na angkinin yung di naman akin kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon.

T____T

Na-curious ulit ako kaya kinuha ko ulit ang cellphone sa bag ko at kinalikot ang menu. Sa gallery muna 'ko pumunta para tingnan ang mga tugtog at nakakatuwa dahil lahat ng songs na nasa folder ay paborito ko. Pareho yata kami ng taste sa pagpili ng kanta ng totoong may-ari nito.

Mga kanta ni taylor swift ang paborito ko at halos lahat ng songs niya ay nandito.

After sa gallery ay naengganyo akong tingnan ang inbox. Pwede akong magka-idea kung sino o ano ang may-ari ng cellphone na 'to kaya inopen ko na ang inbox. Karamihan ng mensaheng nakapaloob sa inbox ay quotes about God at mga inspirational quotes. Yung iba naman ay mga jokes at kaunti lang ang mensahe sa ordinaryong transaction.

Mabuting tao siguro ang may-ari nito. Pagkatapos sa inbox ay sa archives naman at drafts ako nagtungo. Puro qoutes din ang nakapaloob kaya dumiretso na 'ko sa sent items.

K

l

a

u

a

ako sa nabasa ko.

>____<

May sumusunod daw sa kanya at halata sa text niya na nasa panganib siya. Ang mga katagang ito ang rumehistro sa isipan ko:

MESSAGE SENDING FAILED!

Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya? Nakupo! Kinikilabutan ako at pinagpapawisan ng malamig. Napansin yata ni mama kaya tinanong ako.

"Lyka! Bakit parang namumutla ka yata? Nagugutom ka na ba?"

"H-hindi po mama. O-okay lang ako."

Nauutal ako.

Natutuyo ang lalamunan ko.

I go again to the gallery and pressed the 'images' option to view the photos. Halatang babae ang may-ari ng phone na 'to dahil si sakura ang wallpaper niya.

Humanga ako sa babaeng nakita ko sa screen ng cellphone. Ang ganda niya. Chinita na maputi at straight na straight ang buhok niya. Matangos ang kanyang ilong. Ang ganda talaga!

Tiningnan ko pa ang ibang photo at sadya akong humanga. Di naman ako tomboy pero sadyang maganda lang talaga siya.

Isa pang click ng another photo . . .

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

Duguan ang mukha niya!

----

(VS: Pasensya sa mga nabitin sa previous update. Busy lang sa school. I need another 5 votes bago ko 'to i-update ulit. GOD be with us all.)

Message Sending FailedWhere stories live. Discover now