1.2 - First Victim

678 19 21
                                    

Diyos ko po! I was bothered already by what I've found out. In-off ko na ng diretso ang cp. Kung sino man ang may-ari ng cellphone na 'to baka may masamang nangyari sa kanya.

The nerve! Whoaaaaaaaaaa!

Mali talaga ang naging desisyon ko na pumayag kay mama sa gusto niyang itago ko ang cellphone na 'to. Some questions are bothering me like 'Who's the girl with bloody face?', her face isn't recognizable at all. Siya kaya yun? Pero bakit duguan? Another question: 'What's with the message that was contained on the sent items and then marked with exclamation point saying 'Message Sending Failed'?' Everything needs clarity. Tapos nasa damuhang part ko pa 'to ng kalsada nakita. Whoaaaa!

It makes me crazy. Paranoia!

T____T

Gusto ko na tuloy itapon 'tong cp para di na 'ko mag-isip pa. Unease na din ako sa nakita at nabasa ko sa contents nito.

Tsk!

Di kaya may masama talagang nangyari sa real owner nito?

And...and...she's trying to----

Naputol ang pag-iisip ko when mama asked me.

"Lyka, anong oras na? Dapat mga 7pm nasa Maynila na tayo para makapagpahinga din."

"Ahm...Ahm... * I checked the time on my wrist watch and it reads 12:05nn * 12:05 na po mama."

"Kaya pala gutom na ako. Kain na tayo. Tapos susubuan ko na lang si papa mo habang nagdadrive."

"S-sige po mama."

Dating gawi. Ganun naman talaga sila ni papa kapag nasa biyahe kami. Sweet din naman talaga si mama uber nga lang sa pagka-practical. Kahit mali na minsan basta't usapang practical tuloy lang yan katulad kanina, 'finders keepers' daw. Tsk! Ayokong gayahin ang ugali niyang ganyan. Minsan kasi porke't magulang sila o kaya nakatatandang kapatid eh tama na all the time, maling pananaw yun. Minsan, mali din sila at tama ang mas nakababata pero dahil na rin sa respeto kaya mananahimik ka na lang.

(VS: *pa-extra* Di ba tama? May pinaghuhugutan ako eh. Haha! Mahirap maging bunsong kapatid sa pamilya. Bunso po ako eh. *pa-epal ends* :p)

Tinulungan ko na si mama sa pagkuha ng baon naming pagkain mula sa picnic bag na pinaglagyan niya nito. Bumungad ang amoy ng adobong ulam pagkabukas ng takip nito sa kinalalagyang baunan. Nakakaganang kumain.

^____^

Binuksan na din ni mama ang lalagyan ng kanin. Kumuha ako ng dalawang kutsara at ibinigay ang isa kay mama. Share na sila sa paggamit ng kutsarang yun ni papa.

Kumain na kami at kagaya nga ng sinabi ni mama, sinusubuan niya si papa habang nasa lap ko ang ulam at kanin. Kumukuha na lang dun si mama. Naparami ako ng kinain.

^____^

Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko na sa picnic bag ang orange juice na baon din namin. Kumuha din ako ng tatlong disposable glass at nilagyan ang mga yun ng juice. Inabot ko ang dalawang baso kay mama para sa kanila ni papa.

Pagkalagay namin ni mama ng mga gamit pabalik sa picnic bag ay natulog muna ako.

And... I had a dream...

May babaeng naglalakad at nakauniporme ito. Nakatalikod siya at may dalawang lalaking nakasunod sa kanya then the next scene happened...Nakahiga siya sa kalsada at duguan. Matagal siyang nakahiga hanggang sa dahan-dahan siyang bumangon na parang zombie!

Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!

I was terrified 'coz she stares at me at...at...

Bigla niya akong sinakal. Sobrang higpit.

Aaaaah! I can't breathe...

----

"Araaaaay!"

Napasigaw ako sa kurot ni mama sa tagiliran ko.

>____<

(VS: Pasensya na po medyo busy ako ngayon sa band namin at sa choir at sa athletic club (LOL!) kaya medyo late ang UDs ko. I need another 5 votes for this chapter. Hello pala kay chellemich at yowchielotxD! :) Salamat po sa suporta. God bless!)

Message Sending FailedWhere stories live. Discover now