1 - First Victim

988 23 6
                                    

Bakasyunista kami sa isang barangay sa San Roque. Isang buwan din kami sa lugar na 'to dahil nagpagaling ang tatay ko sa sakit niyang hika.

Ngayong araw ang balik namin sa Maynila kaya maaga kaming gumising ni mama para maghanda ng mga gamit at baon sa biyahe.

"Lyka dalian mo na ang pagligpit ng mga damit natin at tulungan mo akong magluto dito sa kusina."

Ang utos ng nanay ko sa'kin. Agad akong tumalima.

Adobong manok na may kamote ang inihanda ni nanay dahil masarap yun kainin sa biyahe.

Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay tumulong na ako kay mama sa kusina. Ako ang nagchop ng mga ingredients tulad ng sibuyas at bawang. Maaga kaming natapos ni mama.

After two hours ay natapos din ang ginagawa namin. Pinuntahan ko si papa sa kwarto nila ni mama at naabutan ko siya na nakabihis na.

"Pa, mukha pong excited kayo ah. Hehe!"

"Oo anak. Nakakamiss din ang Maynila at hinahanap na rin ng katawan ko ang magtrabaho. Iba rin kasi kapag nasanay ka na may ginagawa eh."

"Opo nga po papa eh. Miss ko na nga din po yung school pero ang pinaka-importante sa lahat ay magaling na po kayo. Sige po pa, maliligo na din po ako."

"Sige nak."

Nakangiti si papa.

Book keeper ang tatay ko sa isang hospital samantalang si mama naman ay nasa bahay lang at may inaalagaang maliit na sari-sari store sa aming bahay mismo. Yun ang bumubuhay samin at ang pinagkukunan ng aming mga pangangailangan. Mula sa sahod naman ni itay ang ipinang-aaral ko pero balak kong maging iskolar sa susunod na semester para di naman mabigatan ang mga magulang ko sakin. Mabuti na lang at June ngayon, entrada pa lang ng klase. Di apektado ang bakasyon naming mag-anak.

Pagkatapos kong maligo ay sumunod na din si mama hanggang sa matapos siya at isinakay na namin ang mga gamit sa owner-type jeep na naipundar ni papa. Si papa na ang magdadrive dahil kaya niya naman daw pero marunong din akong magmaneho. Tinuruan ako ni papa nung high school pa lang ako. Umalis kami sa brgy. San Roque ng eksakto alas-otso ng umaga.

Mahaba-haba din ang biyahe namin. May mga nadaanan kaming puno at sakahan. May mga kalabaw at baka din kaming nadaanan na nanginginain. Marami akong mamimiss sa lugar na 'to lalo na ang sariwang hangin at masasarap na gulay at prutas. Di nakapagtatakang gumaling agad si papa after a month.

(^____^)

Two hours na kaming naglalakbay ng biglang tumigil ang sasakyan. Bumaba si papa upang i-check ang makina pero maayos naman ito at full tank ang gasolina. Ini-start ulit ni papa ang makina pero ayaw pa din. Bumaba na lang muna kami ni mama sa sasakyan.

Naglakad-lakad ako para makapag-unat-unat habang nanatiling nakatayo si mama. Napatigil ako ng may makita akong kumikislap-kislap na bagay sa maliliit na damo sa gilid ng kalsada.

Nilapitan ko yun out of curiosity at tumambad sa'kin ang isang magandang cellphone. Nasisikatan ng araw ang screen nito kaya kumikinang sa malayo. Dinampot ko ang cellphone at tsinek kung ok pa ito.

I pressed all the keys at lahat gumagana. Walang depektibong key. Three bars pa ito at malakas ang signal. I checked the battery at mukhang matibay. Ba't kaya napunta 'to dito? Baka na-misplace ng may-ari. Hanapin ko kaya ang may-ari pero paano? Ipapaalam ko na lang kela mama na nakita ko 'to at sila na ang magdecide.

"Lyka mukhang mamahalin yan ah. Patingin nga."

Ibinigay ko ang phone kay mama.

"Pwede pa nating magamit 'to. Mukhang bago lang 'to eh. Pwedeng gamitin 'to sa loading business."

"Pero ma, hindi po tayo ang may-ari ng cellphone na yan eh. Kailangang maibalik yan sa tunay na may-ari."

"Lyka maging practical ka nga. Saang lupalop ng mundo mo pa hahanapin ang may-ari nito? Nakita mo 'to kaya ibig sabihin, sa'yo na 'to."

"Ma naman. Parang sinabi niyo na din po na finders keepers."

"Wag ka ng sumatsat diyan. Itago mo na 'to at pwede nating gamitin sa negosyo."

Wala na akong nagawa sa sinabi ni mama kaya sinunod ko na lamang siya.

(I need five votes at kapag nakuha ko yun dun lang ako mag-uupdate...Visible Soul) :D

Message Sending FailedWhere stories live. Discover now