Epilogue

46 6 0
                                    

Nakaupo si Zayne sa may couch kasama sila Ashton at Chase. Hinihintay nilang bumaba si Coleen at Zach dahil binyag ng anak nilang si Uno at Dos.

Nauna naman na sa simbahan ang Mom niya at ang Mommy ni Chase kasama si Sean at Carsyn. Sa isang famous hotel ang reception ng binyag nung kambal kaya doon nalang maghihintay sila Chase. Kahit ayaw ni Zayne ay wala itong nagawa dahil magtatalo lang sila ng asawa niya.


"Ang tagal naman" reklamo ni Ashton na biglang tumayo

"Mahirap kasi bihisan yung kambal malikot kaya sila" sagot naman ni Zayne kaya napaupo nalang ulit si Ashton

"Wait nasaan pala yung anak ko?" biglang tanong ni Zayne nung mapansing wala si Jace

"Kasama si Sean" tipid na sagot ni Chase kaya tumango nalang si Zayne


Maya maya lang ay bumaba na nga sila Coleen at Zach na dala yung anak nila. Tumayo naman na sila Ashton at inalalayan naman ni Chase ang asawa.

"Hindi naman kayo sasama sa church bakit hinintay niyo pa kami" sabi ni Coleen nung tuluyan na silang makababa.

"Baka kailangan niyo pa ng tulong" sagot naman ni Ashton

"Okay na lahat. Let's go" sabi naman ni Zach

Kinuha naman ni Zayne si Dos na hawak ng kuya niya. Sumakay na sila sa iisang sasakyan at tahimik lang sa byahe. Nakangiting pinagmamasdan ni Zayne ang batang hawak nito. Bigla nalang siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala nito ang anak niya. Siguro ngayon ay naipanganak na sana niya ito kung naging mabuti lang ang pagbubuntis niya.

Napalingon naman si Chase sakanya at hinawakan niya ang kamay nito. Napalingon din si Zayne dito at ngumiti. Muli niyang ibinalik ang paningin kay Dos na tumatawa dahil nilalaro ni Ashton.

Iniabot ni Zayne ang bata kay Ashton at sumandal sa braso ni Chase. Pilit niyang pinipigilan ang pagbagsak ng luha niya pero kusa iyong tumulo nung yakapin siya ni Chase at halikan sa noo.

"I'm sorry" mahinang wika ni Zayne upang silang dalawa lang ang makarinig

"Wag kang mag sorry wala kang kasalanan" sabi naman ni Chase


"Hindi ko siya inalagaang mabuti. It's all my fault" sabi nito kaya mabilis na pinahid ni Chase ang mga luha niya.


"Enough. Everything happens for a reason" sabi nalang niya para tumahan na ang asawa nito.


Tumigil na ang sasakyan sa tapat ng simbahan at isa isa na silang lumabas. Humalik naman na si Zayne at Chase sa mga bata bago sumakay sa sasakyan nila. Nagpaalam na ang dalawa na mauuna na sa reception at tumango lang sila Coleen.

Nagsimula ng magmaneho si Chase at nakasunod naman si Ashton sakanila gamit ang sasakyan niya. Tahimik lang si Zayne na nakaupo sa passenger seat kaya naisipang hawakan ni Chase ang kamay niya. Napalingon naman si Zayne dito at sinuklian lamang niya ito ng isang matamis na ngiti.

"Ampanget mo kapag malungkot" pabirong sabi ni Chase sakanya kaya hinampas naman nito ang braso niya

"Iloveyou" nakangiting sabi ni Chase sakanya


"Iloveyoutoo" sagot naman ni Zayne


"Wag kang magpapagod mamaya ha" nakangiting sabi ni Chase kaya napakunot noo naman si Zayne


"Huh?" takang tanong nito

"May gagawin tayo mamayang gabi kaya wag kang magpapagod-


Stand by youWhere stories live. Discover now